Vice Ganda, hindi raw kayang panoorin ang mga hearing noon ng ABS-CBN franchise renewal case sa Kongreso

Photo: Instagram & Screenshot: It's Showtime on Facebook

Photo: Instagram & Screenshot: It's Showtime on Facebook

Mahigit isang buwang dinidinig sa Kongreso ang kaso ng franchise renewal application ng ABS-CBN.

Matatandaang pinadalhan ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission or NTC last May 5 ang ABS-CBN, following the expiration of it’s franchise last May 4. The NTC has also subsequently ordered ABS-CBN to stop the operation of its TV Plus Channels and the direct broadcast satellite service of its subsidiary, Sky Direct last June 30.

Bagamat maraming ka-alyado ang Kapamilya Network sa labas ng Kongreso, pero mas marami ang mga kongresistang nagsulong para hindi mabigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN. And in the process ng hearing, may nabuksan pang ibang mga isyu na lihis sa paksa ng prangkisa gaya ng umano ay labor violations, biased news reporting, at maging ang citizenship ng may-ari nitong si Gabby Lopez III.

In the process din ay makikitang halos mabastos na sa hearing ang mga bosses ng ABS-CBN dahil sa pandidikdik ng mga against sa pagbibigay ng prangkisa sa network.

Kaya nang tanungin namin si Vice Ganda, isa sa pinakamalaking artista ng ABS-CBN, kung kinakaya ba niyang manood ng franchise hearing na live bino-broascast sa iba’t ibang online news platforms ay mabilis niyang sinagot na:

“No. Hindi ako nanood ng hearing.”

Makakarating at makakarating naman daw sa kanya ang mga naganap pero at least ay hindi na sing-bigat dalhin sa dibdib kumpara sa kung actual siyang nanonood nito ng live.

At mismong ang boss na raw niyang si Ma’am Cory Vidanes, ang Chief Operating Officer for broadcast ng ABS-CBN, ang nag-advise sa kanya na huwag nang manood para hindi raw siya ma-dishearten at tuloy ay maka-apekto sa kanyang pagpapatawa sa It’s Showtime na nagbalik na sa online through Facebook at iba pang digital platforms ng ABS-CBN.

“As much as possible hindi ko siya panonoorin kasi kahit si Tita Cory sabi niya: ‘Don’t watch. Kasi pag pinanood mo hindi ka matutuwa, malulungkot ka. E, kailangan makakuha ka ng positivity kasi magpapatawa ka, magpapasaya ka. Hindi mo magagawa pag pinanood mo ’yon. Mawawala ka. Madi-diskaril ka.’ Kaya sabi niya don’t watch. Sabi niya, ‘Malalaman mo naman kung ano’ng nangyayari. May mga reports naman. Pag may time ka, kung kaya mo basa ka nang konti pero don’t dwell.’ Sabi nga niya, ‘Leave it to us. Wag mo siyang problemahin,’ sabi ni tita Cory.” 

At nito nga lang Biyernes, July 10, naglatag na ng desisyon ang House Committee on Legislative Franchises ng mababang kapulungan na hindi bigyan ng franchise renewal ang Kapamilya Network (with 70 voting yes to junk the plea; 11 no; 2 inhibit, and 1 abstain) na kinabibilangan ni Vice.

Kinabukasan, July 11, hindi rin kinaya ni Vice na maiyak during the opening number ng It’s Showtime online. Inakala ng mga tao na nag-walk out siya pero aniya ay saglit lang siyang tumalikod para hayaang pumatak ang luha offcam. Sa ekplanasyon niya sa Twitter ay sinabi niyang hindi lang niya kayang peke-in ang kanyang emosyon that time.

 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, after walking out during It’s Showtime opening, admits: “I couldn’t fake it.”

Vice Ganda, tapos na raw umiyak sa mga pinag-dadaanan ng ABS-CBN; pinapasa-Diyos na ang kapalaran ng home network

10 times Vice Ganda slays wigs!

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.