Vice Ganda, si Willie Revillame at Dabarkads daw ang kasama sa Magpasikat showdown; Anne Curtis, AlDub naman daw?

Sa presscon ng 10th anniversary ng It’s Showtime kahapon, September 30, inilungsad ang “Sampu Sample,” ang tawag nila sa kanilang year-long “festival of surprises” na sisimulan na this month of October. At kabilang sa “Sampu Sample” ay ang annual nilang Magpasikat competition, kung saan nagbubunutan ang mga hosts ng makakasama nila para sa isang production number na bubudget-an at kakaririn nila.

PHOTOS: Anna Pingol

Sa presscon ng 10th anniversary ng It’s Showtime kahapon, September 30, inilungsad ang “Sampu Sample,” ang tawag nila sa kanilang year-long “festival of surprises” na sisimulan na this month of October. At kabilang sa “Sampu Sample” ay ang annual nilang Magpasikat competition, kung saan nagbubunutan ang mga hosts ng makakasama nila para sa isang production number na bubudget-an at kakaririn nila.

Kahapon, September 30, pagkatapos ng live show ng It’s Showtime sa studio ay nagsidiretso ang mga hosts ng show sa Dolphy Theater ng ABS-CBN para sa press conference ng kanilang ika-10th anniversary. Inalaska agad ni Vice Ganda ang kaibigang si Anne Curtis at sinabing mahal daw nito ang entertaiment press dahil pag sa presscon daw pala ay nagsa-sapatos ito samantalang sa kakatapos na live show nila ay naka-tsinelas lang ito.

Sa presscon ay inilungsad ang “Sampu Sample,” ang tawag nila sa kanilang year-long “festival of surprises” na sisimulan na this month of October. At kabilang sa “Sampu Sample” ay ang annual nilang Magpasikat competition, kung saan nagbubunutan ang mga hosts ng makakasama nila para sa isang production number na bubudget-an at kakaririn nila.

Inaabangan taon-taon ang mga pa-andar ng bawat teams ng mga It’s Showtime hosts at isa sa naitanong sa mga hosts kahapon ay kung sinu-sino ang mga ka-tandem nila.

Mabilis na nagbiro si Vice na dahil gusto niyang manalo at magpa-andar nang todo kaya si Willie Revillame at ang Dabarkads daw ang makakasama niya.

Umani ng malakas na tawanan ang sagot ni Vice. Si Vice ang pumalit sa slot ni Willie sa dating show nito sa ABS-CBN na Wowowee, habang ang Dabarkadas naman ay ang collective name ng mga hosts ng rival show ng It’s Showtime na Eat Bulaga!

“Pag natalo pa naman ako, ha!” birong banta ni Vice

Pero ang totoo, wala daw ka-tandem si Vice among the hosts dahil siya daw ang naka-bunot ng category na “All By Myself.”

“Though may mga performers din na makakasama—hindi talaga partners pero makakasama ko sila sa performance, ’yong mga Miss Q&A winners.”

When it was Anne’s turn to reveal kung sino ang ka-tandem niya, pinangunahan siya ni Vice na baka raw si Ruby Rodriguez o si Toni Rose Gayda ito na kapwa rin identified sa Eat Bulaga!

Pero mataray ang ride on na sagot ni Anne: “AlDub ang makakasama ko.”

“Ay, ang lakas din!” saka din ni Vice, pertaining sa nagpapahinga ngayong loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

But in truth, si Tiyang Amy Perez daw ang ka-tandem ni Anne whom she described as “Malakas din. Kayang-kaya din niya ang mga death-defying stunts.”

Kasama din daw ni Anne at Amy ang mga machong Bidaman.

Samantala, sina Jugs Jugueta at Teddy Corpus naman ay makakasama ni Jhong Hilario at katuwang nila sina Ion Perez, Sanrio, at Ate Girl Jackie; sina Vhong Navarro naman at Mariel Rodriguez ang mag-partner (na kapwa wala sa press con), kasama ang Hashtags; habang si Karylle at Ryan Bang naman ang magta-tandem kasama ang GirlTrends, kaya naman agad na nagbitiw ng joke si Vice na dahil kay Ryan Bang, malabong may mapanalunan si Karylle.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.