Tom, 1000% sure nang pakakasalan si Carla

PHOTOS: Allan Diones & @carlaangeline on Instagram

PHOTOS: Allan Diones & @carlaangeline on Instagram

Itinanggi ni Tom Rodriguez na may details na ang wedding nila ng nobyang si Carla Abellana, pero sinisiguro niyang hindi lang 100% kundi 1,000% sure na siyang pakakasalan niya si Carla.

“We are preparing, pero sana they let us do it in our own time. Napag-uusapan na namin ‘yong date, pero nag-a-adjust nang nag-a-adjust, eh,” bulalas ni Tom nang makausap namin kamakailan sa presscon ng horror movie niyang Maledicto.

May date na raw silang napag-usapan, pero nababago pa rin dahil sa mga bagay na kailangan nilang i-consider.

“Siyempre, pag kinasa n’yo na ’yon, wala nang atrasan ‘yon. As in it’s a big preparation, so we want to make sure na everything is ready na.”

May nabili nang lupa si Carla at toka ni Tom ang pagpapagawa ng bahay nila. Pinag-iipunan pa raw ito ng Fil-Am Kapuso hunk at hindi pa niya napapasimulan ang dream house nila.

Ani ni Tom, puwedeng mauna ang wedding kahit hindi pa tapos ang house nila.  

They trust daw the architect sa design ng magiging bahay nila, basta ang gusto lang ni Tom ay meron siyang sariling lab or garage where he can paint, draw and do his own stuff.

Thirty-one years old na si Tom at thirty-two naman si Carla. May mga showbiz couple na younger than them na nagli-live in na.

Sila ba ni Carla, hindi nila naisip na magsama na sa iisang bubong?

“We still have our own places, pero we make it a point na lagi kaming nagkikita. So, either ako ang pumupunta o kung kaya niya naman, siya ’yong bumibisita.

“Kasi, sa work natin [sa showbiz], iba, eh. Hindi tayo ’yong 9 to 5 na job. Hindi ’yong typical. Kaya minsan, kailangan din ng modernong pang-unawa.

“I still try to give respect. Siyempre, respect sa family niya, respect sa kanya rin bilang babae. Pero at the same time, nagbi-build kami ng relationship na kailangan alagaan din at ingatan.

“Hindi pupuwede na kunwari, lulong ako sa trabaho, hindi na kami magkikita, wala kaming oras para sa isa’t isa. So, we always make it a point to make time for each other.

“So, minsan kung ’yon ang paraan para magkita kami...”

Ibig sabihin, nag-i-sleepover siya sa place ni Carla para magkita sila and vice-versa?

“Oo. Pero we still keep it very respectful. Like ngayon nga, we have sleepovers. Last night, I was at her mom’s house, doon ako nakitulog kina Tita. And I love it so much that they’ve included me as part of their family,” nakangiting pakli ni Tom.

So there. Walang live in setup, sleepovers lang. Kunsabagay, kasal na lang naman kasi talaga ang kulang sa TomCar, ‘di ba?

“Yeah, as in pretty much she’s my partner,” pagsang-ayon ng guwapong binata.

More than four years na ang relasyon nina Tom at Carla, na unang nagtambal sa groundbreaking LGBT series ng Kapuso network na My Husband’s Lover no’ng 2013.

Samantala, naikuwento ni Tom na binigyan siya ni Carla ng charm bracelets para may pangontra raw siya sa bad spirits nu’ng time na sinu-shoot niya ang Maledicto (wikang Latin na ang ibig sabihin ay ‘bad words’).

First time gumanap na pari ni Tom sa horror movie na produced ng Fox Networks Group Philippines at Cignal Entertainment.
Na-excite daw si Tom na medyo offbeat ang karakter niya ritong si Father Xavi na isa ring psychologist.

Exorcist ito, pero skeptic. Ito raw ang black sheep ng kanilang parish. May kayabangan at taklesa si Father Xavi, hindi raw tipikal na paring Katoliko.
Sa May 1 ang showing in cinemas nationwide ng “Maledicto” na kasama rin sa cast sina Jasmine Curtis Smith, Miles Ocampo at Inah de Belen, sa direksyon ni Mark Meily.

Sa TV ay napapanood si Tom bilang kapareha ng bidang si Janine Gutierrez sa Kapuso afternoon series na Dragon Lady.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Tom Rodriguez, advocate na rin ng Keto Diet

Tom Rodriguez, kina-career ang pag-aaral ng Mandarin Chinese

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.