Saglit pero ekslusibong naka-tsikahan ng pikapika.ph ang phenomenal star na si Vice Ganda sa set ng socially-distanced pictorial niya para sa bubuksan niyang The Vice Ganda Network kahapon, July 8, sa Quezon City.
Isa sa agad naming tinanong kay Vice ay kung ano ang tunay na damdamin niya ngayong palapit na nang palapit ang pagbobotohan ng mga kongresista sa kapalaran ng franchise renewal ng home network niyang ABS-CBN.
Anytime now kasi ay malalaman na ng publiko ang magiging pasya ng House of Representatives.
“Ngayong araw na’to talaga ano na...parang kalmado na’ko,” paglalarawan ni Vice sa estado ng kanyang emosyon.
“Binigay ko na sa Diyos. Kasi for the longest time I have been in pain thinking of what was going to happen. Sa mga nakalipas na buwan, na linggo...parang walang hope? ’Yong gano’n? Nakakadurog.
“Pero sabi ko nga, I’m so blessed because I have a God and I believe that I have a God who will save me and will take care of me. Kaya whatever happens, alam ko may mga plano ang Diyos. ’Yun nalang ang pinagkakatiwalaan ko.”
Aminado si Vice na maraming beses siyang umiyak para sa ABS-CBN na nataon namang nagka-issue sa franchise renewal habang dumaranas ang bansa ng pandemya dala ng Covid-19. Ani Vice, na-depress siya at nag-feeling helpless din gaya ng mga kasamahan sa Kapamilya network.
Pero pinilit niya umanong magpaka-positive at manalig sa plano ng Diyos.
“I’m keeping my optimism, my positivity,” dagdag ni Vice. “I’m not so happy right now. I’m not very happy. I’m not laughing all the time. There are times I have been crying, there are times, I’m bothered. I have been overthinking. There are times galit ako. But it’s okay.
“Kahit anuman ’yung emosyon ko, I’m trying to keep myself positive. I’m clinging to my hope. Di ako bumibitaw sa hope na ’yun... na magiging okay yan, may gagawin ang Diyos na magiging okay. Diba? Sana bukas sa botohan...’yun ’yung ano...basta pinagkakatiwala ko na sa Diyos ’yun.”
YOU MAY ALSO LIKE: