Dagsaan ang mga moviegoers sa first-day screening ng Just A Stranger sa over 200 cinemas kahapon, August 21.
Kumalat din ang papuri ng mga netizens sa online world pagkatapos panuorin ang erotic romantic drama film nina Marco Gumabao at Anne Curtis.
Ngunit, may isang netizen na nagsabing muntikan na siyang maiyak kaso ay napansin niya umano ang pagtulo ng laway ng aktres habang ito’y umiiyak sa isang eksena.
Hindi napigilan ni Anne na sumagot sa netizen at kinukumpirma niya na laway nga ang nakita nito.
Pinaliwanag niya na tulo-laway siya sa eksena dahil ganoon naman talaga ang natural na itsura ng tao kapag umiiyak.
See Anne’s tweet below:
Laway un. Ugly cry at it’s finest 😭 D namin inulit ung take kasi ganun naman pag umiiyak ka, walang maganda. Laway at tulo sipon na hindi mo na ma control 💔 https://t.co/ETAAFCOdfr
— Anne Curtis-Smith (@annecurtissmith) August 21, 2019
Sumagot naman ang direktor ng pelikula na si Jason Paul Laxamana sa tweet ni Anne. Sinalaysay na habang shooting, nagandahan daw siya sa natural na tulo-laway na pag-iyak ni Anne sa dahil sa sobrang pagka-totoo nito. Ngunit, naisip niya na dahil woman of class si Anne, baka daw gusto pa ng aktres ng isang take ng crying scene minus the laway.
After ng take na iyon ni @annecurtissmith na may laway habang umiiyak... na-bother ako kasi, for me, ang ganda. Ang real. Pero since woman of class si Anne, I assumed na baka ayaw niyang makita sa movie na may ganun kasi unflattering. Then to my surprise... (1/2) https://t.co/GdF6oqIJZ5
— Jason Paul Laxamana (@jplaxamana) August 21, 2019
Lumapit daw si Anne kay direk at tinanong kung okay lang bang may laway siya sa eksena. Sumang-ayon naman siya at sinabihan itong authentic ngunit if hindi nagustuhan ni Anne ay pwede ngang i-retake. It turns out, gusto din pala iyon ni Anne. At ikinasiya iyon ni Direk Jason at naisiip niyang Anne, the actress, can set aside glam for authenticity.
...lumapit sa akin si Anne and asked me kung OK lang ba yung may laway siya. I told her YES, i love it, it’s very authentic. But if she finds it unflattering, i’m OK na kumuha ng mas malinis na take. But Anne is such an actress—she said na if I like it as it is, OK lang sa kanya.
— Jason Paul Laxamana (@jplaxamana) August 21, 2019
Iba talaga ang nag-iisang Dyosa! Just A Stranger is still out in over 200 cinemas nationwide!
YOU MAY ALSO LIKE:
5 parts of the Just A Stranger teaser that make us want to see the movie ASAP
Erwan Heussaff’s funny reaction over wife Anne Curtis’s intimate picture with Marco Gumabao