The Vice Ganda Network, na binuo para magpasaya at makatulong, ila-launch na sa July 24!

“No’ng tin-ray namin for the first time ’yong Gabing Gabi na Vice, 50 thousand viewers ’yong nanonood sa amin no’ng sinimulan namin. Tapos no’ng as I ended the video, more than one millions  viewers ang nanood sa amin tapos 1.5 million comments sa loob ng isa’t kalahating oras! Sabi ko, ang lala naman nito? So, might as well do it regularly para nakaka-aliw...para naaliw ko pa rin ’yong audience ko.”

Photos: Xander Angeles for The Vice Ganda Network

“No’ng tin-ray namin for the first time ’yong Gabing Gabi na Vice, 50 thousand viewers ’yong nanonood sa amin no’ng sinimulan namin. Tapos no’ng as I ended the video, more than one millions viewers ang nanood sa amin tapos 1.5 million comments sa loob ng isa’t kalahating oras! Sabi ko, ang lala naman nito? So, might as well do it regularly para nakaka-aliw...para naaliw ko pa rin ’yong audience ko.”

Hindi first time na magbubukas ng website ni Vice Ganda. In fact, isa siya sa mga celebrities na nagkaroon ng social media team para ayusin ang contents ng dati niyang website na viceganda.com. 

Pero dahil aminadong mabusisi, hindi pa rin p’wedeng lapag lang nang lapag ng materyales nang hindi dumadaan sa kanya. Pero sa dami niyang ginagawa noon, aminado siyang napabayaan niya ito kaya hindi rin nag-prosper. In fact, kung hindi raw nagka-lockdown ay may concert tour pa sana siya sa iba’t ibang bansa.

Ang lockdown ang nag-pave ng way para muling asikasuhin ng unkabogable star ang pagpapa-bongga ng mga social media platfoms niya na iko-consolidate sa binuo niyang The Vice Ganda Network (TVGN).

“No’ng nagkaroon ng lockdown, ang dami kong gusto gawin na hindi ko magawa kasi wala namang...una, hindi kami nakaka-ere sa [It’s] Showtime at that time dahil lockdown nga,” panimulang paliwanag ni Vice sa grand Zoom press conference para sa launch ng The Vice Ganda Network. “So, kailangan kong makahanap ng paraan kung paano makaka-reach out sa audience.”

Iyon din naman umano ang directive sa kanila ng mga bosses nila sa ABS-CBN noon gaya ni COO for Broadcast na si Cory Vidanes. 

“‘You still have to find a way reach out to your audience. Hindi kayo p’wedeng mawala kayo sa kamalayan nila at hindi p’wedeng hindi n’yo ma-serve ’yong purpose na sine-serve n’yo dati sa kanila.’ So the only way is through digital.”

Testing lang umano ang pakay niya noon kaya niya naisipang mag-Facebook Live session. Pero dahil sa ganda ng response, na-inspire siyang gawin na itong regular show sa Facebook.

“During the lockdown, especially when ABS was not airing, parang a lot of people migrated to digital. So I stared doing a test broadcast. Although nagpe-Facebook Live ako before once in a  while...sobrang limit,” patuloy na k’wento ni Vice sa back story ng The Vice Ganda Network.

“So, tin-ray ko kung bongga ang ganap sa Facebook Live kasi marami akong nakikitang nagla-live. Tapos no’ng nag-test broadcast ako, ’yong wala lang, nasa kuarto lang ako, kausap ko lang si MC [Mwah], thousands of viewers—30 thousand viewers, 20 thousand viewers...sabi ko, ang dami namang nanonood. Sabi ko, parang bakit di kaya ako mag-show? So, tin-ray namin ’yong GGV [Gabing Gabi na Vice], parang laru-laro lang...

“No’ng tin-ray namin for the first time ’yong Gabing Gabi na Vice, 50 thousand viewers ’yong nanonood sa amin no’ng sinimulan namin. Tapos no’ng as I ended the video, more than one millions  viewers ang nanood sa amin tapos 1.5 million comments sa loob ng isa’t kalahating oras! 

