Vice Ganda, feeling na-stroke dahil sa Covid-19 pandemic na nasabayan pa ng problema ng ABS-CBN

Mas focussed na raw si Vice Ganda ngayon lalo pa’t may bago siyang pagkaka-abalahan—ang The Vice Ganda Network, ang binuo niyang malawakang online platform kung saan makikita’t mapapanood ang lahat ng kanyang ganap. “...Kasi na-realize ko na hindi ako p’wedeng kainin ng worries,” katwiran niya. “Kasi nu’ng nagwo-worry ako during the start of the ano [lockdown], wala din naman nangyari. Kaya sabi ko, hindi na ako magwo-worry. Hayaan ko nalang mangyayari ang mangyayari. I will just leave it to God.”

Photos: @praybeytbenjamin & @rizylantonette28

Mas focussed na raw si Vice Ganda ngayon lalo pa’t may bago siyang pagkaka-abalahan—ang The Vice Ganda Network, ang binuo niyang malawakang online platform kung saan makikita’t mapapanood ang lahat ng kanyang ganap. “...Kasi na-realize ko na hindi ako p’wedeng kainin ng worries,” katwiran niya. “Kasi nu’ng nagwo-worry ako during the start of the ano [lockdown], wala din naman nangyari. Kaya sabi ko, hindi na ako magwo-worry. Hayaan ko nalang mangyayari ang mangyayari. I will just leave it to God.”

Dumaan din daw sa pagkatulala si Vice Ganda dala ng magkasunod na dagok ng Covid-19 pandemic at ang naging problema ng ABS-CBN sa prangkisa.

“I’m trying to handle it well, I’m trying my best to handle it well,” bungad ni Vice Ganda nang tanungin namin siya kung paano niya hinarap ang mga challenges na dala ng “new normal.”

Pero gaya rin ng mga pangkaraniwang tao, ininda raw niya nang husto ang mga pangyayari.

“Of course it’s not very easy, it’s a very difficult situation. It happened in front of me abruptly...nang I was not prepared—and I don’t think anyone was prepared when it happened. But sa ngayon... nu’ng una kasi, ano... ’yon nga nabigla. So, nu’ng nabigla, nataranta, nauga diba, na-stress. Hindi mo alam kung ano’ng diskarte?” 

Dumanas rin daw ng matinding depression ang blockbuster star dala ng mga uncertainties.

“Kasi I was over thinking. I could not not think...I could not not think,” madiing pag-amin ulit ni Vice. “Because almost all my life I was working and then in an instant, stop working—na hindi ako handa. 

“Alam ko naman in time I will stop working kasi s’yempre nagkaka-edad na rin ako. Pero I did not... I was not prepared that it would happen any time so soon. So, nabigla ako na hindi ako nagtatrabaho. Tapos ’yong fear na magkasakit ka. Hindi ako ready’ng magkasakit. Ayokong magkasakit. 

“Tapos nagkaroon ng eksena ’yong...nagka-problema ’yong franchise ng ABS tapos ang daming nagpatung-patong...so talagang I was so stressed.”

At dahil overthinker at worrier—na hindi natin halata kapag on-cam siya—ay napapa-iyak nalang daw siya kadalasan.

“Hindi p’wedeng hindi mo iyakan kasi mahal mo, e, mahal mo ’yong trabaho mo, mahal mo ’yong ginagawa mo, mahal na mahal ko yong ginagawa ko,” dire-diretsong k’wento ni Vice. “So, wala pa ’yong issue ng franchise... sa pandemic palang, hindi ko kayang hindi ako gumagalaw, hindi ko kayang hindi ako nagtatrabaho, hindi ko kayang hindi ako nagpapatawa. So, iniyakan ko ’yon. 

“So, parang feeling na-stroke? Alam mo ’yong feeling na na-stroke? ’Yong ang sigla mo, ang sipag mo, ang dami mong trabaho tapos bigla pag gising mo hindi ka na makakilos? Hindi mo na magawa ’yong dati mong ginagawa? That was the feeling.”

Hate na hate daw ni Vice ang confined at restricted movements at higit sa lahat, ’yong feeling ng helplessness.

“So, hindi ako ready doon. So, nalulungkot ako sa feeling ng nakakulong—ang pangit nu’ng feeling na nakakulong ka, na nasa loob ka ng bahay tapos hindi mo makita ’yong nangyayari sa labas, na wala kang ibang magagawa talaga. Hindi ko kaya ’yong helpless, ’yong feeling ng uncertain? Hindi ko kinaya ’yon kaya iniyakan ko.”

