Vice Ganda, nanlumo; Chie Filomeno, napa-mura; Pia Wurtzbach, “nagbasag” ng TV nang hindi nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe 2023 si Michelle Dee

Hindi na umabante pa si Michelle Dee sa Top 5 ng Miss Universe 2023 competition kung kaya’t hindi na s’ya nabigyan ng chance na sumalang sa question and answer portion. “I also was rooting for the winner, actually, and I think that she’s very deserving,” pahayag ni Michelle supporter Pia Wurtzbach sa Instagram. “Although, I’m still wondering what could have been if Michelle made it into the Top 5 and had the chance to answer a few questions. ’Cause she’s really good at Q & A."

PHOTOS: @vicegandaofficialph, @Chie Filomeno, @PiaWurtzbachPage & @mddeee on Facebook

Hindi na umabante pa si Michelle Dee sa Top 5 ng Miss Universe 2023 competition kung kaya’t hindi na s’ya nabigyan ng chance na sumalang sa question and answer portion. “I also was rooting for the winner, actually, and I think that she’s very deserving,” pahayag ni Michelle supporter Pia Wurtzbach sa Instagram. “Although, I’m still wondering what could have been if Michelle made it into the Top 5 and had the chance to answer a few questions. ’Cause she’s really good at Q & A."

Sa kabila ng magandang performance na ipinakita ni Michelle Marquez Dee (MMD) sa Miss Universe 2023 pageant ay nabigo pa rin ang actress-beauty queen na masungkit ang prestihiyosong korona.
 


Sa ginanap na grand coronation ng patimpalak kahapon, November 19, matagumpay na nakapasok ang pambato ng bansa sa Top 20 base sa ipinakita n’yang performance during the preliminary competitions.
 


Dahil dito, nagkaroon s’ya ng pagkakataong magpasiklab sa pageant stage during the Top 20 swimsuit round, na s’yang nagdala naman sa kanya sa Top 10. 
 


Sa evening gown segment, proud n’yang nairampa ang kanyang black beaded gown na inspired sa 106-year-old tattoo artist from Kalinga na si Whang-Od. Likha ito ng Pinoy fashion designer na si Mark Bumgarner. 
 


However, hindi na umabante pa si Michelle sa Top 5 ng competition kung kaya’t hindi na s’ya nabigyan ng chance na sumalang sa question-and-answer portion.
 


Sa huli, ang pambato ng Nicaragua na si Sheynnis Palacios ang nagwagi ng korona. S’ya ang pinakaunang Miss Universe winner mula sa naturang bansa.

Matapos ang kompetisyon, kagaad na nag-post si Michelle sa social media para sabihing ginawa n’ya ang lahat ng kanyang makakaya pero tila may ibang plano daw ang tadhana para sa kanya. 
 


“We did what we could but destiny has greater things for us! Everything ALWAYS happens for a reason! [Saluting face emoji],” pahayag ng kandidata.

Pino-proseso pa raw n’ya ang mga nangyari. Ganu’n pa man, alam daw n’yang malaki ang utang na loob n’ya sa kanyang fans and supporters.
 


“I’m still trying to compose my thoughts & feelings with everything going on, but all I know is i’m truly indebted to all of you!” she wrote.
 


S’ya kasi ang itinanghal na winner sa Fan Vote via Miss Universe app, gold winner din sa Voice for Change competition, at nasungkit din n’ya ang Spirit of the Carnival Award.
 


SCREENSHOT: @michelledee on Instagram
 

“We showed the whole universe what our #BAYANIHAN spirit can do and let’s keep shaking them. Mahal na magal ko kayo (sic). [Heart om fire emoji],” pagtatapos n’ya. 

However, dismayado at nanghihinayang naman ang kanyang mga Pinoy fans and supporters sa naging placement n’ya sa Miss U pageant.

Isa rito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na vocal supporter ni Michelle. Aniya sa kanyang short video, deserving ni Miss Nicaragua ang pagkapanalo nito pero napapaisip raw s’ya kung ano ang kinahantungan ng final result kung nakapasok lang si Michelle sa question and answer portion. 

“I also was rooting for the winner, actually, and I think that she’s very deserving,” pahayag ni Pia. “Although, I’m still wondering what could have been if Michelle made it into the Top 5 and had the chance to answer a few questions. ’Cause she’s really good at Q & A. You wonder, you think of what could have been,” pagbabahagi pa n’ya. 

"But…yeah. I don’t know. I’m still trying to absorb things. Kayo ba?"

Sa isa n’yang Instagram Story, makikitang basag ang screen ng kanilang TV na tila binato iyon.

“Our TV situation after watching @michelledee compete [broken heart emoji] We are hoping to hear her at Q&A,” saad n’ya sa inilagay n’yang text.
 


SCREENSHOT: @piawurtzbach on Instagram

Dismayado rin si Kapamilya actress Chie Filomeno sa pagkakaligwak ni Michelle sa Top 5 at kitang-kita ito sa kanyang magkakasunod na post sa X (formerly Twitter).
 


“[A]yaw niyo pahawakin ng mic si MMD?!,” pahayag ng aktres sa kanyang post matapos hindi umabante ni Michelle sa kompetisyob. 
 


“So far yung mga tanong kayang kaya lamunin ni MMD! SOOOOO BAKIT NILAGLAG?!! SHUTA!!!” tila galit na sabi pa ni Chie. 
 


“NICARAGUA DASURV! PERO MMD DAPAT ASA TOP 5 KA!!!” 
 


SCREENSHOT: @ChieFilomeno on X

Nanghina naman daw sa resulta ng patimpalak ang comedian and It’s Showtime host na si Vice Ganda. 
 


“From 1000% energy to 0.01%!!!! Shekeeeeet!!!!” saad ni Meme Vice sa kanyang post.
 


SCREENSHOT: @vicegandako on X

 
Tingin naman ng Pulitzer-winning investigative journalist na si Ronan Farrow, nadaya ang kandidata ng Pilipinas. 
 


“Miss Philippines was robbed, shaking and crying,” deklara n’ya sa social media.  


Sa kabila ng naging resulta, happy daw s’ya sa pagkanalo ni Miss Nicaragua. 
 


“But happy for you, Nicaragua,” he said. 
 


SCREENSHOT: @RonanFarrow on X


Full support pa rin naman si MJ Lastimosa kay Michelle ngayong pareho sila ng kinahantungan sa Miss Universe. Top 10 finalist din kasi si MJ noong nag-compete s’ya sa Miss U noong 2014. Punto n’ya, hindi biro ang mapabilang sa Top 10 kaya achievement din itong maituturing. 
 


“Top 10 is top 10!!!!!!! Mabuhay ka MMD!!!!! What a roller coaster of excitement and all the emotions in between YOU MADE US PROUD!!!! Filipinas parin thru and thru!!!!! #MabuhayAngPilipinas #MissUniverse2023,” aniya sa kanyang post sa X.
 


Nagpasalamat naman si Miss Universe 2018 Catriona Gray kay Michelle sa ipinakita nitong performance. Patuloy din umano n’ya itong susuportahan sa future endeavors nito. 
 


“[T]hank you for the fight. Yours is a comeback story that I know well, and so it’s with certainty that I can say, never denied only redirected. Whatever you choose to pursue, we’re all right behind you! Mabuhay ka!” pahayag ni Catriona.
 


Sa isang open letter naman idinaan ng actress and beauty queen na si Winwyn Marquez ang pagbati n’ya sa kanyang pinsang si Michelle.
 


Proud umano s’ya sa pagre-represent nito sa bansa sa Miss Universe at sa ipinakita nitong performance on the pageant stage.
 


“I wanted to take a moment to congratulate you on your incredible achievement in representing the Philippines in the Miss Universe pageant,” sey ni Winwyn sa kanyang Instagram post.
 


“You have made us all tremendously proud with your poise, grace, and confidence on that stage. Your preparation and hard work showed in your every move, and you truly shone like the queen you are,” she continued.
 


“You have become a source of inspiration for everyone around you, especially for our family. Watching you during the pageant, we marveled at your beauty and the elegance of your every gesture.”
 


Pinuri rin n’ya ang effort na ibinigay ni Michelle sa advocacy nito about autism awareness and acceptance. 
 


“Your advocacy - autism awareness and inclusivity, is what makes you truly special. You are not just a beauty queen, but a voice for those who need it. Your advocacy is what makes you stand out! Thank you sa lahat ng ginagawa mo,” saad ng Reina Hispanoamericana 2017 winner. 
 


Nagpasalamat din s’ya sa dinala nitong karangalan hindi lang para sa kanilang angkan kundi para sa buong bansa. 
 


“We know that you have worked tirelessly to get to where you are, and we are grateful for the honor you have brought not only to our family but to our beloved homeland, FILIPINAS,” diin n’ya. “We love you, @michelledee, and I wish you all the best in your future endeavors. Congrats, Queen! Mahal na mahal ka namin! Ikaw padin ang Miss Universe namin,” she concluded.
 


Inisa-isa rin ni Miss Universe Philippines national director Shamcey Supsup ang mga naging achievements ni Michelle sa katatapos lang na pageant.

“To Michelle, words are not enough to express how immensely proud I am of you and your relentless drive to elevate your cause on the Universe stage,” panimula ng Miss Universe 2011 3rd Runner-up sa kanyang Instagram post.
 


“Being awarded as a gold winner in the Voice for Change category is a true testament to your dedication and your ability to walk the talk like a true queen. Securing a place in the top 10 is a remarkable achievement in itself. You have put the Philippines back on the map as a pageant powerhouse, and for that, we are immensely grateful,” pahayag n’ya.
 


Naniniwala rin umano s’ya na deserve ni Michelle na makapasok hanggang sa Top 5 ng kompetisyon. 
 


“In my heart, I still believe you deserved a spot in the top 5. But as I often say, we can only control so much; the rest is beyond our grasp,” aniya. "Yet, in uniting the Filipino people and showing that kindness can indeed move mountains and create change, you have already triumphed. We eagerly await your return, our Queen. You've made us all so proud,” pagtatapos ni Shamcey.
 


“PROUD OF YOU MY KAMBAL!!! You did so well!!! grabe!!! I was cheering for you on top of my lungs!!!!!!! @MICHELLEDEE FILIPINAS!!!!!,” pahayag naman ni Kapuso actress Gabbi Garcia sa kanyang Instagram Story.
 


SCREENSHOT: @gabbi on Instagram

 

YOU MAY ALSO LIKE:

National costume ni Michelle Dee sa Miss U, pinusuan ng mga celebrities at netizens

Michelle Dee, pasok bilang Silver Finalist ng The Voice for Change competition ng Miss Universe

Michelle Dee shoots down fake news saying she got into an accident

Michelle Dee, aminadong "super stage mom" ang Miss International mom niyang si Melanie Marquez

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.