Vice Ganda, tipid mode din dahil sa pandemic

Sa panahong ito, mas mahalaga nga naman ang safety kesa luho. Wala na daw siyang keber kung nag-uulit man siya ng wardrobe. “Magmula nu’ng bumalik ’yong [It’s] Showtime, wala akong sinuot na bago. Lahat dyulet (ulit). Dati pag nag-dyulet ako ng damit ang tagal—taon. Ang dami ko talagang damit. Alam mo ’yon?”

Photos: Xander Angeles for The Vice Ganda Network

Sa panahong ito, mas mahalaga nga naman ang safety kesa luho. Wala na daw siyang keber kung nag-uulit man siya ng wardrobe. “Magmula nu’ng bumalik ’yong [It’s] Showtime, wala akong sinuot na bago. Lahat dyulet (ulit). Dati pag nag-dyulet ako ng damit ang tagal—taon. Ang dami ko talagang damit. Alam mo ’yon?”

Naghihigpit din daw ng sinturon ang Unkabogable Star na si Vice Ganda ngayong panahon ng pandemya.

Kahit na ipinagpapasalamat niya nang lubos na may naitabi siya for the rainy days, so to speak, he’s making it a point daw na hindi maging maluho sa mga panahong ito.

Kilala ng mga fans niya na fashionista si Vice at bahagi ng sinusubaybayan sa kanya ay ang kanyang mga OOTD sa It’s Showtime hanggang sa Gandang Gabi Vice noon.

At kasabay nga ng pag-angat ng kanyang TV and movie career—with major concerts on the side—ang pag-level up din ng kanyang lifestyle at brand choices.

He works hard and play harder.

Pero ngayong gaya ng karamihan ay mas marami ang lumalabas na pera kaysa pumapasok, natuto na rin daw mag-behave si Vice at i-tame ang kanyang spendings.

Wa shopping, walang shopping, walang online shopping,” natatawang tsika niya sa press during the The Vice Ganda Network Zoom press conference kamakailan.

Kung mag-shop man, essentials. Pero ’yong splurge? Dati, ay naku! Walang ganu’n, ’Day! As in [now], wala, wa shopping, wa rampa.”

Dahil nasa bahay lang the whole duration ng lockdown, mas pinipili nalang daw niyang enjoy-in ang bahay niya at ang mga kasama sa bahay, lalo na si Ion Perez.

“Enjoy mo ’yong bahay mo, enjoy mo ’yong kasama mo sa bahay, enjoy mo ’yong kung ano’ng meron ka na ngayon. Kasi hindi naman siya mahalaga, hindi sila mahalaga ngayon. Ang mahalaga safe ka, ’yong ganu’n.”

Sa panahong ito, mas mahalaga nga naman ang safety kesa luho. Wala na daw siyang keber kung nag-uulit man siya ng wardrobe.

“Magmula nu’ng bumalik ’yong [It’s] Showtime, wala akong sinuot na bago. Lahat dyulet (ulit). Dati pag nag-dyulet ako ng damit ang tagal—taon. Ang dami ko talagang damit. Alam mo ’yon?

Kahit aminado siyang therapy niya ang pagsa-shopping dahil isang siyang certified fashionista, pinipigilan daw niya ang sarili maski malakas ang temptation ng pag-o-online shopping.

“’Yon ang isa sa mga kasiyahan ko... nagbibigay siya ng kasiyahan dati,” patuloy na tsika ni Vice. “Kunwari pag na-stress ako ,may nabibigay siya sa akin. Therapy pag nag-shop. 

“Ngayon wala, ’Day. Walang ganu’n. Walang shopping. Ang dami nga lumalabas sa telepono ko, ‘Check the latest...’ chu-chu-chu... No! Walang check-check. Walang ganu’n, ’Day. Buti nalang ’yong makeup ko may supplies ako ng Vice Cosmetics kaya hindi na ako bumibili.”

Incidentally this Friday, July 24, na ang grand launch ng kanyang The Vice Ganda Network na maa-access through www.viceganda.com.ph. Open na ang registration para na siyang magiging ticket mo to be part of his live online audience every Fridays sa show na Gabing Gabi na Vice (10:30pm). His website is also the audience’s access to all things Vice Ganda—news, cash prizes, exclusive digital contents, and upcoming new shows.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

The Vice Ganda Network, na binuo para magpasaya at makatulong, ila-launch na sa July 24!

Vice Ganda gets solid support from fellow Viva artists to promote launch of online show 'Gabing Gabi Na Vice'

Exclusive: Vice Ganda, baka raw nabaliw kung na-lockdown na hindi kasama si Ion Perez; sure na raw siyang si Ion ang gusto niyang makasama habangbuhay

Vice Ganda, tapos na raw umiyak sa mga pinag-dadaanan ng ABS-CBN; pinapasa-Diyos na ang kapalaran ng home network

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.