Vice, nakahanap ng kapayapaan kay Ion?

Vice Ganda ang Ion Perez have yet formally announced their relationship but the public believe the romance has started late last year, with Vice even introducing Ion to his mom, during an It’s Showtime episode. The latest update on the “couple”, besides Ion allegedly having Vice’s birth date tattooed on his left leg, is that Vice, along with his mom Rosario Visceral, has visited Ion’s family in Tarlac; with Ion introducing Vice this time, to his mom, Zeny Perez.

PHOTOS: @ionvice143 & @baby_viceee

Vice Ganda ang Ion Perez have yet formally announced their relationship but the public believe the romance has started late last year, with Vice even introducing Ion to his mom, during an It’s Showtime episode. The latest update on the “couple”, besides Ion allegedly having Vice’s birth date tattooed on his left leg, is that Vice, along with his mom Rosario Visceral, has visited Ion’s family in Tarlac; with Ion introducing Vice this time, to his mom, Zeny Perez.

Kahapon, July 26, sa “Tawag ng Tanghalan” portion ng It’s Showtime, napahaba na naman ang exchange of banter nina Vice at co-host nitong si Vhong Navarro habang ini-interview ang contestant na nagngangalang Anna.

Lumabas kasi sa unscripted interview nila sa contestant na si Anna na may asawa itong mas matanda sa kanya. Kaya nauwi ang biruan sa panunukso ni Vhong kay Vice na diumano ay nakaka-relate ito.

Sinakyan naman ito ni Vice, na napapabalitang karelasyon ngayon ng model-turned-It’s Showtime mainstay na si Ion “Kuya  Escort” Perez, 28, na may ilang taong nakababata kay Vice, 42.

[Nito lamang March naging maugong ang balitang diumano ay inamin na ni Ion ang estado ng relasyon nila ni Vice sa isang episode ng Gandang Gabi Vice.]

Ayon kay Vice, suportado niya ang three-year marriage ni Anna sa 50-year-old nito asawa.

Ani Vice: “Ang ganda rin ng pakikipag relasyon sa mas matanda sa’yo, walang disadvantage…” 

Heto ang patuloy nilang palitan ng biro:

Vhong: Hahaha. . . Ang galing mong mag-gano’n ha.

Vice: Kaya nga puro maganda lang tinanong ko… kasi mas maaalalayan ka. 

Vhong: Alalayan ka kasi?

Vice: Sila ang aalalay 

Vhong: Sabi mo kasi aalalayan ka, e

Biro pero makahulugan at may kabuluhan ang naging balik dito ni Vice:

“E, alalay lang pala ang gusto ko di sana hindi na ako nag-dyowa, nag-wheelchair ako, sira pala ito. . . kasi diba ang dami na nilang pinag- daanan, ang dami na nilang tapilok. So, merong  instance na maiwasan nila ito dahil napagdaanan na nila ito, ’yong lugar kung saan sila naligaw. Hindi katulad pag pareho kayong bata na nag-iexplore, hindi ninyo alam kung saan ang totoong daan. Para kayong hit and miss kaya sa mga nanood po doon po tayo sa matatanda. Charot! Charot lang!” 

Vhong: Impluwensyahan mo lahat ng tao…

Vice: Walang pinilipiling edad ang pagmamahal…

Anna: Tama po. 

Sa kalagitnaan ng interview, napag-usapan din ang mga unos na p’wedeng pagdaanan ng isang relasyon. Kaya niliko nila ang contestant, na three years ng kasal, na usually ay sa ika-third year dumadating ang mga pagsubok.

Biro ni Vice kay Anna: “Kaya maniwala kay Vhong pag third year may pinagdadaanan mabigat… so, iwasan ninyo mag-third year. Second year makipaghiwalay na kayo kasi mabigat ’yon. Pa’no kung hindi ninyo malampasan diba? Malulungkot ka pa… bago mag-third year, hiwalayan mo tapos balikan mo pag fourth year, hahaha!”

“E, kayo ba?” balik-tanong ni Vhong kay Vice na walang binabanggit na pangalan.

Vice: Ano? 

Vhong: Buwan?

Vice: Happy kami. 

Vhong: Hahaha!

Vice: So, ano. . . pssst. . .  tsismoso Direk oh. . . pang-ilan boyfriend mo ba yang napangasawa mo? 

Anna: Pangalawa po.

Vice: Pangalawa tingnan mo napakapalad mo. Sa pangalawang lalaki na sumuyo sa’yo at minahal mo, natagpuan mo agad ’yong magpapakalma sa maligalig mong utak at puso. 

Muling naka-hanap ng tiyempo si Vhong para biruin si Vice.

Vhong: Alam mo habang sinasabi mo yan, ’yong mata mo talagang nag-go-glow, e.

Vice: S’yempre gano’n. Kailangan talaga. 

At dito na pinakawalan ni Vhong ang tanong na nagpa-seryoso kay Vice for a moment.

Ani Vhong: “May tanong ako sa’yo ano ’yong pinaka-magandang regalo sa’yo no’ng taong nagmamahal sa’yo.

Vice: Kapayapaan. Alam mo kapayapaan. May mga tao mahal mo pero ang dulot sa’yo ay kaba, takot, pangamba… hindi ka makatulog dahil ang dami mong iniisip dulot no’ng taong minamahal mo. Itong taong minamahal ko, ang regalong pinaka-magandang nakuha ko sa kanya binibigyan niya ako ng kapayapaan para makatulog tuwing gabi nang maayos at gumising nang masaya. Binawasan niya lahat ng ligalig sa utak ko. 

Balik-biro ni Vhong: “At saka ang ganda na regalo sa’yo ng minahamal mo, ’yong hindi ka niya malilimutan pag birthday mo.”

Ang tinutukoy marahil ni Vhong ay ang napabalitang bagong tattoo sa kaliwang binti ni Ion na may nakasulat na mga numerong 03 31 1976 na hinala ng marami ay kumakatawan sa March 31, 1976, ang araw ng kapanganakan ni ni Vice. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by IONVICE❤️ (@ionvice143) on

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice, napa-amin bang 7th monthsary na nila ni Ion Perez?

Vice says no to marriage

Vice Ganda looks back on childhood with new book

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.