Xian, 15Lbs ang itinaba!

PHOTOS: Anna Pingol & @xianlim

PHOTOS: Anna Pingol & @xianlim

Marami ang nakakapuna na tila raw yata nagpapabaya si Xian Lim sa sarili. Bukod sa tumataba ito ay unkempt pa lately ang itsura niya dahil sa bigote at balbas. Tila wala rin daw itong time magpa-gupit ng buhok. Hindi na raw ito mukang athletic or model.

Ibang-iba sa nakasanayan ng lahat kay Xian na laging neat at metikuloso sa looks niya. ’Yong tipong parang galing lagi sa fashion shoot.

Pero may dahilan pala ang lahat ng ’yon. Sadya pala talaga siyang nagpapataba ang nagpapatubo ng balbas para sa role niya sa Untrue, ang drama-thriller movie na pagsasamahan nila ni Cristine Reyes at ididirek ni

Sigrid Andrea Bernardo at kukuhahan sa bansang Georgia.

Sa pagkakatanda ni Xian, November last year nang sabihan siya ni Direk Sigrid, who also wrote the script, na gusto nito ng mas malaking Xian.

No’ng una akala ko, I need to trim down,” esplika ni Xian na naka-tsikahan ng pikapika.ph sa story conference ng Untrue na ginanap sa Viva office last February 7.

“Kasi ’yon ang usually pinagagawa sa akin kasi ang laging sinasabi sa akin, ‘Ang laki mo, ang laki mong mag-register sa screen.’ Si Direk [Sigrid], baligtad, ‘Gusto ko mas malaki pa, as in malaking-malaki…mga 15 to 20 pounds. So, I’ve just been eating. Sabi ko, ‘Ano pa’ng requirements?’ 

“’Wag ka lang mag-gym at kumain ka nang kumain.’ So, sarap ng buhay, hahaha!”

Older character daw kasi ang na-envision ni Direk Sigrid para sa naisulat niyang character ni Xian. Kaya naman thankful at puring-puri ni Direk Sigrid, hindi lang si Xian, kundi maging ang leading lady na si Cristine Reyes, sa pinapakitan nilang dedication at commitment para sa Untrue.

“Saka nakikita ko kasi lagi si Xian na same look sa iba niyang pelikula,” esplika ni Direk Sigrid. “This is something different na gusto kong i-try. And he’s very dedicated to his character. Obvious naman sa tiyan niya ngayon na napaka-taba na niya. Hahaha! And para iba rin ’yong look nila and even si Cristine, mas edgy ’yong look nila.”

Dagdag ni Xian:
“At the same time, it would be nice to really show something different…kasi ’yon nga, nabanggit ni Direk na no’ng una niya akong nakita, ‘Parang lagi nalang ganyan ’yong itsura mo, parang hindi ka na nagbago mula nang nakita kita.’ This is one good challenge to take na iba talaga ’yong maipakita namin ni Cristine.”

Ang tiyan ni Xian, biro ni Direk Sigrid, ang kanilang “biggest investment” sa pelikula.

 

Cristine, for her part, will shorten and color her hair red.

“Kasi sanay kayo na palagi akong long hair, girly…this time, mas edgy kasi edgy din ’yong role.”

Ayaw pang i-detalye nina Cristine at Xian ang mga roles nila pero nag-commit sila to a 10-day workshop para mas mabigyang buhay ang mga roles created by Direk Sigrid.

Excited na sina Xian at Cristine na umalis patungong Georgia, na ayon sa online source na Wikipedia ay “country at the intersection of Europe and Asia” at isang “former Soviet republic.” So, Russian ang lengguwahe rito.

Sa February 15 na ang lipad nina Cristine at Xian habang nauna naman na doon si Direk Sigrid na tumulak last February 9 para makapa-ocular at establishing shots. Napili raw ni Direk Sigrid ang Georgia dahil naghahanap talaga siya ng bansang konti lang ang Pinoy at ayon sa research nila, 30 lang ang kasalukuyang Filipinos na naninirahan at nagta-trabaho doon.

Tungkol daw kasi sa two lonely Pinoys who find solace in each other ang k’wento ng Untrue. At bubulabugin ng isang “strange apparition of a woman” ang relationship no’ng dalawa.

Wala pa raw playdate ang Untrue and working title palang daw ’yon, pero para kay Direk, 90% na niyang gusto ang title na ’yon.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.