Newest Kapuso artists na ang The Clash Season 4 grand winner Mariane Osabel at ang runner-up na si Vilmark Viray. Parehong silang pumirma ng exclusive contract with GMA Music at sa Sparkle GMA Artist Center noong nakaraang March 3.
Kasama sa nag-welcome kina Mariane at Vilmark na virtual contract signing event and media conference sina GMA Music Officer-in-charge and Marketing Services Manager Michelle Reyes, GMA Music Artists and Repertoire Manager Kedy Sanchez, and GMA Music Artists and Repertoire Officer and In-house producer Paulo Agudelo.
"It was a heartwarming event where gratitude and appreciation reigned,” ayon kay Michelle Reyes. “We’re very excited to have Mariane and Vilmark in our growing roster sa aming GMA Music family and, right now, we are looking for songs na babagay sa kanila and we’ll give them justice. Alam mo naman very talented ’yung mga ‘yan e, kaya congratulations to Mariane and Vilmark.”
Present din sa naturang virtual event sina GMA Senior Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, Sparkle GMA Artist Center Consulting Head for Talent Imaging and Marketing Lawrence Tan, and Sparkle GMA Artist Center Senior Talent Manager Vic Del Rosario.
Ayon sa mga GMA executives, perfect examples daw sina Mariane at Vilmark sa mga kabataan ngayon na huwag magpapatalo sa kabiguan at ipagpatuloy ang gusto nilang maabot na pangarap sa buhay.
Tulad ni Mariane na isang Environmental Engineer Technology graduate from Mindanao State University, ilang singing contests na ang kanyang sinalihan at minsan na rin siya na-trauma sa isang nasalihan niya. Pero hindi raw iyon naging dahilan para talikuran niya ang matagal na niyang pangarap na maging isang professional singer.
Kuwento ng 24-year old Singing Siren from Iligan City: “Before The Clash, I was a fresh graduate at nasa on-the-job training ako sa isang manufacturing plant. Tinatanong ko sa sarili ko kung ito ba ang gusto kong gawin sa buhay ko? Parang hindi ito ang para sa akin. My dream was really to sing. Sumasali ako ng mga singing contest simula pa noong Grade 3 ako. Dapat na matupad ko ang pangarap kong maging singer talaga."
Isa sa malaking influences daw sa pagiging singer ni Mariane ay ang kanyang Kuya Arne na sumailalim sa isang kidney transplant. Ang kanyang kuya raw, na isa ring kontesero noon, ang nag-push sa kanya na ituloy ang pangarap nilang dalawa na maging singer.
"Si Kuya Arne po ’yung unang sumasali sa mga singing contest,:” kwento ni Mariane. “Bata pa lang ako, napapanood ko na siyang kumanta kasi iyon ang pangarap niya. Siya rin ang unang mentor ko sa music. Noong magkasakit siya, sinabi niya sa akin na ipagpatuloy ko ang pangarap naming dalawa. Hindi ko naman siya binigo. Hindi kami nawalan ng pag-asa. Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya at narating ko itong pangarap namin."
Si Vilmark naman ay isang licensed electronics engineer with a master's degree mula sa Mapua University. Isa ring kontesero si Vilmark at sumali raw siya sa The Clash para matupad ang goal niya na maging isang singer.
Kuwento pa ng Kulot Crooner ng Pampanga na sinunod muna daw niya ang kahilingan ng kanyang mga magulang na maging isa isang engineer. Noong matupad na niya iyon, ang pangarap naman daw niya ang sinunod niya.
"After fulfilling my parents' wishes, ’yung gusto ko naman ang sinunod ko. Nakikita ko ang sarili ko na nagpe-perform sa stage tulad ng idol kong si Sam Smith. Sinuong pa namin ang baha sa lugar namin para lang makarating ako sa audition ng The Clash. Gano'n ako kapursigido sa aking pangarap."
Kahit na na-eliminate si Vilmark, nagpapasalamat siya sa “Clash Back” dahil nabigyan ulit siya ng pagkakataong lumaban.
"Noong magkaroon ako ng chance na makabalik sa The Clash after akong ma-eliminate, mas ginalingan ko pa dahil mahal ko ang pagkanta. Kaya inawit ko ’yung ‘I Believe I Can Fly’ kasi naniniwala akong kaya ko pang lumaban. Sinasabi ko nga parati sa sarili, 'Just try. You will just regret it if you don’t try. Conquer your fears.'"
Regular performers na sina Mariane at Vilmark sa All-Out Sundays ng GMA. Sasabak na rin sila sa ilang musical events at may pagkakataon silang umawit ng theme songs ng mga future teleserye ng GMA Afternoon Prime at GMA Telebabad.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber