Tugon ni Ruby Rodriguez sa fan na nagtanong kung bakit hindi na siya lumalabas sa Eat Bulaga: "Sila tanungin mo."

PHOTO: @rodriguezruby & @eatbulaga19719 on Instagram

PHOTO: @rodriguezruby & @eatbulaga19719 on Instagram

Tila may laman ang sagot ni Dabarkads Ruby Rodriguez sa isang Netizen na nagtanong kung bakit hindi na s'ya nakikita sa longest noontime show na Eat Bulaga!

Ilang buwan na rin kasi nang magbalik-programa ang Eat Bulaga kahit na ang ibang hosts ay nasa kani-kanilang bahay at naka-Zoom lang.

Last September 12, matapos mag-post ang TV host-actress ng photo sa Instagram kung saan kasama n'ya ang dalawa n'yang anak na sina Toni at AJ, natanong si Ruby kung bakit absent pa rin s'ya sa show.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ruby Rodriguez (@rodriguezruby) on

Isang avid Eat Bulaga fan ang nagkomento na nami-miss na n'yang makita ang komedyanang Dabarkads; sabay tanong kung babalik pa ba s'ya sa nasabing noon-time show. 

Nagpahinga kasi ang aktres matapos ang sunod-sunod na malulungkot na pangyayari sa kanilang pamilya.

Matatandaang isinugod sa ospital ang aktres nito lamang Mayo dahil sa stomach ailments. At noong March naman ay nagluksa ito sa pagpanaw ng kanyang doktorang kapatid na si Ate Sally dahil sa coronavirus disease.

"I miss you in Eat Bulaga Ms.Rubs. Babalik ka pa ba? Sina Pia, Ryan, Allan K, ryzza Mae nakaka pitch in pero ikaw Wala! Bat Ganon?" tanong ng fan sa kanya.

Sinagot naman ito ng TV host at sinabing: "Sila tanungin mo."

SCREENSHOT: @rodriguezruby on Instagram

Ilang Netizens pa ang nagtanong sa EB Dabarkads ng same question pero hindi na nag-reply pa si Ruby na kasalukuyang nasa California kasama ang kanyang pamilya base sa kanyang latest Instagram posts 
 
Sa ngayon, wala pang tugon ang pamunuan ng Eat Bulaga patungkol sa sinabi ni Ruby sa Instagram.

 

YOU MAY ALSO LIKE: 

Ruby Rodriguez is finally discharged from the hospital after suffering from stomach pains

Pika's Pick: Anjo Yllana resigns as Eat Bulaga co-host after 21 years

Eat Bulaga bunso Baeby Baste, todo ang pasasalamat sa pagiging bahagi ng longest-running TV show sa Pinas

Pika's Pick: Alden Richards gamely does cameraman duties for Eat Bulaga's Bawal Judgmental segment

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.