Uhog ni Ariella Arida, nalasahan ni Lassy Marquez sa kisssing scene nila; “Lasang balot!”

Sa umpisa palang ay sinabi na ni Direk Darryl Yap kina Ariella Arida at Lassy Marquez na may kissing scene sila sa Sarap Mong Patayin. At between the two, si Lassy pa raw ang nag-dalawang isip kung kakasa ito sa eksena.

Photos: Vivamax

Sa umpisa palang ay sinabi na ni Direk Darryl Yap kina Ariella Arida at Lassy Marquez na may kissing scene sila sa Sarap Mong Patayin. At between the two, si Lassy pa raw ang nag-dalawang isip kung kakasa ito sa eksena.

Nagmistulang okrayan sa live comedy bar ang masayang virtual press conference ng psychomedy thriller ni Direk Darryl Yap na Sarap Mong Patayin.

Seryoso ang tema ng pelikula na about catfishing o ’yong pagtatago sa ibang pagkatao para magpa-fall ng mga tao sa internet para sa iba-ibang purpose. (Meron namemera, merong sex ang gusto, merong for temporary escape sa realidad, at meron ding umaasa ng real love kahit sinimulan sa kasinungalingan.)

Pero sa simula palang kasi ng presscon, nabanggit na ang napaka-surreal na topic na kissing scene nina Binibining Pilipinas-Universe 2013 na si Ariella Arida at ng beking-beking si Lassy Marquez.

At lumabas sa tsikahan na sa lagay na ’yon, si Lassy pa ang nagdalawang-isip na tanggapin ang role na may ka-kissing scene siyang beauty queen.

(Mereseng under the influence of drugs sila sa eksena.)

“No’ng unang-unang tinanong sa akin [ni Direk Darryl], doon ako medyo nagdalawang-isip,” pa-aming hirit ni Lassy. “Pero nu’ng nandoon na ako, wala nang prepare-prepare ito. Go na. Ganu’n kaagad.”

Nag-worry daw siya for Ariella, in fairness.

“Alam n’yo, dapat siya ang nag-prepare sa akin kasi baka hindi niya matanggap, baka mamaya bigla siyang ma-ospital. ’Yong ganu’n? Hahaha!

“So, ako hindi ako nag-prepare. Talagang tanggap ko na once na dumating ako doon sa location, once tumungtong ako sa location namin, okey na. Buong-buo na ako [sa resolve ko].

“’Yong tanong lang talaga, nu’ng nakita ako ni Ariella, baka siya ’yong medyo nagdalawang-isip pa. Baka umatras or something. Ganu’n diba?

“So, sinadya ko din di mag-toothbrush. Charot! Hahaha! Kasi malansa ’yong pelikula diba?  Tingnan ko lang. Walang Miss Universe sa akin. Hahaha! Ganu’n. Charot!”

Naghagalpakan ang press sa mga pa-comedy bar na hirit ni Lassy.

At nang matanong kung ano ang naramdaman niya...

“Kasi babae, e. Yuck talaga,” vey beking say ni Lassy. “Yuck! ’Yon lang. Hahaha. Kasi kung si Kit [Thompson] yan, ang sagot ko lang,  ‘Yeeeh!’ Hahaha!”

At kumbaga sa Miss U Q&A, hindi naman nagpakabog si Ariella sa rebuttal niya kay Lassy.

Lumabas tuloy na bongga rin pala ang sense of humor ng beauty-queen-turned-actress.

“Parang matindi pa yan sa virus. Hahaha!,” hirit ni Arida tungkol sa kiss ni Lassy.

Aniya, nakatulong daw ang kissing scene nila para mas maiyak siya sa isang eksenang kailangan niyang maiyak. Pag inisip daw kasi niya ay naluluha siya.

