Vice Ganda, pinag-iisipan na raw magka-anak dahil sa kakakumbinsi ni Ogie Diaz

“Sabi ko sa kanya: ‘Teh, tandaan mo, pag ikaw sikat na bading tapos namatay ka, makakalimutan ka na ng mga tao. Pero pag meron kang iniwan na buhay na monumento, meron kang buhay na alaala, maaalala ka nila through that person.’”

Photos: Instagram

“Sabi ko sa kanya: ‘Teh, tandaan mo, pag ikaw sikat na bading tapos namatay ka, makakalimutan ka na ng mga tao. Pero pag meron kang iniwan na buhay na monumento, meron kang buhay na alaala, maaalala ka nila through that person.’”

Hindi kasali si Vice Ganda sa dramedy movie na Two Love You na magsisilbing launching movie ng stand up comic-to-mainsteam crossover talent na si Lassy Marquez.

Pero dahil sa kaibigan niya ang co-producer ng pelikula na si Ogie Diaz (yup, nagbe-venture na rin siya sa film production) at mine-mentor naman niya ang mga bida sa movie na sina Lassy nga at MC Muah na kapwa niya nakasama sa Punchline at Laffline comedy bars noong araw, kaya hindi naiwasang mapag-usapan siya sa press conference ng movie na ginanap kamakailan sa Play Hub Events Place sa Quezon City.

Ayon kay Lassy at MC, masayang-masaya raw si Vice na may mga raket silang ganito. At ayon naman kay Ogie Diaz, na naging manager din ni Vice noong nagsisimula ito sa showbiz, nag-pledge na raw ng block screening ang kanilang kaibigan.

Pero bukod doon, nai-share din ni Ogie na minsan na niyang kinausap nang masinsinan si Vice tungkol sa pagkakaroon ng anak. Sa kananasan daw niya kay Vice ay nakikinig naman ito sa mga payo niya kaya he took the chance na kumbinsihin itong mag-anak din gaya niya (na nakaka-limang daughters na).

Hindi naman daw kasi hadlang ang kabaklaan para maka-buo pa rin ng biological offspring.

“Ito na kadaldalan ko, sabi ko kay Vice—dumating siya no’ng birthday ng [panganay na] anak ko, sila ni Liza [Soberano] ang magkatabi—so, sabi ko sa kanya, ‘Teh, mag-anak ka na.’”

Below was how, according to Ogie, their conversation went:

Vice: Teh, hindi ko kaya...

Ogie: Mag-anak ka na, Teh. Tumatanda ka na, Ilang taon ka na 45 o 46?

Vice: Teh, ayoko naman na ako [pa] ang aalagaan ng anak ko pag dating ng araw?

Ogie: Noon mo pa inisip yan, ah. Kung noon mo pa ginawa, hindi mo na maiisip yan. 

Vice: Teh, hindi ko talaga kaya ’yon.

Ogie: ’Yan din ang sinabi mo noon, Vice, hindi ko kayang mag-anak.

Vice: Teh, hindi ko naman kayang gumano’n. Ikaw nakaya mo.

Ang tinutukoy ni Vice ay ang pakikipagtalik sa babae. Kaya explained some more na p’wede nang hingin ngayon ang tulong ng science.

Ogie went on telling Vice: “‘Hindi mo naman kailangan gumano’n ka.  P’wede kang ano...’yong sperm mo itatama doon sa egg na gusto mo. Gano’n. May surrogate mother. Tingnan mo si Joel Cruz diba? Inanak lang niya ’yong aking pangatlo anak, e, aba naunahan pa ako sa bilang...walo [na ang anak niya], walo.

“‘Ikaw p’wede rin [na gawin mo ’yon]. Alam mo, maibaba ’yong perspective mo sa buhay, ’yong outlook mo sa buhay pag nagka-anak ka. Even your jokes maiiba. ’Yong alam mo na kung pa’no magiging tatay...”

Tila may huge percentage naman dawn a naku-kumbinse niya ang kaibigan.

“Kino-convince ko talaga si Vice,” say ni Ogie.  ‘Pag-iisipan ko.’ sabi niya. ‘Pag- iisipan ko.’”

May nagtanong kung paano daw si Ion Perez, ang partner ni Vice sa buhay na very recently lang nito isinapubliko.

“P’wede naman gano’n, e?” sagot ni Ogie.

Galing kay Ion [ang sperm?]

“Hindi ko alam. Pero kasi sabi ko sa kanya: ‘Teh, tandaan mo, pag ikaw sikat na bading tapos namatay ka, makakalimutan ka na ng mga tao. Pero pag meron kang iniwan na buhay na monumento, meron kang buhay na alaala, maalaalala ka nila through that person. 

“‘Pag meron kang naiwan na buhay na alaala, lagi kang maalaala ng mga tao. Diba mami-meet nila yan, ’yong anak mo, magpapakilala na tatay ko si Vice Ganda...’

“Napapa-isip niya, ‘Pag-iisipan ko talaga yan.’ Actually kahit ’yong mga friends ko, sinasabi nila mag-anak ako kasi nga nagawa ni Joel Cruz diba? Sabi ko, gano’n lang naman. Diyos ko, magda-dyakol ka lang naman.” 

Ogie went on: “Kasi sa Thailand, sabi ko sa kanya... ‘Sa Thailand Teh, nando’n lahat no’ng picture no’ng may-ari ng naka-preserve na egg... kunwari isa lawyer, ’yong isa summa cum laude; ’yong isa doctor, ’yong isa ganito.... ’yon. Para ’yong genes mahawa doon sa ano... ano tawag dito? 

“‘E, ikaw napaka-talino mo pa diba? Makikita mo ’yong sarili mo doon sa sarili mong anak diba? Kahit hindi ka nakipag-dyug.’ So, pinag-iisipan pa.”

Two Love You, by the way, is showing November 13. 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.