Yam, tinablan sa mga halik ni Jericho

PHOTOS: Melo Balingit & @yamconcepcion on Instagram

PHOTOS: Melo Balingit & @yamconcepcion on Instagram

Inamin ni Yam Concepcion na nadala siya sa halik ni Jericho Rosales sa mga eksena nila sa hit Kapamilya primetimes series na Halik.

Natawa at medyo na-awkward nang slight si Yam nang sumagot siya ng, “Sobra!” nang tanungin siya ng press kung bukod ba sa magaling na aktor ay magaling ding humalik si Jericho.

“Ano kasi, ‘yung kay Echo, sobrang... kunwari ‘pag may kissing scene kami, in character masyado. So, talagang ramdam na ramdam ko. Feeling ko, mahal niya rin talaga ako. Pero hindi talaga. Ha! Ha! Ha!” tawa ni Yam sa finale mediacon ng Halik, na nasa huling linggo na nito simula sa Lunes, April 22, sa ABS-CBN primetime block.

Dugtong na tsika ni Yam, “Sobrang passionate. Actually, sa totoo lang, nadala ako du’n... may eksena kami, medyo nadala rin ako. Ay, nadala ako lang pala! Ha! Ha! Ha!

“Medyo nadala ako, pero because of my character. Nothing personal,” natatawang bulalas ng 30-anyos na dalaga.

Tumatak sa Pinoy viewers ang role ni Yam sa Halik na si Jade Flores-Bartolome, asawa ng karakter ni Jericho na si Lino Bartolome.

Kumabit si Jade sa karakter ni Sam Milby na si Ace Corpuz, na asawa naman ng karakter ni Yen Santos na si Jacky Montefalco-Corpuz.

Ang sabi ni Yam, okey rin na kahalikan si Sam at ‘yung sa kanila ay wild kissing bilang may affair nga sila sa istorya. Iba raw ang approach sa kissing scene nila ni Sam, dapat ay hot talaga.

Ayon sa seksing contract star ng Viva, natuwa siya nang malaman niya na ang tawag na ngayon sa mga kabit ay ‘Jade’ dahil sa pinasikat niyang mistress character sa Halik.

“Maganda ‘yon. I think it’s a compliment na ginawang alam mo ‘yon? Kasi, character lang naman ‘yon, hindi naman ako ‘yon. So, I guess yeah, ang sarap ng feeling!

“Parang nakakatuwa, ‘di ba? ‘Jade’—kumbaga, it’s part of a dictionary, a different dictionary. It’s a word,” masayang pakli pa ng dalaga na may Multimedia Arts degree sa College of Saint Benilde.

Nakaka-relate daw si Yam sa insecurities at flaws ni Jade because like her, she’s also human and not perfect. Relate din siya dahil kahit anong problema ay fighter si Jade at lumalaban. Ganu’n din daw siya.

This is Yam’s most significant project yet, kaya sobrang dami niyang memorable scenes sa Halik.

Marami siyang naranasan sa teleseryeng ito, na sa pagka-emotional ni Yam, nu’ng mediacon ay naiyak siya habang nagsasalita.

Like may mga eksena raw na nag-let go lang siya at nagulat na lang siya na nagawa na niya pala.

Nagpasalamat din siya kay Jericho at sa direktor nilang si Cathy Camarillo dahil meron daw silang malalim na connection ni direk and there’s something special between the two of them, pero hindi romantic.

“Mami-miss ko rin ‘yung mga sampalan, ganyan. At saka ‘yung mga bash ng mga tao. Kasi, feeling ko, ako ‘yung pinakaraming nakuhang bashing.

“‘Yung mga bash na ‘yon, minsan it hurts me, especially in the beginning dahil tao lang ako. Pero after a while, masasanay ka na lang, matatawa ka na lang sa kanila.

“So, ‘yung approach na ginawa ko, feeling ko ‘yung bashers na ‘yan, ginawa ko siyang reminder, a constant reminder of your victories more than ‘yung defeats mo.”

Mami-miss din daw ni Yam si Jericho [si Sam ay nag-excuse nu’ng mediacon dahil masama ang pakiramdam nito at dinala ito sa ospital], lahat ng nakasama niya rito and everything about the show.

“Kaya thank you so much, RSB (Ruel S. Bayani, head ng drama unit na gumawa ng Halik), for giving me this opportunity. Kasi grabe, I’m very thankful, I’m very blessed. Thank you,” mangiyak-ngiyak na sambit ni Yam.

Bukod sa napansin siya nang husto ay nanalo rin ng ilang Best Actress awards si Yam for her performance in Halik.

Kaya masasabing umangat ang level ng pagkaaktres niya dahil sa breakthrough role niya na ito.    

“Mas na-inspire ako lalo na pagbutihin ‘yung trabaho ko. Ang hirap kasi, sobrang challenging i-portray ang role ni Jade. Very complex, very round character, very flawed.

“Para sa akin, tinanggap ko ‘yung challenge na ‘yon for me to grow as an actress and I’ve really learned a lot. What a journey it has been for me, especially sa aking career.

“At saka understanding the craft because I have my co-actors, directors na very generous sa kanilang knowledge about it. So, ang dami kong natutunan.

“And it humbles me also in a way, kasi ang galing. ‘Pag lumalabas ako, Jade na ‘yung pangalan ko. Minsan, hindi nga nila ako tinatawag na Yam. Nakakalimutan na nila ako, hindi nila alam, ‘Ano na ngang pangalan niyan? Si Jade ‘yan, eh! Si Jade!’

“Nakakatuwa. Nakaka-flatter. It inspires me more to learn. There’s a lot to learn and I’m excited. ‘Yung fuel na meron ako, parang mas lalong tumitindi,” maigting pang sambit ni Yam.

Nu’ng 2012 ay nagbida si Yam sa erotic thriller na Rigodon katambal ang modelong si John James Uy. Dinirek ito ni Erik Matti mula sa Viva Films at Reality Entertainment, pero hindi umalagwa nang husto ang kanyang showbiz career.

Ngayon ay nag-iwan talaga si Yam ng tatak sa local TV audience dahil sa kanyang role bilang si Jade sa kabitseryeng Halik.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Watch: Yam at Ryza, “naghalikan”

Get to know Yam Concepcion in 5 minutes!

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.