“Buti nalang ginawa namin ’yon [kissing scene] from the start kasi parang we shot it, 8:00 PM. Ayon na agad ’yong simula. Hindi ko alam hanggang alas tres ng madaling araw mag-iiyakan kami [sa eksena]. So, talagang nakatulong po ’yon sa motivation ko para talagang umiyak talaga ako nu’ng time na ’yon,” poker-face na saad ni Ariella kaya hindi mo mabasa kung seryoso siya o nagbibiro pa rin.

Dagdag-kwento po ni Ariella,  ’yon naman daw ang agad naging topic nila ni Lassy the first time they met on the set.

“Sabi ko, ‘Hahalikan kita.’ Pero in fairness, siya pa ’yong nagdadalawang-isip. So, ang ginawa ko, tinitignan ko lang siya everyday pag magkasama kami sa set para talagang matanggap ko na ito ’yong hahalikan ko. Wow! Hahaha!

“Pero it helps talaga that na were so comfortable to each other kaya nagagawa namin ’yong eksena. So, ayon.”

Pero hindi pumayag si Ariella na wala siyang ganti sa hirit ni Lassy na hindi ito nag-toothbrush bago kunan ang kissing scene nila.

“Okey lang. Nahalikan naman niya ’yong sipon ko kasi hindi ko pinapahid talaga ’yon,” banat ni Ariella. 

“Lasang balot kaya. Hahaha!” mabilis na pick up naman ni Lassy.

Asked to describe Lassy’s kiss, say ni Lassy: “Pinakamalansa sa lahat ng malansa... sa lahat ng isdang malansa! Hahaha!”

Ayaw pa ring paawat ni Lassy: “Sinadya ko ’yon Ariella, sinadya ko [na hindi mag-toothbrush].”

“Okey lang, nalasahan mo naman ’yong sipon ko,” ayaw namang patalbog na balik-hirit ni Ariella. 

Aliw na aliw ang lahat sa naging banter no’ng dalawa. Maski si Kit Thompson ay napapa-tawa nalang sa Zoom quadrant niya.

But on a serious note, malalim daw na pinag-isipan ni Ariella kung tatanggapin niya ang mapangahas na role niya bilang durugistang cohort ni Lassy na nagpatibong para maangkin ang guwapong pantasyang lakki, played by Kit Thompson.

Moreover, aware din daw siya sa pagiging kontrobesyal ni Darryl Yap.

But instead na matakot na ma-associate dito, mas nanaiig ang pagka-intriga niya about the writer-director. As for her role, inisip lang daw niyang it’s just a role and a far cry from the real Ariella.

“Actually, since this is also my first lead role na pelikula, of course, pinag-isipan ko din talaga ’to nang matindi. ’Yong concept ng movie... all these things. S’yempre iinisip ko din po,” paliwanag ni Ariella sa press.

“Pero I’m more of, ‘I’m in a character. This is not Ariella.’ Doon po ako mas nag-focus and it helps a lot na sa tulong nila Direk, para hindi ko masyadong ma-feel na si Ariella ako.

“Actually, nu’ng during sa set, nahihirapan ako kasi pag naisip ko I’m Ariella...pero pag nandoon na ako sa role ko na Krista, nandoon na ’yong pagiging actor mo, e. Doon na pumapasok.  So, ewan ko nagshis-hift naman po agad pag Krista na ako, e. Nawawala na ’yong reservation. And thankful po ako kasi naka-tulong talaga nang malaki ’yong mga co-actors ko at saka si Direk on how they handle this film. Lalo na po ’yong mabibigat na eksena.”

When she saw the trailer for the first time daw, naging proud siya sa film and even sa sarili dahil feeling niya, she delivered naman.

“I’m proud actually doon sa outcome. I’m so excited na sana mapanood na on October 15. With the trailer itself palang kasi...while we were doing those scenes kahit ako sa sarili ko hindi ko ini-expect na, ‘My God, magagawa ko ’to?’ And ako, I’m really happy at masaya and proud ako with the whole team behind this film.”

Sarap Mong Patayin starts streaming on Vivamax on October 15.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings.

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Come October 1, magkakaroon na rin ng Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.