Pero pinilit nga daw niyang ibaling ang isip sa mga positive thoughts dahil alam niyang wala naman siyang power over these these things kaya ni-let go na raw niya at pina-iral nalang ang pananalig sa Itaas.

“Pero na-resolve ko na rin naman ’yon, nai-proseso ko na ’yong utak ko ngayon,” paliwanag niya. “Kumbaga ngayon, mas okey na akong di hamak kesa sa dati. I was not okay at first. I thought it was just okay na hindi ako okay that time. Kailangan pagdaanan ko ’yon.

“Wala rin naman magagawa...wala akong magagawa. So I just decided to leave it all to God and just sleep every night and wake up every morning.... I’ll just live my life na i-chill ko nalang ito kasi ang may hawak na nito Diyos. Hindi ako.

“’Yong pandemic, wala akong magagawa doon. All I can do is just take care of myself, wag nang dumagdag sa mga hawaan,” tuloy-tuloy na saad ni Vice. 

“Pangalawa, ’yong sa ABS-CBN sabi naman nu’ng boss ko, si Tita Cory [Vidanes], ‘Leave it to us. Just make people happy.’ Kasi noong magka-usap kami sabi niyang ganu’n: ‘Just concentrate on your job. It’s not your job, it’s our job. Let us deal with this. Ikaw, mag-Showtime ka. Galingang mo. Magpatawa ka. Do your job. That’s your job. Wag mong isipin ito. Kami na’ng bahala dito.’”

Mas focused na raw si Vice ngayon lalo pa’t may bago siyang pagkaka-abalahan—ang The Vice Ganda Network, ang binuo niyang malawakang online platform kung saan makikita’t mapapanood ang lahat ng kanyang ganap.

“Ngayon, mas focussed na ako kasi na-realize ko na hindi ako p’wedeng kainin ng worries,” katwiran niya. “Kasi nu’ng nagwo-worry ako during the start of the ano [lockdown], wala din naman nangyari. Kaya sabi ko, hindi na ako magwo-worry. Hayaan ko nalang mangyayari ang mangyayari. I will just leave it to God.”

Ang ipinagpapasalamat lang din daw niya nang husto ay the fact na may naitabi siya para sa mga ganitong unforeseen events.

Aminado rin kasi siya na apektado rin siya economically ng pahirap na Covid-19 pandemic. Bagama’t mas magaan ang estado niya sa buhay kumpara sa karaniwang tao, ay iba pa rin naman talaga ang pasok ng biyaya noong pre-Covid days.

In fact, kahit na-deklara nang under GCQ (general community quarantine) ang Metro Manila ay limitado pa rin ang galaw ng mga tao lalo na ang mga taga-showbiz industry kaya’t limitado din ang pasok ng income.

Pero laking pasalamat ni Vice sa Diyos dahil tila inihanda raw siya sa sitwasyon.  

“Everyone is affected. Even the richest person is affected, the poorest of the poor is affected,” lahad ng It’s Showtime host. “Everyone is affected. The good thing is, sabi ko nga ang bongga ng Diyos kasi hinanda niya ako sa ganitong pagkakataon. Pinag-ipon muna niya ako bago mangyari ito. 

“Kasi kung hindi ako nakapag-ipon-ipon, ’yon ang mahirap, e diba? ’Yong gigising ka isang araw na malungkot ka na nga, wala ka pang-kain? Hindi ko yon ma-imagine. Tapos, hindi mo alam sa’n ka hihingi ng tulong. Ang hirap-hirap ng ganu’n. So, financially, economically may effect ito. Pero buti nalang nakaipon-ipon ako.”

Noong July 10, ibinaba na ng House Committee on Legislative Franchises ng Kongreso ang desisyon nitong hindi bigyan ng panibagong prangkisa ang ABS-CBN. 

Panibagong sakit ang dala nito sa puso ni Vice at ng mga kasamahan niya sa Kapamilya Network. Pero knowing Vice, hindi naman doon matatapos ang pagka-entertainer niya. For sure, gaya ng mga kasamahan niya, babangon at babangon si Vice at tuloy ang pagpapaligaya sa madlang pipol. 

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Vice Ganda, hindi raw kayang panoorin ang mga hearing noon ng ABS-CBN franchise renewal case sa Kongreso

Vice Ganda, after walking out during It’s Showtime opening, admits: “I couldn’t fake it.”

Vice Ganda, tapos na raw umiyak sa mga pinag-dadaanan ng ABS-CBN; pinapasa-Diyos na ang kapalaran ng home network

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.