Vice Ganda, hindi hirap financially pero aminadong malaki ang nawala dahil sa pandemic

Photos: @praybeytbenjamin

Photos: @praybeytbenjamin

Nasasanay na raw si Vice Ganda na mag-show nang mag-show at magpatawa ng walang live audience. Stand-up comic ang pinagmulan niya at nakasalalay sa agarang reaction ng live audience ang susunod niyang punchline, pero dahil nga sa pandemic ay nawalan ng mga live shows at kung meron man ay hindi pa rin ubrang may live audience dahil sa mga health and safety protocols.

Most celebrities, her included, resorted to vlogging at pagla-live show online. 

“Mahirap talaga siya...sobra s’yang mahirap buti na nga lang bago tayo magko-concert sa July, e, na-experience ko na siya sa Showtime. So, napa-practice ko na siya sa Showtime na nagpapatawa ka, dumadakdak ka wala kang [live] audience. So, kayo-kayo lang nag-react ’yong mga taong sa studio at the same time,” esplika ni Vice sa virtual conference niya para sa nalalapit niyang first virtual concert.

“Ganu’n din ’yong vlogging, wala kang audience pero gumagawa ka ng mga contents na nakakatawa makikita mo nalang sa comment section kung gaano sila kasaya, gaano sila tawang-tawa ta’s makikita mo doon sa tao na may nanood sa cellphone nila na tumatawa sila.

“Actually, nasasanay na nga rin ako na walang [live] audience dahil nag-vlog tapos ’yong Showtime, so from my training sa comedy bar at sa live concert scenes na may audience na marami...biglang naging ganito na. So, the only way is just [to] adapt diba? So, adapt na lang tayo nang adapt.”

Dahil nga nagagamay nang mag-perform in an environment na walang live audience kaya naisipan niya at ng Viva na ituloy pa rin ang tradisyon ng pagme-major concert niya kada ikalawang taon. Thus, Gandemic the VG-tal Concert was born.

Ang patuloy na paghanap ng outlet for creativity ang isa sa dahilan kung bakit siya magko-concert, bukod pa sa gusto niyang magpasaya kahit two hours lang. It’s a two-way street, kumbaga. Para sa sarili niya, the effort would make her feel na hindi pa siya natutuyuan kumbaga.

In fact, nai-relate niya sa kantang “Tuyo Ng Damdamin” ng APO Hiking Society, ang ayaw umano niyang maramdaman sa buhay. Nakanta kasi ito ng isang TagoKanta contestant sa It’s Showtime kamakailan at naapektuhan umano siya sa lyrics.

“’Yong kahit na ano’ng gawin di mo na mapilit ang tadhana... sabihin mo sa sarili mo na wala ka nang maibubuga...” pakantang sagot ni Vice. “’Yong part na ’yon [ng kanta], doon talaga ako... ay, kaya ako nalungkot. 

“Ayokong maramdaman ’yon. ’Yon ang isang damdamin na ayoko talagang maramdaman. I will make sure na hindi ko ’yon mararamdaman—’yong tuyo [ang damdamin]. Ayoko nu’n. Natakot ako. Pero hindi ko pa naman nararamdam ’yon ngayon, na tuyot na. ’Yong ganu’n.”

Ang speaking of tuyot, natanong din si Vice sa virtualcon kung kumusta na ang kanyang finances sa ngayon. Specifically, kung gaano kalaki ang epekto sa buhay niya—financially—ang pagkawala ng franchise ng ABS-CBN na nasabayan pa ng pandemic. Marami kasing mga artista ang aminadong hirap na financially at this point.

S’yempre, may effect diba?,” direktang pag-amin niya. “May effect siya dahil nabawasan ang kita diba? Nabawasan ang kita 

“Sa [ABS-CBN] franchise, wala naman masyadong effect financially kasi may programs pa naman din ako diba? Kumikita naman ako. Araw-araw kumikita pa din ako. In fact, may bago naman akong programa. Dalawa naman ’yong magiging programa ko. 

“Ang naka affect sa akin nang malala financially, hindi ’yong franchise... ’yong pandemic mismo kasi hindi nga ako makapag-concert tour so, walang concert tour. Ang laki nang binibigay sa akin ng concert tour, diba? Raket sa labas—’yong mga fiesta-fiesta na ine-enjoy ko...’yong mga corporate shows, pelikula...’yong mga ganyan. ’Yon ang mga nawala sa akin. So, malaki-laki din ’yon.”

Dati nga naman kasi ang naigo-global tour niya ang mga major concerts niya matapos mag-hit sa Areneta Coliseum. 

“’Yon ang naka-affect sa akin financially. Pero hindi naman ako naghirap pa din dahil napakabait ng Diyos dahil binigyan niya ako ng maraming-maraming pagkakataon in the past para kumita at makapag-ipon. Kaya ngayon, nasa ganito akong sitwasyon. Hindi ako salat na salat. Hindi ako salat. Actually, may kakayahan pa rin akong mag-provide for myself, for the people I love at makapag-extend ng help sa mga taong pinilipi kong tulungan.

So, nabawasan lang ’yong kita dahil nawalan ng raket pero maayos pa rin naman ang kalagayan ko financially.”

Pero para na ring mag-go-global tour ang kanyang nalalapit na Gandemic The VG-tal Concert dahil mapapanood ito hindi lang ng mga taga-Pilipinas.

With tentative lineup for guests na sina Ice Seguerra, Jake Zyrus, Moira dela Torre, and Anne Curtis, the concert, which is to be directed by John Prats, is slated for July 17, 2021 - 9pm Manila Time (Philippine streaming) or July 18, 2021 (11am Manila Time) for worldwide streaming on ktx.ph, iWantTFC, and SkyPPV.

Tickets are priced at P1,000 (regular) and P1,500 (VIP). 

Tickets available now at: http://bit.ly/Gandemic

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, hoping pa ring matuloy sina Anne Curtis, Moira dela Torre, Jake Zyrus at Ice Seguerra bilang guests sa upcoming VG-tal concert niya

Rabiya Mateo, kinilig sa surprise video greeting sa kanya ni Kathryn Bernardo

Bea Alonzo, hiningian daw ng nude photo ng kanyang naging nobyo noon?

Thai actor Mario Maurer, may “good luck” message para kay Rabiya Mateo sa Miss Universe; Rabiya, hindi napigilang mag-fangirl

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.