TNT Boys on bashers: “Bakit po kaya nila kailangan gawin ’yon, no?”

TNT Boys (L-R) Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, and Francis Concepcion are preparing for their upcoming concert on November 30.

PHOTO: Melo Balingit

TNT Boys (L-R) Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, and Francis Concepcion are preparing for their upcoming concert on November 30.

Dedma lang sa bashers sina Keifer Sanchez, Mackie Empuerto, at Francis Concepcion, ang mga miyembro ng international kiddie singing sensation na TNT Boys.

Sina Keifer, Mackie, at Francis ang nanalo sa huling season ng Your Face Sounds Familiar Kids, ang singing and impersonation competition ng ABS-CBN kung saan nag-viral ang karamihan sa performances ng TNT Boys. Ilan sa mga ginaya ng tatlong bata ay ang singers na sina Jessie J, Ariana Grande, at Nicki Minaj, pati na rin ang mga female groups na Wonder Girls, DoReMi, at The Supremes.

Dito nagsimula ang pamba-bash ng ilang netizens na bakla daw ang tatlong batang singer.

Pero ayon kay Keifer, ang eldest member ng grupo, hindi daw nila pinapansin ang mga alegasyon tungkol sa kanilang preference.

“Binabasa lang po namin. Parang wala lang,” paliwanag ng 13-year-old singer sa press.

Agad naman itong dinagdagan ng 13-year-old na si Mackie, na nagsabing: “Bakit po kaya nila kailangan gawin yon, no? Daming hate sa mundo.

Ayon pa kay Mackie, hindi daw sila nagre-reak sa mga alegasyon dahil “hindi naman po talaga kami gano’n.”

“Bakit po kami magre-react e di naman po kami ganon?”

Patawang dagdag niya, “E di wow!”

Nakausap ng press ang TNT Boys kahapon sa presscon para sa kanilang paparating na concert, Listen: A Big Shot Concert, na gaganapin sa Araneta Coliseum sa November 30.

Makakasama nila dito si Jed Madela, Vice Ganda, at ilan sa mga batchmate nila mula sa Tawag ng Tanghalan kung saan una silang nakilala bilang individual singers.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

WATCH: TNT Boys, nagpasikat sa presscon ng kanilang upcoming world tour!

WATCH: TNT Boys luckily share the stage with Ariana Grande

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.