“Sabi ko, ang lala naman nito? So, might as well do it regularly para nakaka-aliw...para naaliw ko pa rin ’yong audience ko. Kasi walang way, e. Hinanap nila ako sa TV, naghahahap sila ng good vibes na ibibigay ko sa kanila but there was no way. So, eto ’yong paraan.

“And then, sabi ko nga, ang dami p’wedeng i-explore sa digital world. Eto ’yong challenge kasi ngayon ng new normal...’yong challenge ng lahat ng nangyarari sa paligid...we as artists definitely have to find our ways to reach out to our audience and serve our purpooe to them. So, this is my way of doing so.”

The Zoom press conference for The Vice Ganda Network was held last July 20 and was attended by more than 30 press people and vloggers, including regional reporters from Visayas and Mindanao

 

Sa darating na Biyenes na, July 24, ang grand launch ng The Vice Ganda Network through www.viceganda.com.ph. Dito mapapanood ang first salvo ng TVGN, ang mas pina-gandang weekly show na Gabing Gabi na Vice. 

As TGVN goes along, unti-unting maglo-launch si Vice na iba pang mga shows.

“Maraming dapat abangan sa The Vice Ganda Network,” pagmamalaki ni Vice. “It’s all about good vibes. Marami akong content na ipo-post na nagwi-wish na makapagpasaya ng mga manonood. Maraming bagong digital programs na gagawin ako na magpapatawa sa inyong lahat. Meron nga ’yong Gabing Gabi na Vice, the usual late night talk show. Tapos ’yong Prize Ganda, game show na gagawin natin.

“Tapos meron din akong sitcom na binubuo, kami ng mga bakla. Tapos ano pa ba? May documentary din akong ilalabas...marami, Surprise ko kayo. Every now and then click ninyo itong site. Tuwing papasok kayo sa The Vice Ganda Network, meron kayong makikita. ’Yon ’yong promise namin sa mga magiging subscribers namin.

Itinatalaga na nga raw niyang “studio” ang townhouse niya sa Quezon City, habang sa bahay naman niya, na nasa loob ng isang QC village, ay may isang kuwarto na ring ikinonvert para maging “studio.”

Bukod sa pagpapaligaya ng audience, aim din ni Meme Vice (tawag sa kanya ng malalapit ng kaibigan at mga fans) na makatulong din sa mga displaced bekis na komedyante kaya niya binuo itong The Vice Ganda Network.

“Ang vision ko lang talaga is very simply, very basic...to serve my purpose,” dagdag tsika ni Vice. “To make the people happy, to make my audience happy...’yon lang ang lagi kong dapat ano, maging compass, ’yon lang ang lagi kong gauge sa lahat ng gagawin kong desisyon...will this make the audience happy, will this make the people happy? ’Yon ang kailangan kong gawin. ’Yon talaga ang major objective. E, walang TV, diba? Very limited na ’yong naging platform, hindi p’wedeng mahinto doon, e. I have to find a way.

“Second, ang una kasi talagang naisip ko na bahagian nitong project na ito, e ’yong mga bakla, mga stand-up comedians...kasi hindi pa man nagkaka-problema ang ABS-CBN, na-hit na talaga ang mga komenyante; ’yong live performances nawala; ang mga comedy bars, nagsara —at hindi ko nakikitang magbubukas soon kasi non-essential siya... at hindi rin naman p’wede na ’yong mga gatherings ng maraming tao...so nawalan ng hanapbuhay ang napaka-raming komedyante na ang sakit sakit sa puso ko no’n...

“E, and most of them, mga anak-anakan ko...parang hindi p’wede...hindi p’wedeng hahayaan ko lang silang gano’n. So, naisip ko ’to na mabigyan ko sila ng platform na makapag-perform pa ulit... bukod sa nagagawa nila ’yong passion nila, karagdagang kita para sa kanila, para doon sa mga bakla...kasi ang hirap, e...ang hirap ’yong isang iglap...alam mo ’yong para kang na-stroke, ’yong ang dami mong kayang gawin tapos isang araw nagising ka na-stroke ka, hindi mo kaya ’yong mga ginagawa mo kasi na-paralyze yong kalahati ng katawan mo. ’Yong gano’n?”

