Sa wakas ay natupad na ang hiling ng aktres na si Valerie Concepcion na muling magka-baby.
Isinilang kasi n’ya kahapon, October 25, ang baby boy nila ng non-showbiz husband n’yang si Francis Sunga.
Iyan ang naging ng laman ng kanyang recent Instagram Stories na kinunan sa ospital kung saan s’ya nanganak.
Double celebration pa ang nangyari dahil nataon ang panganganak n’ya sa 19th birthday ng panganay n’yang si Heather Fiona from a previous relationship.
Sa latest Instagram post naman ni Francis, ipinakilala n’ya sa publiko si Baby Viktor Francis kalakip ang photo nito.
Matatandaang naikuwento ni Valerie sa morning show na Mars Pa More noong 2021 na nagpaplano na sila ng mister n’yang si Francis na magka-baby.
“Actually, we’ve been trying…this year [2021]!” sey ng celebrity mom that time.
“Nag-start kami this year. Nag-stop na akong mag-contraceptive. Kasi nga, sabi ng asawa ko gusto na rin n’ya [magka-baby]. Gusto namin ng one more baby. Kahit isa lang,” pagpapatuloy pa n’ya.
Nasabi rin n’ya sa show na hiling nila ng asawa n’ya na baby boy sana ang maging anak nila na natupad naman.
Congratulations, Valerie and Francis!
YOU MAY ALSO LIKE:
Valerie Concepcion wishes for a baby boy
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber