Vice Ganda, minsang pinag-agawan ng dalawang pogi

PHOTO: Melo Balingit

PHOTO: Melo Balingit

Nakatsikahan ang pikapika.ph sa Unkabogable star Vice Ganda sa set ng commercial shoot niya para sa Alaska Crema-Asada sa isang studio sa Makati kamakailan.

 

Kinumusta namin ang noon ay patapos pa lang na MMFF [Metro Manila Film Festival] 2018 entry niyang Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya, kung saan leading men niya sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes.

 

“Masaya sa set,” bungad ni Vice. “Harutan lang kami nang harutan. Saka ang sarap tingnan nila Dingdong at Richard together…ang guguwapo nila!”

 

Ang Fantastika, the Princesses, the Prince, the Perya ay ang ika-pitong sunod-sunod na pelikula ni Vice sa MMFF since he started in 2011 with The Unkabogable Praybeyt Benjamin. 

 

Equal na equal daw ang exposure ng dalawa rito, ayon kay Vice, “otherwise, magwawala si Tita Annabelle [Rama]. Hahaha!”

 

Idea raw niya ang alukin pareho para maging leading man niya sa MMFF entry niya this year. Pero isa lang daw sa dalawang pogi ang um-oo ay okay na siya.

 

“When I was asked, kung sino gusto ko, silang dalawa naisip ko talaga,” patuloy ni Vice. “Pero isa lang do’n ang inakala kong p’wede so no’ng both of them said yes, sinabi ko sa Star Cinema na sabay na sila kasi nag-yes naman pareho…minsan lang din naman ang chance na ’to.”

 

Aliw na aliw si Vice sa nadiskubre niyang magaling din daw palang mag-comedy ang dalawang dramatic leading men at game na game sa mga pinagawang kwela scenes sa kanila.

 

“Basta ang sarap nilang panooring dalawa na magkasama sa eksena,” ulit pa ni Vice.

 

Fairy tale ang peg ng pelikula ni Vice at dahil fairy tale, tinodo na raw niya—bilang may creative role siya off-cam—ang pagpapantasya na pag-aagawan siya ng dalawang poging nilalang dito.

 

 

Heto ang buong tsika ni Vice:

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice, nakahanap ng kapayapaan kay Ion?

Vice, napa-amin bang 7th monthsary na nila ni Ion Perez?

Vice Ganda looks back on childhood with new book

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.