Writer/Creator ng Legal Wives, humingi ng pasensya matapos hindi naipalabas kagabi ang nasabing cultural drama series

PHOTO: @LegalWivesGMA on Instagram

PHOTO: @LegalWivesGMA on Instagram

Humingi ng paumanhin ang TV writer and series creator na si Suzette Doctolero matapos maudlot ang pagpapalabas ng teleseryeng Legal Wives.

Kagabi, June 21, dapat ang TV premiere ng Legal Wives na isang cultural drama series base sa mga plugs na inilabas ng Kapuso Netwok. Pagbibidahan ito nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Sa kanyang Facebook page kahapon, nag-sorry si Doctolero at ipinaliwanag ang dahilan kung bakit naurong na naman ang pag-ere ng isinulat n’yang TV series. Nauna na kasing naiulat na May ito ipapalabas.

“Paumanhin po at hindi po namin maipapalabas ito ngayong Lunes,” pahayag ni Suzette, na kilalang writer ng mga top-rated Kapuso drama gaya ng Amaya, Sahaya, Indio, at My Husband’s Lover.

“Napakahirap po kasi talaga mag taping sa panahon na ito ng pandemic, maraming pagsubok. La hawla wala quwwata illa billah [There is no might nor power except with Allah]. 

Dagdag pa n’ya, “Kailangan po syempreng unahin ang safety ng lahat.”

At dahil medyo challenging nga ang pagti-taping sa ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, tatapusin na daw muna i-shoot ang lahat ng natitirang episodes.

“We will resume taping very soon para matapos na ang lahat ng mga episode at maihandog na sa inyo ang aming pinaghirapan,” pagtitiyak n’ya. “Isang show na nagpapakita sa napakagandang way of life and beliefs (na puno ng magagandang values) ng mga kapatid nating Muslim. 

“In behalf of our director Zig Dulay, Production Unit Manager, Helen Rose S. Sese, Executive Producer Shielyn Mariano, cast and crew, pasensya ho. 

“Magtiwala na gagamitin namin ang panahon na ito para higit na mapaganda pa ang show sa kabila ng mga pagsubok nang maideliver ito sa inyong hapag agad agad. Abangan! In Shaa Allah [God willing]. Salamat!”

 

Ukol Sa LEGAL WIVES. Mga mahal na Kapuso, Paumanhin po at hindi po namin maipapalabas ito ngayong Lunes. Napakahirap...

Posted by Suzette Severo Doctolero on Sunday, June 20, 2021

Sa pakikipag-direct message namin kay Suzette, sinabi n’yang natuloy naman ang lock-in taping nila last May pero challenging nga raw.

”Given na mahirap talaga mag shoot now. So need unahin lagi safetly ng lahat. Kung halimbawa man, halimbawa na me magkasakit, talagang need aksyunan at ihinto yan,” DM niya sa pikapika.ph.

Naitanong din namin kung last lock-in taping na ba nila ang sinasabi n’yang naka-set na.  

“Yes, last cycle na ito. Hopefully,” sagot n’ya. 

So kailan naman kaya ito mapapanood nang mga nag-aabang na fans?

“This July,” pagtatapos ni Suzette.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Bianca Umali, na-bully at body-shame sa kanyang IG post; bf Ruru Madrid, dumepensa sa aktres

Derek Ramsay, umaming siya ang unang “nakipagkalas” kay Andrea Torres over the phone

Dahil sa dami ng mga pabaon ng girlfriend na si Jennylyn Mercado para sa lock-in taping niya, Dennis Trillo, nag-reak: "Parang yaw na nga n'ya akong pauwiin."

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.