Xian Lim, ilang beses inatake ng insomnia habang nasa lock-in taping ng Love Thy Woman

PHOTOS: @xianlimm on Instagram & Xian Lim on YouTube

PHOTOS: @xianlimm on Instagram & Xian Lim on YouTube

Ipinasilip ng aktor na si Xian Lim ang mga behind-the-scenes ng ABS-CBN drama series na Love Thy Woman ngayong magtatapos na ito. 

Si Xian ang gumaganap na lead actor sa Kapamilya teleserye na reunion project nila ng kanyang girlfriend na si Kim Chiu.

Sapilitang nahinto sa taping at pag-ere ang show nang magpatupad ng lockdown ang gobyerno last March in hope na ma-contain ang pagkalat ng coronavirus disease, na sinundan pa ng pagkaka-shutdown ng ABS-CBN last May. 

Gayunpaman, muling nakabalik on air ang Love Thy Woman via Kapamilya Channel and other ABS-CBN online platforms. 

Sa latest YouTube video ng 31-year-old Kapamilya actor entitled " Love Thy Woman Quarantine Shoot" na in-upload kagabi, September 10, ibinahagi ni Xian ang kanyang naging ganap mula sa preparation hanggang sa mga behind-the scenes kulitan during their 30-day lock-in taping para sa nasabing soap opera. 

Lock-in taping ang ginagawa ng mga TV production team ngayong panahon ng COVID-19 pandemic kung saan walang uwian ang mga cast at crew for a specific period of time. Ito ay para ma-lessen ang physical contact nila sa ibang tao na hindi kasali sa show at maiwasan ang sakit. 

"It's gonna be work, work, work, but at the same time... Nandu'n lang kasi kami, e. Basically, on our shooting, we are on lockdown," pagbabahagi pa ni Xian sa vlog.

S'yempre, bago ang lahat, safety first muna kaya naman sumailalim ang lahat ng cast and the small number of crew na kasama sa production sa rapid testing na ginanap mismo sa ABS-CBN.

Kailangan kasing makatiyak na lahat ng taong kasama sa lock-in taping ay COVID-19 free para safe silang lahat. 

At dahil wala nga silang uwian for 30 days, sa hotel nag-stay si Xian and the rest of the team. 

First night pa lang, inatake na umano ng insomnia ang aktor. 

"It's 3 AM. I can't sleep so [I'm] just reviewing for later," pahayag pa ni Xian kahit 7 AM ang call time n'ya the following day. 

Sa mga sumunod na araw, na-capture din ng aktor ang buong team na nagdarasal while observing physical distancing bago nila simulan ang kanilang trabaho. 

At kahit tapos na ang taping at nagpapahinga na lang si Xian, together with his girlfriend Kim Chiu, ay sinunod pa rin nila ang social distancing na part ng health and safety protocol.

Mabilis ang phasing ng shoot, ani Xian. At kahit palipat-lipat ng location, hindi 'yon hadlang kay Xian para i-prank ang kasama nilang make up artist na si Mama Manuel na ginulat n'ya nang hagisan n'ya ito ng lubid na inakala naman nitong ahas. 

Noong Day 4 naman ng lock-in taping, ipinikita ni Xian nang makasama n'ya sa dinner ang girlfriend at leading lady na si Kim. 

Na-capture din ng Kapamilya leading man ang pagiging kalog ng mga co-stars n'yang sina  Eula Valdes at Sunshine Cruz nang mag-celebrate si Sunshine ng kanyang birthday habang nasa set last July 18.

At bago matapos ang vlog, idinaan ni Xian sa joke na malakas daw humilik si Mama Manuel kaya hindi s'ya nakatulog nang maayos. 

"When insomnia strikes," sey ng aktor habang mini-make-up-an before their shoot.

Narito ang first part ng Love Thy Woman Quarantine Shoot ni Xian Lim:

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Xian Lim defends Kim Chiu from bashers who criticized her “classroom” statement; urges everyone to stop the hate

Pika's Pick: Xian Lim helps set up and redesign his lola’s room for when she comes home from the hospital; says his grandma wants a room filled with clowns, figurines

Pika's Pick: Xian Lim posts travel compilation video of him and sweetheart Kim Chiu; fans think the gesture is for celebration of something special

Pika's Pick: Kim Chiu’s birthday message to boyfriend Xian Lim that says “Thank you for existing” is simply heart melting

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.