Tom Rodriguez, advocate na rin ng Keto Diet

PHOTOS: @akosimangtomas on Instagram

PHOTOS: @akosimangtomas on Instagram

Isa ang aktor na si Tom Rodriguez sa itinuturing na certified Kapuso hunks ng GMA-7 kaya naman isa sa inalam agad nga mga entertainment press mula sa kanya noong media day ng bago niyang show na Dragon Lady ay kung magpapakita ba ng abs ang ang Fil-Am actor sa mga paparating na episodes ng nasabing afternoon fantasy-drama.

 

“Sana umabot sa gano’n,” agap ni Tom. “Kasi ngayon nagki-keto diet na ako.”

 

Ang keto or ketogenic diet, according to healthline.com, “is a very low-carb, high-fat diet that shares many similarities with the Atkins and low-carb diets. It involves drastically reducing carbohydrate intake and replacing it with fat. This reduction in carbs puts your body into a metabolic state called ketosis.” 

 

So far ay hiyang naman daw si Tom sa keto diet. In fact, nag-avail na nga raw siya ng delivery services ng Ketos of Manila, isang food delivery service specializing in tasty ketogenic diet meals, dahil naaliw daw siya sa name nito na tila hinango sa “Titos of Manila.”

 

“So far, okey naman siya sa akin,” dagdag ni Tom. “Ang hirap lang ng daily bawas saka ’yong mga carbs talaga...”

 

Mas pinili niya raw ang keto diet kesa sa intermittent diet or fasting­—described by the same online health source as “an eating pattern that cycles between periods of fasting and eating. It doesn't specify which foods you should eat but rather when you should eat them”—dahil may nakapagsabi raw sa kanyang baka makatulong din ito sa skin allergy niya sa kasalukuyan na nag-flare up mula nang tdumating siya mula sa pagbabakasyon sa Amerika.

 

“I initially thought na since I have to prepare for a role, I have to lose weight and at the same time, it might help me with my atopic dermatitis,” dagdag tsika pa ni Tom. “’Yong allergies na meron ako…sabi nila since lately no’ng umuwi ako ng Pilipinas galing sa States, nagpe-flareup …sabi raw ang keto diet is ano… kasi carbs is ano very inflammatory…so nakaka-inflammed ’yong ano…nakakamaga ’yong mga rice…for me daw baka makatulong.”

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.