Vice Ganda, pang-aasar ang sagot sa mga talak ni Cristy Fermin

Dahil sa umano’y pang-o-okray ni Vice Ganda kay Cristy Fermin, nagpatutsada ang showbiz insider sa kanya kung saan nadamay pa pati ang ratings ng It’s Showtime, ang pagkakasuspende ng show kamakailan, at ang pagpapanggap daw ni Vice na babae kahit na isa s’yang lalaki.

PHOTOS: @vicegandaofficialph on Facebook & One PH on YouTube

Dahil sa umano’y pang-o-okray ni Vice Ganda kay Cristy Fermin, nagpatutsada ang showbiz insider sa kanya kung saan nadamay pa pati ang ratings ng It’s Showtime, ang pagkakasuspende ng show kamakailan, at ang pagpapanggap daw ni Vice na babae kahit na isa s’yang lalaki.

Muling sumiklab ang online feud sa pagitan ng komedyanteng si Vice Ganda at veteran showbiz writer/host and insider na si Cristy Fermin.

Dati nang nagpatutsada si Manay Cristy kay Vice kagaya na lang noong January 2022 dahil umano sa pagiging power tripper ng Kapamilya comedian sa mga kasamahan nito sa It’s Showtime

Namatay din naman kalaunan ang issue na ito pero muli na namang nagpatutsada si Manay Cristy matapos umanong makarating sa kanya ang umano’y pang-o-okray daw ni Vice sa kanila ng mga kasamahan n’yang sina Romel Chika at Wendell Alvarez.

Ibinunyag n’ya ito sa online show nilang Showbiz Now Na! sa YouTube kamakailan na sinundan pa n’ya ng pagbunyag na mabaho raw ang hininga ni Vice, ayon sa source na bumulong sa kanya.

Napakalapit sa kanya ng nagkuwento sa akin. Ito, tutal din lang tinatawag mo kaming tatlo na mga tsismosong chaka, ’di ba? Hindi ka namin papatulan pero may ikukuwento kami. Hindi mo kami mapipigil,” pahayag ni Manay Cristy na ang ina-address ay si Vice. 

Mga taong malapit sa’yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy imburnal,” walang pasintabing pagbubunyag n’ya.

Tila nakahanap naman ng chance si Vice para magpahaging kay Manay Cristy sa segment nilang "MeChoose MeChoose" last November 23 kung saan nagkaroon sila ng contestant na kapangalan nito. 

Kumusta ka, Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo maliban sa paggawa ng mga kasinungalingan?”  

Nagulat ang contestant sa sinabi ni Vice pero sinakyan nito ang biro n’ya at sinabing, “Raket-raket lang po.”

At kahit walang binanggit na apelyido si Vice, sinalag ito ni Manay Cristy sa radio and online program nitong Cristy Ferminute nitong November 24. Doon, hayagan n’yang pinatutsadahan si Vice. 

Sa maraming pagkakataon po, mga Kapatid, pinalalampas lang po namin ang mga bira sa amin nitong si Vice Ganda. ’Yong tinawag po n’ya kaming tatlo nina Wendell na mga chaka,” panimula n’ya sa mahaba n’yang litanya.

Matagal na raw silang nagtitimpi sa pang-o-okray sa kanila ng comedian-TV host.

Noon po ay gustong gusto na naming sabihin na, ‘Ay, hiyang hiya naman po kami sa kanya, pagka ganda-ganda n’ya,’” tila pang-iinsultong banat n’ya kay Vice.

“At gusto na rin po sana naming sabihin na kung hindi naman sa kanyang pera ay hindi naman s’ya magkakaroon ng ganyang hitsura,” pagpapatuloy n’ya.

At lalong gusto po naming sabihin, lalo na ako, na ang kagandahan po ng tao ay wala naman sa labas kundi nasa kalooban. At p’wede namin sabihin na s’ya, sa panlabas at panloob, ay wala namang itinatagong ganda.

Kasunod nito ay ang pagkantiyaw n’ya sa ratings na nakukuha ng It’s Showtime na kahit anong pasaring daw sa kanya ay hindi naman tumataas.

Ang dami-dami ko po kasing naririnig. Marami po s’yang pagpapasaring sa [It’s] Showtime na kababanggit n’ya, kababanggit n’ya ayaw namang tumaas. Ayaw namang tumaas ang rating ng kanilang programa,” aniya.

Sabi n’ya, milyon-milyon ang kanyang subscribers, e, pero bakit tinatalo pa sila ng kabila, ng kanyang ka-network, ’di ba? ’Yong Eat Bulaga. E, hindi n’yo talaga matatalo ang E.A.T.

Pinukol n’ya rin ang umano’y pagiging pikon ni Vice dahil nagagalit umano ito kapag kinokontra.

Ang masakit kasi kay Vice Ganda, pag kinontra mo s’ya kalaban mo s’ya, kalaban ka n’ya. Pag medyo pinitik mo ’yong hindi n’ya kagandahang ginawa kaaway ka na n’ya,” ani Manay Cristy. 

Binalikan n’ya rin ang sinasabing pasaring nito sa kanya na idinaan sa isang contestant na kapangalan n’ya.

Meron silang contestant, ang pangalan Cristy. Tapos na ’yon, e, na kausapin nila at interview-hin. Nakabalik na [ito] sa kanilang hanay. Pinabalik pa n’ya at ang tanong n’ya, ‘Anong pinagkakaabalahan mo bukod sa pagsisinungaling?’ ’Yon,” pagre-recall n’ya.

May isip naman daw s’ya para malamang s’ya ang pinatutungkulan ni Vice na sinungaling.

Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan mo, Vice Ganda,” saad ni Manay Cristy.

