Will Ashley, aminadong mama’s boy

Cool na inamin ng aktor na si Will Ashley na isa s’yang mama’s boy kahit na kadalasang ginagamit ang terminong ito bilang insulto sa isang lalaking dependent sa kanyang ina lalo na kung nasa hustong gulang na ito para maging self-reliant.

PHOTOS: @willashley17 on Instagram

Cool na inamin ng aktor na si Will Ashley na isa s’yang mama’s boy kahit na kadalasang ginagamit ang terminong ito bilang insulto sa isang lalaking dependent sa kanyang ina lalo na kung nasa hustong gulang na ito para maging self-reliant.

Nakaka-relate daw ang young actor na si Will Ashley sa kanyang karakter na si Andrew sa upcoming family drama series na Mano Po Legacy: The Flower Sisters dahil pareho daw silang mama’s boy nito. 

Mama’s boy ang tawag sa mga lalaki na dependent sa kanyang ina. Kadalasang ginagamit ito bilang insulto sa pagkalalaki lalo na kung s’ya ay nasa hustong gulang na para maging self-reliant. 

Pero walang kebs dito ang 20-year-old Kapuso actor na si Will.

Instead, cool n’yang inamin na mama's boy nga s'ya sa naging media conference nila kamakailan matapos s’yang matanong ng entertainment press kung may pagkakapareho ba sila ng karakter na gagampanan n’ya.

Opo. Actually, kasama ko si Mama, [ngayon] e,” natatawang sagot n’ya sabay turo sa nanay n’yang naka-pwesto sa audience area that time.

Paliwanag ng binatang aktor, maka-nanay daw talaga s’ya dahil silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay. Six years old pa lang kasi s'ya noon nang pumanaw ang kanyang ama. 

“Mama’s boy po ako kasi dalawa na lang din naman po kami ngayon sa mundong ibabaw,” pagbabahagi ni Will.

Paglilinaw n’ya, kahit close sila ng kanyang Mommy Mindy ay hindi naman daw s’ya overly dependent dito.

Hindi naman po kasi, ano naman si Mama, e, open naman s’ya, e. Pumapayag naman po s’ya sa mga hilig ko pero s’yempre may guidance pa rin po n’ya,” lahad n’ya.

Samantala, enjoy daw s’yang ka-trabaho muli ang seasoned actress na si Aiko Melendez na gaganap bilang Lily Chua at kanyang mommy sa teleserye. Reunion project na kasi nila ito matapos nilang magkasama sa top-rated afternoon drama series na Prima Donnas.

Mapapanood si Will Ashley, kasama sina Thea TolentinoBeauty Gonzalez, Angel Guardian, ang real-life couple Mikee QuintosPaul Salas, at marami pang iba simula ngayong October 31 sa GMA Telebabad.

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.