Tyra Banks, pinatunayang may asim pa

PHOTOS: @tyrabanks on Instagram

PHOTOS: @tyrabanks on Instagram

Sa edad na 45, nagbabalik ang '90s supermodel na si Tyra Banks sa cover ng Sports Illustrated Swimsuit edition.

Tinawag ito ng Sports Illustrated na "ultimate comeback" ng supermodel-turned-TV host and producer.

Sports Illustrated Swimsuit revealed that Banks was their cover girl noong May 8 with the media mogul wearing an itty-bitty yellow string bikini.

Pinost pa ito ng Sports Illustrated sa kanilang Instagram account.

Si Tyra ang first black woman na malagay sa cover ng solo sa naturang magazine in 1997. Kaya hindi makapaniwala ang producer at host ng America's Next Top Model na muli siyang nakalagay sa cover after 23 years.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Tyra Banks (@tyrabanks) on

“My first cover was 23 years ago, how crazy is that?!" nasabi lang ni Tyra na sumikat din bilang endorsr ng CoverGirl at naging Victoria's Secret Angel in 1993. 

Ito nga ang ikatlong beses na malagay sa cover ng naturang magazine si Tyra. Una ay noong 1996 kunsaan may kasama siyang isa pang model na si Valeria Mazza at sumunod ang solo cover niya in 1997.

Sa muling pag-grace sa cover ng SI ni Tyra, she holds the record as “the oldest woman ever to be on the cover of the Swimsuit Issue.”

“Since Tyra's first cover in 1996, she's transformed herself into nothing less than a mogul, a cultural force and a supernova of inspiration and empowerment. She's kind of the Swimsuit Issue ethos come to life, everything we know this franchise can be," ayon pa sa magazine.

Post naman ni Tyra via Twitter: “This is for everybody that has been told that they are not good enough because of their body, their age, their everything. #BanX is here to tell you that you ARE friggin’ fierce no matter what anybody says!"

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Jameela Jamil, pinanindigan ang pagiging aborsyonada: “My decision. My body. My choice.”

Laine Hardy, destined talagang maging American Idol!

Prince Harry at Meghan Markle, muling bumali ng tradisyon

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.