Wendell Ramos, payag na magpa-sexy sa showbiz ang mga anak na sina Saviour at Tanya

Lambing ni Wendell Ramos sa mga anak na kumikita na rin ng pera sa pag-aartista, pakinggan siya ng mga ito paminsan-minsan sa mga payo niya. “I just want them to listen. Siguro dahil nasa network na sila, nagwo-work na sila, parang… bawal na ba kong pakinggan? Bawal na ba kong kuhanan ng idea?” punto n’ya bilang ama.

PHOTOS: @wendellramosofficialpage @saviourramosofficial & Tanya Ramos on Facebook

Lambing ni Wendell Ramos sa mga anak na kumikita na rin ng pera sa pag-aartista, pakinggan siya ng mga ito paminsan-minsan sa mga payo niya. “I just want them to listen. Siguro dahil nasa network na sila, nagwo-work na sila, parang… bawal na ba kong pakinggan? Bawal na ba kong kuhanan ng idea?” punto n’ya bilang ama.

Naka-all-support daw ang aktor na si Wendell Ramos sa mga anak n’yang sina Saviour at Tanya sakaling mag-decide ang mga ito na pasukin ang pagpapa-sexy sa showbiz.

Ipinahayag n’ya ito sa recent episode ng Fast Talk With Boy Abunda kung saan sumalang s’ya as celebrity guest kasama ang dalawang anak na kapwa Sparkle artists.

Dito nga ay natanong s’ya ni Tito Boy kung papayag ba s’ya in case na dumating ang time na magpaalam ang sino man sa mga artista n’yang anak na magpa-sexy.

Dahil ito ang career path na pinasok n’ya during his younger days ay wala daw nakikitang mali dito si Wendell.

“Go!” pagbibigay consent n’ya kina Saviour at Tanya.

P’wede naman daw kasing magpa-sexy pero meron pa ring limitations and boundaries. 

“Because, Tito Boy, we have these ano naman, limitations and alam naman natin ’yon. Sexy…it doesn’t necessarily mean na kailangan na mag-sexy ka all the way,” katwiran n’ya.

Ganu’n daw kasi ang nangyari sa pagpapa-sexy n’ya noong kabataan n’ya.

Merong mga projects akong nagawa na sexy pero tama lang. Lumalabas lang s’ya na sexy for the story itself,” paliwanag pa ni Wendell.

“But ’yon na nga, okey din sa’kin ’yon, Tito Boy, kasi baka mamaya mag-TikTok lang s’ya, magpa-sexy s’ya nang magpa-sexy. At least dito, nagtatrabaho s’ya,” dagdag pa n’ya.

Mukhang wala naman sa isip ng dalawang bagets ang magpa-sexy sa ngayon lalo na ang 16-year-old na si Tanya

Gusto ko po talaga maging performer kasi I really love to sing and dance, any naman in between,” sagot n’ya kay Tito Boy nang matanong s’ya tungkol sa kanyang career path. 

Sa acting po, Tito Boy, gusto ko po maging pinaka-flexible na artista like lahat ng role kaya ko po talaga. ’Yon po ’yong goal ko sa acting. And then, sa singing,” sey naman ng binatang si Saviour.

S’yempre, nakasuporta dito si Wendell at sa kung ano pa mang path na gustong tahakin nina Saviour at Tanya.

Pero hiling n’ya sa mga anak, makinig daw sana ang mga ito na sa kanya paminsan-minsan. 

“I just want them to listen. Siguro dahil nasa network na sila, nagwo-work na sila, parang… bawal na ba kong pakinggan? Bawal na ba kong kuhanan ng idea?” punto n’ya bilang ama.

’Yong sa akin lang naman, inputs lang, hindi ’yong totally susundin n’yo. Because of my experience, I just want them to be aware of that,” he added.

Feeling blessed naman daw s’ya na katulong n’ya ang Kapuso network at mga kasamahan nila sa trabaho sa paggabay sa kanyang mga anak.

“We’re so blessed, kami ng asawa ko. At an early age ay naga-guide sila. I just want to thank GMA Network, Sparkle, Sparkada, and to all of my co-workers here na inaalagaan sila dahil nagkaroon ako ng magandang relasyon sa mga katrabaho ko from the cameramen, sa production, inaalagaan sila,” pagtatapos ni Wendell.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Wendell Ramos commences on his duty as volunteer firefighter

This Is Showbiz #54: Ang bittersweet life and showbiz journey ni Wendell Ramos

CEO role sa Prima Donnas, bagay kay Wendell Ramos, na isa nang successful businessman off-cam

Pagiging malambing ni Wendell Ramos, bakit kaya kinaiinisan ng anak niyang si Saviour?

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.