Tirso Cruz III, tuloy ang trabaho kahit nagdadalamhati

For Tirso Cruz III, “the show must go on.”  Here he is (fourth from left) with the rest of the cast of Jack Em Popoy: The Puliscredibles namely (L-R):  Baeby Baste, Ryza Cenon, Mark Lapid, Vic Sotto, Maine Mendoza, Coco Martin, PJ Endrinal, and Ryzza Mae Dizon.

PHOTOS: Anna Pingol

For Tirso Cruz III, “the show must go on.” Here he is (fourth from left) with the rest of the cast of Jack Em Popoy: The Puliscredibles namely (L-R): Baeby Baste, Ryza Cenon, Mark Lapid, Vic Sotto, Maine Mendoza, Coco Martin, PJ Endrinal, and Ryzza Mae Dizon.

Hindi lang sa pagiging mahusay na artista kilala ang actor na si Tirso Cruz III. Kilala rin siya bilang isa sa mga pinaka-professional at sa husay makisama sa lahat ng tao sa indusrtiya ng showbiz kaya naman paborito siyang bigyan ng trabaho ng top two TV networks at maging ng mga film producers.

 

Isa sa pagpapakita niya ng pagiging professional at real trooper ay ang pagdalo niya ng media conference ng pelikulang Jack Em Popoy: The Puliscredibles noong December 6, eleven days after his son TJ’s cremation.

 

Sa kabila ng pagdadalamhati dahil sa pagpanaw ng anak na si TJ, pilit pa ring ginagampanan ni Tirso ang commitment niya sa Metro Manila Film Festival 2018 entry na Jack Em Popoy, kung saan nagsanib ng puwersa sina Vic Sotto at Coco Martin, at may bonus pang Maine Mendoza.

 

Ayon kay Pip, bansag kay Tirso sa showbiz, “the show must go on,” at hindi raw dapat pinaghahalo ang personal sa trabaho. At napangatawanan niya ito hindi lang noong araw ng media conference kundi sa kabuuang proseso nang paggawa ng nasabing pelikula dahil habang kasagsagan ng shooting niya sa Jack Em Popoy ay palihim niyang nilalabanan ang lungkot dahil kasalukuyan ding lumalaban para sa buhay niya si TJ sa isang pribadong ospital.

 

Matatandaang noong November 21 ay ginulantang ang showbiz ng balitang sumakabilang buhay na ang panganay na anak ni Tirso at ng asawang si Lyn Ynchausti na si TJ dahil sa lymphatic cancer.

 

Kaya naman sa nabanggit na media conference, hindi naiwasang makumusta ng mga members of the press ang estado ng emosyon ng magaling na aktor.

 

Eto ang kanyang naging sagot:

 

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.