Ang Kapuso break-out star na si Kyline Alcantara ang napili ng GMA Network to host the StarStruck Season 7 online show, aptly titled “Inside StarStruck.”
Nagsimula nang mapanood ang online daily show (Mondays to Fridays) sa YouTube channel ng programa last June 10.
“Thankful and overwhelmed po,” says Kyline who’ll be hosting an online show for the first time. “Thankful po ako kasi binigyan po ako ng bagong challenge ng GMA, hosting naman po at pinaghandaan ko po talaga ito.”
Ayon kay Kyline, siya raw ang maghahatid ng mga behind-the-scenes tsika sa mga daily ganap ng mga kung tawagin sa ngayon ay “hopefuls.
“Ako po ’yong maghahatid ng mga behind-the-scenes, mga tsismis sa loob ng StarStruck camp, mga revelations ng hopefuls at ako po ’yong unang sasalubong sa matatanggal.
“Ako rin po ’yong makakasama nila sa pag-iikot. Mag-iinterbyu rin po ako ng mga hopeful, pati na ’yong hosts at council ng show.”
Sa 7th edition ng all-original reality based artista search, hosts sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado. Sina Cherie Gil, Jose Manalo at Heart Evangelista naman ang uupo bilang StarStruck council.
Sa unang taping ng “Inside StarStruck,” natulala raw si Kai (nickname ni Kyline) nang makaharap niya ang isa sa mga hurado, ang beteranang si Cherie Gil.
“Natulala ako kay Ms. Cherie no’ng iniinterbyu ko in one of the episodes. Hindi po ako nakapagsalita,” kuwento ng Sympy G endorser.
Patuloy ng dalaga, “First time ko lang po siyang na-meet. Na-starstruck po ako sa kanya!”
“Parang nakaganyan lang ako sa kanya and then, sabi niya sa akin, ‘Can you talk?’”
“Sagot ko po sa kanya, ‘Kinakabahan po kasi ako. Sorry po!’”
Heto ang nakatutuwang eksena.
“Nag-request po ako sa kanya na kung puwede niya akong sampalin.”
“Kaso po tinawanan niya lang po ako. Sa totoo lang po, nasa bucket list ko po talaga na masampal ni Miss Cherie,” kinikilig na kuwento ng 16-year old Kapuso star.
Kinumpirma na rin sa amin ni Kyline na inilipat na ng timeslot ang Studio 7, ang music tambayan show ng network. Mula sa Sunday 7:45PM slot, mapapanood na ito every Saturdays starting this June 15, sa ganap na alas-10 ng gabi.
Makakasama pa rin daw niya ang original group nina Christian Bautista, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Mark Bautista, Aicelle Santos, The Clash alumni, at marami pang iba.
YOU MAY ALSO LIKE:
Kyline, naglalagare sa tatlong GMA shows; ka-loveteam na si Manalo, tanggap ng mga "sunflowers"