Hamon pa n’ya rito, bakit hindi daw s’ya diretsuhin nito gaya ng hayagan n’yang pagpuna rito.

Bakit hindi mo sabihin na, ‘Uy, Cristy Fermin, bukod sa pagsisinungaling, ano pang pinagkakaabalahan mo?’” tanong n’ya kay Vice.

E, ako, diretso kong nasasabi sa kanya na mayabang s’ya, ’di ba? Na wala ka man lang makitang pagpapakumbaba sa kanya. Diretso kong nasasabi ’yon,” pagpapatuloy n’ya.

Bakit ’di n’ya rin ako diretsuhin? E, pupuwede naman. Hindi ’yong magtatago pa s’ya sa saya ng ibang tao. Gagamit pa s’ya ng ibang tao para makaganti. Parang ganu’n.

Benggador, e. Benggador,” paglalarawan pa n’ya sa noontime show host.

Tila wala raw itong natutunan sa naransang 12-airing day suspension ng kanilang programa.

Wala kang leksyon na natutunan pagkatapos kayong masuspende dahil sa ginawa ninyo ni Ion Perez sa harap ng telebisyon sa gitna ng mga batang musmos na walang kaalaman. ’Yong pagdilpat n’yo ng icing na hindi magandang tingnan,” pagpapaalala n’ya kay Vice.

Ano'ng pagsisinungaling doon? Kung iyon ay pagsisinungaling bakit kinatigan ang aking ‘pagsisinungaling’ ng MTRCB at pinatawan kayo ng labindalawang araw na suspensyon? Bakit ang ating mga kababayan ay kumalaban din sa ginawa n’yo? Bakit kinasuhan ka rin ng hanay ng mga abugado?” sunod-sunod na singhal pa n’ya.

Ang hirap kasi sa’yo, Vice, magmula nu’ng ikaw ay nakatikim ng popularidad inangkin mo na ang mundo, na ikaw ang gitna, ikaw ang araw at umiikot lang ang lahat ng tao sa show business na parang mga planeta sa iyo.”

Paalala pa n’ya sa komedyante, hindi umano habambuhay na nasa itaas s’ya.

Dapat mong malaman planeta ka lang din tulad namin. Hindi ikaw ang araw. Isang araw, darating sa iyo ang pagbaba mo. Bababa ka sa pedestal,” saad ni Manay Cristy.

Hindi pupuwedeng nand’yan ka habang panahon. May mga darating na mas magagaling sa iyo at matatabunan ka. Dapat alam mo ’yon,” pagre-real talk pa n’ya kay Vice.

Kami’y natutuwa na may mga pinagpapala na tulad mo. Pero pag ang hangin ng kayabangan at pagiging palalo ay pumapasok na sa ulo, kinakalos natin ’yan.

At kahit wala na sa isyu ay nadamay pa pati ang sexual orientation ni Vice.

Marespeto ko pong binibigyan ng pagkilala ang lahat po ng mga miyembro ng LGBTQ+ community. Ang komunidad n’yo po ay aking tinatanggap, ipinagtatanggol, at iginagalang,” busina muna ni Manay Cristy.

Kasunod nito ay ang banat n’ya kay Vice na lalaki ito at hindi isang babae.

“Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka. Lalaki ka, Vice Ganda. Nagpapanggap ka lang na babae,” pambabasag n’ya sa It’s Showtime host.

Ngayon, kapag ikaw ay bumibiyahe sa isang mahabang-mahabang kalye, tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka d’yi-jingle," she went on.

May mga magdadaanan. Ano ang kolokyal na biro ng mga taong nakakakita ng mga taong umiihi nang nakatalikod? ‘Hoy, humarap ka! Wag kang tumalikod! Traydor ka!’

Wala namang direktang sagot dito si Vice pero ipinagpapalagay ng netizens na ang post n’ya sa X (formerly Twitter) that day ang response n’ya kay Manay Cristy.

“Bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak bwak!!!!!!!!!!!!!!!!! Funny funny funny! Very very very very!!!!! [Eleven zany face emojis]” pahayag ni Vice sa kanyang post.

https://twitter.com/vicegandako/status/1728002764088000599

Sinundan pa n’ya ito ng GIF na clay design ng mukha ng isang matandang babae.

https://twitter.com/vicegandako/status/1728010400284000320

Tila nahanap rin s’ya ng panibagong pagkakataong sagutin ang mga pasaring ni Manay Cristy sa programa nilang It’s Showtime.

Nangyari ito noon namang November 25 nang batiin ng isa nilang contestant ang umano’y tsismosa sa kanilang lugar.

Binabati mo ang mga tsismosa? Anong pangalan ng tsismosang ’yan? Batiin natin ’yang tsismosang ’yan,” pahaging ni Vice na natatawa. 

Hindi ba nanggagalaiti ang mga tsismosa sa inyo? Nakakatawa ang mga tsismosa!” dagdag pa n’ya.

Wala mang binabanggit na pangalanan ay agad na ikinunekta ng mga fans na tugon n’ya ito kay Manay Cristy. 

Bilin pa n’ya sa contestant, “Ito, galingan mo para maganda naman ang mangyari sa inyo.

Para maganda naman ang mai-tsismis ninyo. Para hindi kayo nanggagalaiti. Hahaha!” makahulugang sabi pa ni Vice.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda on the current state of comedy: “Ang hirap-hirap magpatawa ngayon.”

Vice Ganda airs frustration over services of airline company due to “overbooked flight”

Vice Ganda sa hiling ng fan na ibalik ang GGV: “I couldn’t do 3 shows anymore.”

Vice Ganda, nag-pledge ng tulong-pinansyal sa PH baseball team na lalaban sa Singapore; “Suportahan natin sila habang nagsisimula, hindi ’yong pag nanalo na.”

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.