VIVA bosses, may mga klinaro: na pitong taon na silang No. 1 sa MMFF at hindi kakulangan ng magagandang local materials ang dahilan kung bakit sila nag-a-adapt ng pelikula

“Madami namang ginagawang local... actually nagagaya lang or pini-pick up, ang ginagawa ng Viva, ino-honor namin ’yong copyright no’ng creator. So, kami rather than parang gayahin namin ’yong k’wento, kalimitan binibili nalang namin. “Gano’n din ang nangyari sa Kita Kita, no’ng nag-hit sa Pilipinas, nabili naman sa Indonesia. So, I think gano’n ang trend ngayon, e. ’Yong mga materyales na ginagawa...naghahanap na ang buong mundo kung ano’ng magandang k’wento. Gano’n din sa TV diba? Descendants of the Sun at ano pang mga remake, diba?”—Boss Vic on acquiring foreign titles

PHOTOS: Melo Balingit

“Madami namang ginagawang local... actually nagagaya lang or pini-pick up, ang ginagawa ng Viva, ino-honor namin ’yong copyright no’ng creator. So, kami rather than parang gayahin namin ’yong k’wento, kalimitan binibili nalang namin. “Gano’n din ang nangyari sa Kita Kita, no’ng nag-hit sa Pilipinas, nabili naman sa Indonesia. So, I think gano’n ang trend ngayon, e. ’Yong mga materyales na ginagawa...naghahanap na ang buong mundo kung ano’ng magandang k’wento. Gano’n din sa TV diba? Descendants of the Sun at ano pang mga remake, diba?”—Boss Vic on acquiring foreign titles

Sa ginanap na Viva Vision 2020 event sa Novotel Manila in Quezon City last January 28, sumalang sa panel discussion ang mag-amang Vic del Rosario, Jr. (Viva Chairman) at Vincent del Rosario (Viva President and COO) para sagutin ang ilang katanungan ng mga members of the entertainment and business press.

Katuwang nila sa panel ang Viva creative consultant na si Mel del Rosario, ang brains behind the reimagined Miracle in Cell No. 7,  ang surprise topgrosser na nakaraang Metro Manila Film Festival [MMFF2019]

Isa sa mga unang natanong sa panel ay kung bakit tila kakaunti ang Viva stars na present sa malakihang event na iyon ng Viva, kung saan in-announce nila ang 34 movie line-up nila sa taong 2020.

“Hindi pa kumpleto dahil ’yong ibang mga artista... ito mga ito natawag lang kahapon,” paglilinaw ng chairman, who is also known in the showbiz industry as Boss Vic.Actually, nagpapasalamat nga ako sa bilis ng notice sa kanila ay nandito. Pati ’yong mga directors na nandito. 

[Ilan sa mga namataan that night sina Bela Padilla, Yassi Pressman, Yam Concepcion, Ryza Cenon, Xia Vigor, Candy Pangilinan, Alex de Rossi, Xian Lim, Gab Lagman, Andre Paras, Jerald Napoles; and directors Darryl Yap, Perci Intalan, Dan Villegas, Nuel Naval, JP Laxamana, at Joel Lamangan.] 

Ani pa Boss Vic, as far as culling the creative minds is concerned, may open policy umano ang Viva sa kasalukuyan.

“Kasi ’yong policy ng Viva—na sinimulan ni Vincent—is open tayo sa lahat ng writers, open tayo sa lahat ng directors. Basta meron kayong magandang k’wento dalhin lang ninyo [sa amin] or tawagan ninyo si June Rufino Viva Supervisiong producer] or diretso kay Vincent. 

“Open kami. And in fact, karamihan nang ginagawa namin basically galing sa labas. Halos hindi na kami nagdi-develop in house. Gano’n ang aming strategy. So, we’re dealing with the top producers, directors, and writers.” 

Nailatag din ng mga Viva bosses na nalagpasan ng Viva ang target income nila last year, and that out of the 34 movies na nakahandang ipalabas this year, 15 doon any tapos na.

Dito na pumasok ang mga katanungan tungkol sa blockbuster na Miracle in Cell No. 7. Ani ng isang movie reporter, tila sinimulan daw ng Viva ang trend—beginning Miss Granny ni Sarah Geronimo last 2018—ng pag-adapt ng mga pelikula mula sa ibang bansa, partikular na ang Korea. Kinukulang na daw ba tayo sa mga local materials? 

“May sagot d’yan si Mel [del Rosario],” panimulang paliwanag ni Boss Vic. “’Yon siguro kaya gano’n, ’yong dati madami namang ginagawang local... actually nagagaya lang or pini-pick up, ang ginagawa ng Viva, ino-honor namin ’yong copyright no’ng creator. So, kami rather than parang gayahin namin ’yong k’wento, kalimitan binibili nalang namin.

“Gano’n din ang nangyari sa Kita Kita, no’ng nag-hit sa Pilipinas, nabili naman sa Indonesia. So, I think gano’n ang trend ngayon, e. ’Yong mga materyales na ginagawa...naghahanap na ang buong mundo kung ano’ng magandang k’wento. Gano’n din sa TV diba? Descendants of the Sun at ano pang mga remake, diba?”

Hindi daw kuwestyon ang kakayahan ng Pinoy. Viva is just thinking global na kasi. 

“It’s ano, dapat buksan natin ang pinto natin sa magagandang k’wento. And I think ’yong materyales na yon would be influencing ang mga writers para... kasi kailangan mag-level up tayo diba?” diin ni Boss Vic. 

Pagtutuloy ni Vincent: “At saka kanina kaya may emphasis na ’yong first part [ng video presentation], original ’yong pin-resent naming. And then, ’yong last part, na-cultivate namin rich comic history ng Pinoy. So, may effort, may effort na gumawa ng truly Pinoy from concept to release sa cinemas.”

