Makalipas ang halos dalawang taon na namalagi s’ya sa Amerika, nagbalik na rito sa Pilipinas ang Kapuso leading man na si Tom Rodriguez.
Usap-usapan nga sa social media ang pagpo-post ng talent manager n’yang si Popoy Caritativo ng photo nila sa Instagram nitong weekend na naka-geotag sa Mandaluyong City.
“Hello, Tom! [Smiling face with smiling eyes emoji],” maikling caption ni Popoy sa nasabing IG post.
Wala naman s’yang ibinigay na detalye kung kailan dumating si Tom at kung ano na ang gagawin nito ngayong nasa Pilipinas na ito.
Samantala, kasunod ng balitang pag-uwi ng aktor ay ang tanong ng marami kung handa na ba itong makaharap muli ang nakahiwalayang si Carla Abellana.
Kung matatandaan, ilang buwan lang after nilang magpakasal noong October 2021 ay agad ring napabalita ang kanilang hiwalayan.
Ito ang naging dahilan kung bakit lumipad pa-Amerika si Tom kung saan s’ya nag-file ng divorce para maging legal ang separation nila ng aktres.
Sa kabilang banda, nasabi na noon ni Carla sa kanyang mga interview na napatawad na n’ya si Tom at ready na daw s’ya kung sakaling muling magkrus ang landas nila sa showbiz.
“Dahil nga po nasa same industry kami, pareho po kaming artista, at ’yon nga po, sa GMA pa po, ’di ba, nagkataon po. Inevitable po ’yon, of course,” pahayag ng aktres.
“Matagal ko na pong naisip ’yon, na-prepare ang sarili ko. Parang wala na po, wala na po akong nararamdaman kung sakali man po na mangyari ’yon,” saad pa n’ya.
“Ako po ay napaka-professional na tao. So, kung sakaling nasa same studio po s’ya o kunwari may show po, wala pong problema, of course. Trabaho lang po, ’di ba? S’yempre, may mga responsibilities din kami. Meron po kaming kailangang gawin. Wala pong problema ’yon,” she concluded.
YOU MAY ALSO LIKE:
Nagbabalik-alindog na si Tom Rodriguez, pa-yummy; balik-showbiz, kelan naman kaya?
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber