Wally Bayola, tikom sa isyu ng pagmumura; handa sa anumang parusang ipapataw sa kanya ng MTRCB

Umabot na ng 20 years ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, at dahil daw iyon sa hindi nila paghahanap ng kamalian sa isa't isa. Good vibes lang palagi, kumbaga.

PHOTOS: Anna Pingol

Umabot na ng 20 years ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola, at dahil daw iyon sa hindi nila paghahanap ng kamalian sa isa't isa. Good vibes lang palagi, kumbaga.

Ayaw muna magbigay ng pahayag ng komedyanteng si Wally Bayola sa isyu ng pagmumura niya sa noontime show na E.A.T.

Natanong kasi siya ng entertainment press tungkol dito sa media conference nila kahapon, August 17, para sa upcoming Kapatid show nila ni Jose Manalo na Wow Mali Doble Tama.

Nahingan siya ng update tungkol sa isyu matapos ngang ipatawag ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamunuan ng show nila dahil sa nasabi niya sa segment na "Sugod Bahay Mga Kapatid" last August 10.

"Yes po, may pag-uusap ang MTRCB at production. S'yempre, hindi pa ako p'wede magbigay ng salaysay. I want to keep it privately muna kasi nga ongoing pa 'yong pag-uusap," lahad ni Wally. 

Bagama't nakapag-sorry na siya sa programa, tatanggapin daw niya kung ano ang ipapataw na sanction sa kanya. 

"Opo, at kung ano pang p'wedeng further na gawin pa willing naman po ako," saad n'ya.

Sey naman ni Jose, mas mabuti nang nakapag-sorry na ang co-host niya at inako nito ang pagkakamali nang mas maaga.

"Kesa papatagalin pa natin. Wag nang patagalin. Kasalanan mo o hindi mag-sorry tayo," sabi niya. 

"Hindi nakakabawas ng pagkatao ang pagso-sorry. Hindi nababawasan 'yon. The more na nagpapakumbaba ka, the more na mas maganda ang ginagawa mo," pagpapatuloy ng comedian-TV host.

"Hindi mo kailangang magmataas dahil isa lang ang nasa Itaas. Isa lang ang superstar,” ani Jose sabay turo sa langit.

Samanatala, twenty years nang magka-tandem sa pagpapatawa sina Jose at Wally. 

Nagsimulang mabuo ang pagiging comic duo nila nang magkasama sila sa Eat Bulaga way back 2003. Noong 2000 kasi napasama sa noontime show si Wally, habang naging production assistant at floor director ng show si Jose mula 1994 bago siya naging regular host noong 2003. 

Pagre-recall nila, hindi agad naging click ang tandem nila na nagsimula sa mga out-of-town shows. 

"Hindi pa [agad-agad]. 'Yon 'yong time na nagta-try pa lang kami as duo," pagbabalik-tanaw ni Jose.

"Tapos nag-host-host tayo sa [mga shows ng] Sexbomb. Sikat na sikat ang Sexbomb noon," singit naman ni Wally. 

"Nag-show kami. Magkasama kami sa Dagupan. Nandoon ang Sexbomb pero [pang] prime time din kami roon," dugtong pa ni Wally.

Dahil 20 years na nga silang magkasama sa pagpapatawa, natanong ng entertainment press kung nagkakatampuhan din ba sila gaya ng mga normal na magkaibigan.

"[Noong] anniversary namin hindi n'ya ako binati," tila sumbong ni Jose sa press people na ikinatawa ng lahat.

Pero pagseseryoso niya, "Wala, walą e. Sa totoo, hindi kami nagtatalo. Wala kaming argue'ng ginagawa, e."

Lakas daw kasi maka-goodvibes ng ginagawa nila kaya naman naiisantabi na ang mga tampuhan.

"Hindi, e. Kasi 'yong ginawa namin masaya, e. Paano kami magkakatampuhan?" sabi pa ni Jose.

"Wala, e. Wala. Kahit anong problema nagtutulungan naman kami kahit maliit o malaki," he added.

For Wally naman, nagsisilbi raw na kuya niya si Jose kapag may personal problem siya.

"Halimbawa, meron akong personal na problema, sa kanya ako nagse-seek ng advice. Kaya parang big brother ko talaga s'ya," aniya. 

Hindi rin daw nila masyadong iniisip kung sino ang tama o kung sino ang mali. 

"'Di namin kasi nakikita 'yong mali. Kasi kahit tayo, kailangan pag gising mo puro tama 'yong nakikita mo, e. Kapag magkasama kami, ang iniisip namin maganda 'yong gagawin namin," pahayag ni Jose. 

"Hindi ko na nakikita kung may mali s'ya o may mali akong ginagawa. Kasi pagpanhik [onstage] masaya. Pagbaba, masaya. Pag-uwi...parang ganu'n lang."

At para makaiwas daw sa negativity at stress, hindi na umano tinangka ni Jose na gumawa pa ng account sa mga social media platforms.

"Hindi ako nag-social media. Kaya nga ako walang social media ayoko ng stress," pagpapakatotoo niya. 

Kaya naman huwag daw maniwala sa mga accounts na gumagamit sa pangalan niya dahil hindi siya ang may hawak sa mga iyon. 

"Wala akong Facebook. Paano maha-hack 'yong account ko? Wala, wala talaga akong social media account," diin niya.

Wala na rin daw siyang balak talaga na gumawa pa ng account.

"Never na kasi napansin ko 'yan, 'yong Facebook. Facebook...nu'ng nag uumpisa 'yan, nung pumutok, pati sa artista nakikita ko...wala ka naman kaaway nagkakaroon ka ng kaaway," lahad niya.

At ngayong 20 years na nga ang duo nila, natanong pa namin sina Jose at Wally kung magkakaroon ba sila ng show o concert para i-celebrate ang milestone na ito with their fans.

"Hindi pa alam. Depende sa mga taong nakapaligid sa amin," diretsong sagot ni Jose sa amin. 

"Kaya ba pa natin? Nagulat ako," natatawang sey ni Wally sa kanya.

"Oo naman," sagot ni Jose. "Hangga't may naniniwala sa atin, hanggat may naniniwala sa'yo, gawin mo, alagaan mo 'yong paniniwalang binibigay ng tao sa'yo."

Kung concert naman daw kasi ang pag-uusapan, nagawa na umano nila ito ng dalawang beses kung saan napuno nila ang Araneta Colesium.

"Kumbaga, minsan nakakalimutan namin na, 'Nag-Araneta na pala tayo, may album na pala tayo, ay nagka-movie pala tayo,'" pag-e-enumerate ni Wally sa mga achievements nila. 

"Hindi kasi kami nagbibilang," sundot naman ni Jose.

Anyway, mapapanood ang dalawa sa bago nilang show na Wow Mali Doble Tama simula  August 26, at 6:15 PM on TV5, and 7:00 PM on BuKo Channel.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Wally Bayola, nag-sorry sa kanyang pagmumura on-air; “Nagkamali po ako doon at ako po ay humihingi ng inyong paumanhin.

Allan K at Wally Bayola, nag-trending matapos ilahad ang mga dagok ng 2020 sa buhay nila sa Bawal Judgmental

Pika's Pick: Dabarkads Jose Manalo and Ruby Rodriguez briefly reunite in Los Angeles

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.