Tiffany Grey, suportado ng Amboy boyfriend sa kanyang pagpapa-sexy sa movies

Wala raw awkwardness sa businessman na si Errol Alegre nang mapanood nito ang mga sexy scenes ng girlfriend niyang si Tiffany Grey.  "Kanina, pag may mga bed scenes, ganyan, sabi ko, ‘Wag ka manood. Wag manood. Don’t watch.’  Sabi n’ya, ‘Hindi, manonood ako. Ang ganda mo… I’ll watch you. You’re so beautiful.’ Hahaha!" lahad ni Tiffany.

PHOTO: Anna Pingol

Wala raw awkwardness sa businessman na si Errol Alegre nang mapanood nito ang mga sexy scenes ng girlfriend niyang si Tiffany Grey. "Kanina, pag may mga bed scenes, ganyan, sabi ko, ‘Wag ka manood. Wag manood. Don’t watch.’ Sabi n’ya, ‘Hindi, manonood ako. Ang ganda mo… I’ll watch you. You’re so beautiful.’ Hahaha!" lahad ni Tiffany.

Happy at kampante ang sexy-drama actress na si Tiffany Grey dahil suportado ng boyfriend niyang si Errol Alegre ang kanyang pagpapa-sexy sa pelikula.

Kagabi nga, August 9, ay kasama niya itong um-attend sa special screening ng sexy-suspense-thriller movie niyang "Kamadora" sa Quezon City.

Bagamat Pinoy by blood, born and raised daw sa US territory na Guam ang nobyo niyang businessman. At biro nga ni Tiffany, uuwi na raw sana doon si Errol pero napurnada dahil nagkakilala sila. 

"Taga-Guam s’ya. Pure Filipino s’ya pero doon s’ya lumaki, doon s’ya tumira. Parang gusto na nga n’yang bumalik pero hindi s’ya nakabalik kasi nga nagkakilala kami. Char! Hahaha!" natatawang sabi ni Tiffany.

Kung ang ibang d'yowa ay hindi pinapanood ang mga sexy movies ng kanilang celebrity sweetheart, iba raw si Errol dahil talagang pinanood niya ang mga daring na eksena ni Tiffany at hindi umano ito nakaramdam ng awkwardness.

"Kanina, pag may mga bed scenes, ganyan, sabi ko, ‘Wag ka manood. Wag manood. Don’t watch.’  Sabi n’ya, ‘Hindi, manonood ako. Ang ganda mo… I’ll watch you. You’re so beautiful.’ Hahaha!" lahad niya. 

Lalong na-in love? Biro namin.

“Opo. Hahaha,” hirit naman niya.

Pagmamalaki pa ng Cebuana beauty, napaka-supportive daw ni Errol sa work niya bilang artista kahit na bago pa lang silang magkarelasyon.

"Super supportive n’ya po. Wala talaga s’yang reklamo. Actually, s’ya po ’yong nagpu-push sa akin sa career ko. S’ya talaga. S’ya ’yong nagmo-motivate sa akin and all," pagtatapos n'ya. 

Si Tiffany ang bida sa Kamadora na siya ring nagsisilbing launching movie niya sa Vivamax. 

Napasabak sa matinding aktingan at pagpapaka-daring dito si Tiffany bilang isang babaeng dumanas ng sangkaterbang pasakit sa buhay, dahilan para maging tough and ruthless na rin siya para hindi na mapagsamantahan ang perceived niyang kahinaan.

Kasama rin sa pelikulang ito ni cult director Roman Perez, Jr. sina Victor Relosa, Armina Alegre, Junjun Quintana, at marami pang iba.

Available for streaming na ang Kamadora simula bukas, August 11, only on Vivamax.

Vivamax is available at web.vivamax.net. You can also download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, and Huawei AppGallery.

Subscription options include: P29 (unli-watch all Vivamax titles for three days); P149/month; and P399 for 3 months for bigger savings. 

You can also cast your screen from your device to Smart TV with Google Chromecast or Apple TV.

Vivamax is also now available for Pinoys in the Middle East—UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar—for only AED35/month; in Europe for only 8 GBP/month; and Asia (Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore).

Meron na ring Vivamax for Pinoys in Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, US, and Canada.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.