Ani Vice, marami raw siyang mga beki friends na dumaranas ng depression at tila gusto nang sumuko sa buhay. Hindi man daw niya mabitbit lahat, kahit paano ay makatulong man lang sa ilan sa mga ito.

Awang-awa ako sa mga bakla,” patuloy ni Vice. “Ang dami sa kanilang down na down...depressed na depressed, nababasa ko sa Facebook...

“No’ng lockdown nga, almost every night meron akong kailangang tawagang na bakla kasi na-bother ako sa post niya sa Facebook...’yong gano’n. Sobrang nag-aalala ako para sa kanila. Isa itong paraan para mai-ahon ko sila doon sa kawalan ng pag-asa na wala na silang magagawa, na hindi na nila magagawa ’yong ginagawa nilang pagpapatawa na mahal na mahal nila.”

Kagaya nating lahat, nagdadasal si Vice na matapos na ang pandemya at nang makakilos na nang normal. Pero gaya ng lahat, major adjust din sa Vice sa pagharap sa new normal. Aniya, naninibago pa rin siya sa limited na kilos on-cam lalo na kung pang-social media, kumpara sa mga balyahan umano nila sa live show ng It’s Showtime noon. Maski sa mga binubuo niyang shows para sa The Vice Ganda Network, bawal pa rin ang mga “harutang” tatak-Vice. Moreover, miss na niya ang live audience. But he says he’s up for the challenges na dala ng new normal.

“I miss the old Showtime in general, doing the show with the live audience, ’yong madlang people, ’yong energy ng madlang people. Nakaka-miss ’yon.... sobrang nakaka-miss ’yon. Ibang klase ’yong nagso-Showtime kami ng walang audience. Hindi mo alam kung havey ka o waley kasi walang nagre-react. ’Yong ganu’n? Hindi mo malaman kung okey ’yong ginagawa mo o hindi.

“Pangalawa, ’yong hindi kami makapag-bugbugan nila Vhong [Navarro], nila Jhong [Hilario]... hindi nila ako masaktan. Nami-miss ko ‘‘yong naghahabulan kami, nagtutulakan kami...’yong physical hosting namin na ginagawa, name-miss ko ’yon. It’s never the same. The fun is never the same. Ang layo, e. Sobrang layo lahat. Nakaka-miss lahat. Nakakalungkot pag naiisip mo. Pero we have to take the challenge. We have to survive this challenge. Okey na okey ako doon.”

Sa Zoom press conference, ipinaalam din ni Vice na ang Viva ang katuwang niya sa pagbuo at sa pagma-market ng The Vice Ganda Network. Hindi na raw niya inaligaga ang mga taga-ABS-CBN lalo pa’t may kinaharap na malaking problema ang mga bosses niya doon habang binubuo niya ang konseptong ito. Aniya, may basbas ng ABS-CBN ang pakikipag-collab niya sa kanyang other family, ang Viva.

“Kasi Viva ang manager ko sa endoserements,” paliwanag ni Vice. “Kumbaga ang manager ko sa endorsements ko, Viva and ABS. Magkatulong silang dalawa. Kaya no’ng ginawa ko ’to, kailangan ko ng tutulong din sa akin sa marketing. E, at that point, di ko naman p’wedeng...s’yempre bising- bisi ’yong network [ABS-CBN], meron silang malaking pinagkaka-abalahan na alam na naman natin. 

“Ayoko nang gumalgal...maki-dagdag pa ako sa ipapa-isip ko sa kanila. Kaya itong Viva ang katulong ko sa pagma-market ko nitong mga contents.”

Sa mga gustong unang maka-alam ng initial contents at pasabog ng The Vice Ganda Network, register at www.viceganda.com.ph

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.