This Band, solid daw ang relasyon kaya malabong ma-disband

This Band members include (seated, L-R): Rhythm guitarist Euwie von Loria, drummer John Macaranas, lead singer Andrea Mazano, guitarist Raymart Gubat, keyboardist Melvin Carson, and (standing, back) bassist Miccael Galvan.

Photos: Viva Records

This Band members include (seated, L-R): Rhythm guitarist Euwie von Loria, drummer John Macaranas, lead singer Andrea Mazano, guitarist Raymart Gubat, keyboardist Melvin Carson, and (standing, back) bassist Miccael Galvan.

Pag genuine ang talent, aangat at aangat. Isa ang six-member group na This Band sa patunay niyan.

Taong 2017 nabuo ang grupo na itinatag ni guitarist songwriter Euwie von Loria at kumanta-kanta sa isang food park sa Las Piñas. May nahanap daw na ibang trabaho ang lead singer nila that time kaya nagka-slot for now-lead singer Andrea Manzano na pinag-jam lang nila pero pasok kaya naging permanente na.

Gaya ng ibang upstart bands, pa-gig-gig lang sila until magtala ng 50M streams sa Spotify ang giant hit nilang “Kahit Ayaw Mo Na” na talaga namang napaka-catchy.

That was in 2019. Dumami raw ang gigs nila dahil doon.

“Pagod kami kaka-gig,” natatawang recall ng band founder na si Euwie na siya ring chief composer ng This Band nang makausap namin via Zoom para sa promo ng new single nilang “Wala Ka Nang Magagawa.”

Na-catch din nila ang attention ng young Viva Records boss na si Verb del Rosario, who immediately signed them up. At ang “Kahit Ayaw Mo Na” ay ginamit ng Viva ng title at theme song ng isang hugot movie noong 2018.

By 2019, masasabing sila ang biggest band sa Pilipinas at patuloy silang humahataw.

Sa ngayon, meron ng 103 million streams on Spotify alone—and 140M streams with YouTube combined—ang “Kahit Ayaw Mo Na.”  Pero hindi sila masasabing one-hit wonder dahil ang single nilang 

“Hindi Na Nga” registered  74 million streams; habang ang “Di Na Babalik” has 42 million streams both on Spotify.

Milyunan ang usapan. Wala pa diyan ang music at lyric video views sa YouTube.

Sapul na sapul kasi ng mga wasak-puso lyrics—coupled with catchy melodies—ng mga kanta nila ang pagka-emotero at emotera ng Pinoy listeners. (Pero balita namin, may isang Japanese singer nang nag-cover ng song nilang “Kahit Ayaw Mo Na” in Japanese.)

Happy daw ang lovelife ni Euwi Von Loria, ang nagsulat ng karamihan sa mga kanta nila kaya hindi masasabing sawi siya. 

“’Yong mga songs, hindi siya [nasulat] dahil nasaktan o me nangyari na naman sa relationship ko,” natatawa pa ring tsika niya. “Mga past experiences naman siya na nire-recall ko lang, gagawan ko ng story, ng words...mapupunta sa lyrics, magiging melody, hanggang sa maka-form ng music.”

Pero dahil nga very successful ang banda nila, natural lang na may mga conflicts din sila, especially creatively, bilang lahat sila ay mukang apaw sa creative juices.

Kaya ang tanong namin ay kung gaano ka-solid ang friendship ng grupo para hindi sila humantong sa from This band to disbanded.

“Masasabi kong solid ’yong friendship ng band since kaya namin ang punahin ang mali ng isa’t isa,” paliwanag ni Euwie. “Mali ko, mali ng kahit sino sa amin...Kasi do’n mag-i-start ang magandang communication. Hindi mo kikimkimin ang sama ng loob mo. I-o-open mo sa kanila. Malaking factor ’yong communication.”

Nag-agree naman si Melvin Carson, ang keyboardist ng tropa. “Sobrang laking factor na very open at transparent kami...Hindi madali na parang may iko-correct ka na someone pero sobrang laki ng factor para mag-grow ang isang relationship or family...So strong [kami]!”

Naniniwala naman kami dahil kahit pandemic ay nakabuo sila ng kanilang debut album—ang Wag Matakot—with the carrier single na “Wala Ka Nang Magagawa.”

According kay John Macaranas, ang drummer ng This Band, all new songs daw ang kasali sa album at may mga bagong input o in-explore silang tunog dito na may pagka-R&B-ish at jazzy.

Exciting!

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Viva Records’ “huling hirit” for the month of April includes new releases from Karencitta (ft. DJ Loonyo), This Band, Arthur Nery, Gian Magdangal, and more!

This Band, Jae K, Migo Valid, and more release new tracks under Viva Records

Nagbabalik-Viva na si Jay Manalo, miyembro pala dapat ng US Navy kung hindi naiwan ng barko

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.