Lingid sa kaalaman nang marami ay magkasunod palang namatay ang ina at kapatid ng beteranang aktres na si Ms. Liza Lorena kamakailan lang kaya’t laking pasalamat daw niya na dumating ang project na Three Words to Forever dahil nakatulong ito para maka-move on at malibang siya.
Among the cast, ang mga first time niyang nakatrabaho ay ang mga younger stars na sina Kathryn Bernardo, Tommy Esguerra, at Joross Gamboa. Ang mga lead stars kasing sina Sharon Cuneta at Richard Gomez ay parehong nakatrabaho na niya sa pelikula, si Sharon sa Deart Heart noong 1981 at si Richard (at Sharon pa rin) sa Kapantay ay Langit noong 1994.
Pawang mga papuri ang ibinigay niya sa lahat ng cast pero namukod-tangi ang papuri niya kay Joross na aniya ay siyang “nagpasaya sa akin.”
Kahit daw kung minsan ay “buwisit” si Joross ay malaki raw talaga ang naiambag nito para makalimutan niya ang mga malulungkot na pangyayari sa buhay niya recently.
Kilala si Joross sa showbiz bilang tunay na komikero, galawgaw, at life of the party. But behind his kakulitan, marami rin ang bow sa husay umarte ni Joross kaya naman isa siya sa paborito ring i-cast ng Star Cinema.
Narito ang masayang mga pahayag ni Ms. Lisa Lorena tungkol sa mga co-stars nila, especially nga sa kanyang clown na si Joross: