The Clash champion Jessica Villarubin, na-bully dahil sa kanyang hitsura noon; proud “retokada” ngayon

PHOTOS: @jessicavillarubin on Instagram

PHOTOS: @jessicavillarubin on Instagram

Hindi daw ikinahihiya ng Kapuso singer na si Jessica Villarubin na sumailalim s’ya sa enhancement procedure matapos n’yang mawala ng ilang linggo sa musical-variety show na All-Out Sundays (AOS).

Nitong linggo, March 14, ginulat ng The Clash Season 3 champion ang kanyang mga fans with her brand-new look nang mag-perform s’ya sa AOS

At sa online show na Kapuso Showbiz News na in-upload sa YouTube that same day, sinabi ni Jessica na ang purpose ng kanyang “pagpapaayos” ay para mas ma-boost ang kanyang self-confidence. 

K’wento n’ya, palagi daw kasi s’yang nabu-bully noon dahil sa kanyang hitsura na muntik na daw maging dahilan para itigil n’ya ang pagkanta at pagsali sa mga singing competitions.

Hindi ko alam ha pero nakikita ko, pag maganda ka iba ‘yong trato sa’yo ng mga tao. Pero pag hindi parang… Ewan ko,” lahad ng tinaguriang “Power Diva” ng Cebu. 

‘Yong bullying po na naranasan ko noon grabe din ‘yong epekto sa akin,” pagbabalik-tanaw n’ya. “Parang na-low ‘yong confidence ko. Parang ayaw ko na ngang kumanta, e. Parang ayaw ko na lang kumanta kasi palagi na lang sinasabi na maganda ‘yong boses ko pero ‘yong mukha ko hindi. 

Dapat daw total package. Dapat daw pag may talent ka dapat maganda ka din para ano talaga. ‘Yon ‘yong mga naririnig ko dati pa.

Imbes na panghinaan ng loob, mas iniisip na lang daw ni Jessica ang mga taong nagmamahal sa kanya, ang kanyang pamilya. S’ya ang bunso sa kanilang siyam na magkakapatid at bukod tanging nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kanyang pagkanta.  

Pino-focus ko na lang po ‘yong self ko sa mga taong nagmamahal sa akin. S’yempre, ‘yong family ko, ‘yong mga taong nakakaalam talaga kung sino ako,” sey n’ya sa online show. 

‘Yong iba kasi, hindi nila alam kung sino ka. Parang nagdya-judge lang sila sa physical appearance mo. And gusto ko i-emphasize sa mga tao na hindi tayo dapat mag-judge sa kaanyuan ng isang tao. Sana alamin mo kung sino sila [at] kung ano ang pinagdaanan nila sa buhay.

Pasalamat na lang din daw ang Cebuana singer na strong ang kanyang personality at hindi s’ya nagpadaig sa mga panunukso sa kanya. 

“So ‘yong naging epekto nito sa akin, ‘yon nga wala akong confidence sa sarili ko,” pagpapatuloy pa n’ya. “Nahihiya ako kumanta. I’m very thankful naman po na parang strong din ‘yong personality ko… Natutunan ko pong mahalin lalo ‘yong sarili ko.

Bagama’t matagal na daw n’yang pangarap na magpa-enhance ng kanyang histura, matagal din daw n’ya yon pinag-isipan lalo na noong nasa harap na n’ya ang opportunidad para isakatuparan ‘yon. 

Alam n’yo po, pinag-isipan ko talaga s’ya nang matagal kung gagawin ko s’ya o hindi,” pag-amin pa ng 25-year-old Kapuso star. “Noon pa man nasa isip ko na s’ya na parang gusto ko… Nu’ng high school hanggang college, hanggang nag-work ako. 

Parang naisip ko na din na gusto ko. Pero not really 100 percent na gusto ko talaga. Kasi mahirap din na gawin mo ‘yon kasi maiiba ‘yong mukha mo. Dapat buo ‘yong loob mo na gagawin mo ‘yon.

At nang tanghalin s’yang grand champion sa third season ng The Clash last December 20, 2020 ay doon na daw s’ya tuluyang nag-decide na itutuloy na ang nabinbing pagpapa-enhance. Ngayon daw kasi ay humaharap na s’ya sa camera at napapanood na sa TV. 

“So nag-decide ako nu’ng after nang pagkapanalo ko [sa The Clash],” pagre-recall ni Jessica. “Naisip ko na mag-go na talaga ako. Buo na ang loob ko. Ang reason ko talaga is I want to be more confident with myself. 

“Confident naman ako pero may konti pa ring… Nahihiya, ganu’n. Kaya ginawa ko s’ya kasi gusto ko maging confident at gusto ko maging responsible. Kasi ‘yong work ko ngayon, ‘yong career ko parang nasa harap ko ‘yong camera.”

Masaya naman daw s’ya sa naging resulta ng pagpapa-enhance n’ya sa tulong ng celebrity doctor na si Dr. Vicki Belo.  

“I really feel great and happy sa naging resulta nu’ng enhancement ko,” aniya. “And ngayon, feeling ko ang ganda ko. Hahaha! Parang hindi na ako nako-conscious sa camera pag nagpi-picture ako. Kasi noon nahihiya ako, e.

Aware din daw s’ya na hindi nawawala ang mga nambu-bully online pero dedma na daw s’ya dito. Ang mahala daw sa ngayon ay masaya s’ya sa buhay n’ya. 

Para sa akin po, ‘yong bullying hindi naman mawawala ‘yan,” pahayag pa ni Jessica. “S’yempre, ngayong nagpa-enhance ako, may mga tao na siguro hindi naging masaya sa naging desisyon ko. ‘Yong iba naging masaya din. 

Hindi naman po natin mapi-please lahat ng tao. ‘Yong bullying talaga nasa tao na ‘yan, e… Basta ang importante po masaya ako ngayon.

Hindi rin daw s’ya mapipikon at wala din daw epek sa kanya kahit ma-tag pa bilang isang “retokada.” 

“I’m very proud na nagpa-enhance ako sa sarili ko,” lahad n’ya. “Kasi ito naman ‘yong gusto kong gawin sa sarili ko and it makes me happy. So kahit sabihin nila na retokada ako, sasabihin ko, ‘Opo. Nagpa-enhance po ako.’ 

Buong loob ko po ‘yong tatanggapin kasi ‘yon naman po ‘yong ginawa ko sa sarili ko. Hindi po ako mao-offend,” pagtatapos ni Jessica.

We're happy for you, Jessica!

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Lani Misalucha reveals having infection that caused deafness on her right ear

Ang cute na reaksyon ni The Clash Season 2 Grand Winner na si Jeremiah Tiangco nang tanungin about the prizes he won

Julie Anne San Jose, balik-teleserye after two years

Rayver Cruz, ipinasilip ang bagong bahay na regalo sana niya sa yumaong ina

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: https://www.facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: https://twitter.com/pikapikaph

Instagram: https://www.instagram.com/pikapikaph/

YouTube: https://www.youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: https://tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.