Wency Cornejo, tuloy ang pagko-concert sa Playlist 2 kahit may Bell's palsy

"Pero nagi-improve na. It's been a month since I've had this and I already done three shows so I know I could still perform. Mas mahirap lang nang konti.”

PHOTO: Melo Balingit & Tom Pornel

"Pero nagi-improve na. It's been a month since I've had this and I already done three shows so I know I could still perform. Mas mahirap lang nang konti.”

Isa ang singer na si Wency Cornejo sa mga new addition sa part 2 ng hit concert na Playlist The Best of OPM.

Successful ang naunang Playlist concert last 2019 kaya naman magkakaroon ito ng part 2, kung saan nga kasama ang dating bokalista ng bandang After Image na nagpasikat sa mga kantang "Next in Line," "Habang May Buhay," at "Tag-ulan."

"Sinama ako dito, siguro, on the strength of the songs I created, the songs I performed, the songs that I recorded and released," paliwanag ni Wency sa entertainment press sa presscon na ginanap kanina lamang hapon, February 18.

Halatang excited ang singer sa magaganap na concert at nagbiro pa ito na baka humaba daw ang show dahil sa pagiging talkative nya.

"Ako lang siguro ang pinakamadaldal sa amin, as far as I know. As far as I know, amongst this group ako ang 'yong pinakamadaldal talaga. So expect that instead of just an hour and a half or two hours, the show will run for three hours because I talk so much,” natatawang pambibisto niya sa sarili.

"I don't know if you've seen me performing before. I'm known to...my term is meander. I meander whenever I'm on stage. I talk about so many other things. Kumaliwa, kumanan, dumiretso, tumaas, bumaba. So, pagpasensyahan n'yo na lang kung anuman 'yong kalokohan na sinasabi ko."

Meander, by the way, means paliko-liko o zigzag, na s'ya umanong ginagawa ni Wency sa mga punchlines at topic na napapag-usapan sa mga concerts at gigs n'ya before.

Sa presscon, inamin din ng OPM icon ang pagkakaroon n'ya ng Bell's palsy. Ito 'yong panghihina at pansalamantalang pagkaka-paralisa ng mga facial muscles na nagiging dahilan upang hindi maigagalaw ng maysakit ang apektadong bahagi ng kanyang mukha.

"Maybe you're wondering why I'm like this, I have... Bell's palsy," pag-amin ng singer sa entertainment press. "I have bell's palsy right now. I'm recovering and, hopefully by the time the Playlist come... Anong date nga ba tayo? April 3. Birthday ko ng April 2. Birthday concert ko to."

"Sana birthday gift sa akin ng universe ay magaling na ako by the time the concert comes along.

"Medyo mas mahirap nang konti. May mga certain vowels and consonants that are hard to pronounce because my left side [of the face] isn't moving."

Sey pa ni Wency, kahit may Bell's palsy s'ya ay nagagawa n'ya pa rin ang mag-perform.

"Pero nagi-improve na. It's been a month since I've had this and I already done three shows so I know I could still perform. Mas mahirap lang nang konti.”

At hindi rin talaga paawat ang 52-year-old OPM hitmaker na mayroon pang reunion project kasama ang mga dati n'ya ka-miyembro sa After Image. Pinaplano na daw nila ang paglalabas ng mga bagong kanta.

"Planning stages pa lang naman," tsika ni Wency sa press. "Ang usapan namin baka April or May kami pumasok ng studio.

"Wala pang kanta. Wala pang anything. I'm still in the process of trying to think of something to write about.

"Kung anuman ang lumabas doon sana makapag-recording kami ng April or May. That's for After Image.

"As Wency Cornejo, as a solo performer, I'm still... I don't know if still want to come out with something new as myself. As for now, After Image muna 'yong iniisip ko."

Makakasama ni Wency sa Playlist 2 ang ilan sa mga OPM icons gaya nila Joey Generoso [former vocalist ng Side A], Jinky Vidal [former vocalist ng Freestyle], Jay Durias, Nina, Meds Marfil ng bandang True Faith, Janine Tenoso at ang bagong hitmaker na This Band.

Magaganap ang Playlist 2 The Best of OPM sa April 3 sa Smart Araneta Coliseum.

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.