[Ang tinutukoy ni Vincent ay ang video presentation ng mga aabangang pelikula from Viva. Ang first part ay naka-focus sa mga original concepts ng Viva gaya ng 100 Tula Para kay Stella 2, Tililing, Hindi Tayo P’wede, ang ipapalabas palang na Untrue, at ang showing ng On Vodka, Beers, and Regrets); habang ang last part ay nakatuon naman sa mga original Pinoy superhero movies na sisimulan sa Pedro Punduko starring Matteo Guidicelli.]

Another Miracle-related question na naungkat ay kung ito nga raw ba ang maituturing na highest grossing movie ng Viva.

“Yes, ito ang highest grossing movie namin na solo na Viva,” sagit ni Vincent. “Ah, kanina in-announce namin na 500Million [pesos] to date na siya —Philippines box office. We played sa Middle East, we played now sa North America and nagugulat kami sa turn out. So, hopefully masaya...masaya kung nabilang na lahat, everybody will be happy.” 

Aminado ang mag-amang del Rosario na unexpected nila ang pagta-topgrosser ng pelikula.

“Yes, kasi every time we do a movie s’yempre we’re running scared,” pag-amin ni Vincent. “Mahirap maging over confident. So, malaking bagay na nasuportahan ninyo kami doon sa from opening...kasi we didn’t open as number one...” 

“Actually doon sa estimate ng mga sinehan, mag-o-open ang festival mga Number 4, e,” input ni Boss Vic. “Kasi s’yempre ’yong tatlo malakas talaga yan, e, may track record na. Pero no’ng nag-open siya no’ng number two, parang sabi namin baka saka-sakali maging number one. 

[Ang tinutukoy ni Boss Vic ay ang mga pelikula ng tatlong stars na MMFF staple namely Vice Ganda (The Mall, The Merrier), Vic Sotto (Mission Unstapabol: The Don Identity), at Coco Martin (3Pol Trouble: Huli Ka Balbon).] 

Sa puntong ito, Boss Vic took the chance to clarify a point.

Aniya: ““Although s’yempre anim na taon na kaming ka-bakas kay Vice [Ganda]. Sana on record, six years na kami number one—Viva and Star [Cinema]. So, ’yong pelikulang ginagawa naman ni Vice, kasosyo kami sa simula’t-simula. 

“So, actually pitong taon na kaming number one e. . . hahaha. . . diba? Para lang i-klaro natin. So, itong Miracle, parang nagkaroon ng pag-asa dahil no’ng third day Number one na siya for the day. Then after a few days, no’ng bago mag-new year nilampasan na [ang iba], e.”

Sa panel, inamin din ni Boss Vic na marami rin namang nag-flop na pelikula ang Viva pero nababawi umano nila ito sa ibang paraan. Wala naman daw kasing exact formula sa paghuli ng tinatawag na “kiliti ng masa.”

“Wala namang exclusivity ’ika nga ng pulso ng masa,” say ni Boss Vic.Timing-timing lang. Minsan s’werte, minsan malas. Ang sabi ko nga kay Vincent, ang importante rito you will have more hits than flops...kasi kasama yong flop [sa negosyo], e. 

“Ako malimit, nakikita ko sasabihin no’ng mga reporters kalimitan imbes na i-uplift ang cinema, ‘O, nilalangaw ’yong pelikula ni gan’on...’ S’yempre sa amin producers masakit pero kasama ’yong flop. 

“Pero madami din kaming flop, [pero] mas malaki ang kinita namin sa OTT (over-the-top). Hindi naman ibig sabihing nag-flop ang isang pelikula...oo, maling pananaw na walang pumila... Maski na minsan walang grosse, kaya namin itayo sa ibang ano, e, [platform].  ’Yon ang sikreto ng paggawa ng pelikula. ’Yong iba lang hindi nila naiintindihan kaya nalulugi sila.

[Over the top (OTT), acoording to Investopedia.com, “refers to film and television content provided via a high-speed Internet connection rather than a cable or satellite provider. OTT does not mean free, as the term encompasses services such as Netflix, Amazon, iTunes and HBO Now.]

Na-discuss din that day ang mga planong ilalahok ng Viva sa nalalapit na first ever Metro Manila Film festival Summer edition sa Abril. Ani Vincent, dalawa ang isinumite nila sa committee along with their letter of intent—ang Hard Day ni Direk Lawrence Fajardo that stars Dingdong Dantes, na isa ring adaptation from Korea; at ang Tililing ni Direk Darryl Yap that has Gina Pareño and Baron Geisler in the cast.

 “Obviously hindi namin choice kung papasok ’yon, pero nag-submit kami ng dalawa,” latag ni Vincent.

Sa case ng Hard Day, [napili naming siya kasi] parang kompleto ’yong element niya. It’s another Korean successful adaptation...na we have two big stars, probably the best in their field, si Dingdong [Dantes] at saka John Arcilla. We have a very exciting director na toast ng independent cinema, Lawrence Fajardo.

“And then, doon sa Tililing, tingin namin meron bagong mai-o-offer lalo pa’t summer, bakasyon ’yong mga bata. Tingin namin magre-resonate ’yong konsepto ni Darryl Yap doon sa tema ng pelikula. Di nga namin ma-classify kung anong genre siya kaya naglagay doon [sa presentation] parang genre-bending na pelikula. Pero gano’n si Darryl. I guess ’yong kanyang success, e [based doon sa] hindi mo siya mai-kahon.

“We have other movies na ready na rin,” dagdag pa ni Vincent. “Pero parang naisip namin ’yong ibang movies na ’yon maganda on certain playdates... s’yempre pino-programa mo rin. So, at least for the summer [filmfest], dalawa.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.