Vice Ganda tells It’s Showtime family: “Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.”

Pinalakas ni Vice Ganda ang loob ng mga kasamahan n’ya sa It’s Showtime ngayong may big change na naman na mangyayari sa kanilang programa. Mula July 1 kasi ay hindi na ito mapapanood sa TV5 kundi sa GTV na.

PHOTOS: @vicegandaofficialph on Facebook

Pinalakas ni Vice Ganda ang loob ng mga kasamahan n’ya sa It’s Showtime ngayong may big change na naman na mangyayari sa kanilang programa. Mula July 1 kasi ay hindi na ito mapapanood sa TV5 kundi sa GTV na.

Naglabas ng isang heartwarming open letter ang comedian-TV host na si Vice Ganda para sa kanyang mga kasamahan sa noontime program na It’s Showtime.

Kasunod ito sa kumpirmasyon kahapon, June 20, na hindi na mapapanood sa TV5 ang kanilang show mula July 1 dahil mapupunta na sa original hosts ng Eat Bulaga! na sina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at mga Dabarkads ang noontime slot nila roon.

Tinanggihan daw kasi ng kampo nila ang inalok na afternoon time slot ng network para maipagpatuloy ang magandang relasyon na nabuo nila with their avid viewers.

Dahil dito, patuloy pa rin silang mapapanood sa kaparehong oras mula Lunes hanggang sa Sabado, hindi na sa TV5 kundi sa GTV na subsidiary channel ng GMA Network.

At sa rigodon na ito ng mga noontime shows, naglabas ng mensahe si Vice para sa kanyang mga kasamahan na naguguluhan at nabibilisan sa mga pangyayari.

Narito ang nilalaman ng open letter n’ya kahapon:

“Dear It’s Showtime family,

“Alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak. Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap. Ganunpaman, kalma lang (at least try).

“Nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi ng ng linya ko sa kanta natin, ‘Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ’yan kayang-kaya!’. Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering-keri na natin ’to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang ’to!

“Madami mang walang kasiguruhan, pero sigurado akong mahal tayo ng minamahal nating Madlang People. Ang pagmamahal na yun ang bumuhay sa’tin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin.

“Kaya tuloy lang. Patuloy tayong magpasamay at magbigay ng pag-asa. Maniwala ka, ‘Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!’. Sa oras ng inyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa. Itataguyod kahit anong pagod. ’Di kita iiwan. Pahirin mo ang iyong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!

“‘Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else.’”

Sa balita naman ni Boy Abunda kahapon rin sa talk show n’yang Fast Talk With Boy Abunda, malugod raw na tinanggap ng chairman and CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon ang It’s Showtime family sa GTV.

“We are happy to provide a home to ‘It’s Showtime.’ We will have a big contract signing soon,” pahayag ni Atty. Gozon. 

Samantala, maliban sa GTV, mapapanood pa rin ang It’s Showtime sa A2Z and other ABS-CBN digital platforms. 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda at Ion Perez, may baby na!

Vice Ganda, aminadong sablay sa mga hirit niya kay Karylle; "Bawi po ako. Bawi right away."

Vice Ganda at Toni Gonzaga, nagbatian at nagyakapan sa MMFF 2022 Parade of Stars

Dahil nagpahiwatig na siya ay "really exhausted," Vice Ganda, pinayuhan ng fans na magpahinga

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.