Tweet ni Vice Ganda, patama nga ba kay Rendon Labador?

Para kay Rendon Labador, wala umanong masama kung maging sweet sina Vice Ganda at Ion Perez pero dapat daw ay ilugar nila ito sa tama. “Wala namang masama na mag baklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata! [Man facepalming emoji],” matapang na komento n’ya.

PHOTOS: @vicegandaofficialph & @rendonlabadorfitness on Facebook

Para kay Rendon Labador, wala umanong masama kung maging sweet sina Vice Ganda at Ion Perez pero dapat daw ay ilugar nila ito sa tama. “Wala namang masama na mag baklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata! [Man facepalming emoji],” matapang na komento n’ya.

Pinag-uusapan sa social media ngayon ang tweet ng comedian-TV host na si Vice Ganda dahil pinatatamaan n’ya rito ang mga taong kina-career umano ang pagiging toxic.

Sa kanyang Twitter post kahapon, July 26, pinahagingan ng It’s Showtime host ang mga tao na aniya’y pinaninindigan ang pagpapaka-toxic para maambunan ng atensyon at mapag-usapan.

“Kung anu ano na talaga ang pinapasok at ginagawa ng ilang tao para lang sumikat no? Yung kahit magpakatoxic kakaririn nila basta makaamot lang ng relevance. How pathetic! Ang sad! It’s not mothering!” pahayag n’ya.

Bagama’t walang binanggit na pangalan si Vice ay ipinagpalagay na agad ng netizens na para ito sa controversial online personality na si Rendon Labador. S’ya kasi ang latest celebrity na pinuntirya nito.

Sa comment kasi ni Rendon, sinabi nitong hindi umano nito nagustuhan kung paano nagkulitan si Vice Ganda at partner n’yang si Ion Perez sa recent episode ng It’s Showtime, partikular ang pagkain ng dalawa ng icing.

Nangyari raw kasi ito sa "Isip Bata" segment ng show kung saan kasama nina Vice at ng isa pang host na si Jhong Hilario ang tatlong bagets sa noontime show na sina Jaze, Argus, at Kulot.

Dahil sa nangyari, nag-react si Rendon at sinabing may tamang lugar daw para sa kulitan nina Vice at Ion.

“Wala namang masama na mag baklaan kayo, pero sana ilugar ninyo ang kahayupan! Huwag sa show ng mga bata! [Man facepalming emoji],” matapang na komento ng online personality. 

Shinare pa n’ya sa Facebook ang video clip nina Vice at Ion kasama ang kanyang komento.

Sa inilagay n’yang caption dito, sinabi n’yang mas masahol pa umano ang ginawa ng dalawa on TV kesa sa controversial drag queen na si Pura Luka Vega na nag-viral online dahil sa pagbibihis Jesus Nazareno nito at pagpe-perform ng remix version ng “Ama Namin” sa isang bar last July 18.

“I support and respect the LGBTQ+ community pero yung mga ganitong klaseng tao ay hindi pwedeng itolerate!!! Mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega! [Man faceplaming emoj] #stayMotivated,” deklara ni Rendon.

Marami ang natawa pero sumang-ayon sa punto n’ya. For the first time daw ay nagka-sense s’ya sa kanyang pag-criticize. 

However, binanatan naman s’ya ng fans and supporters ni Vice dahil sa umano’y pagiging “epal” at “desperado” niya para lang mapansin.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Awra Briguela, “sinabon at binanlawan” ni Vice Ganda?

Kyline Alcantara, nagpaka-fan girl kay Vice Ganda

Vice Ganda at Ion Perez, may baby na!

Tuesday Vargas, dinipensahan si Michael V. mula sa patutsada ni Rendon Labador; Rendon, may panibagong sundot

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.