Sabay na nag-release ng kanilang mga bagong singles ang mga Sparkle artists na sina Jeniffer Maravilla at Psalms David. Kapwa sila naging contestants ng reality-singing contest ng GMA na The Clash.
Ang tinawag na Whistling Diva ng The Clash Season 2 na si Jeniffer Maravilla ay inawit ang single na "Alimuom" na nag-hit sa #2 spot ng iTunes Philippines.
Ang nag-compose ng "Alimuom," na tungkol sa "healing and being optimistic despite all the challenges and hardships in life," ay si Ann Margaret Figueroa.
“Sobrang grateful ako sa aking GMA Playlist family," lahad ni Jennifer. "Medyo bago po itong genre na gusto namin gawin kaya nagpapasalamat ako sa pagsugal nila sa akin para sa ganitong klase ng music. Sobrang nagpapasalamat talaga ako sa kanila.
"Alimuom ay ang pag-usbong ng amoy ng lupa pagkatapos ng ulan na parang it symbolizes hope. Hindi talaga nawawala ang pagiging hopeful ng mga tao even if they encounter difficulties," esplika pa niya ukol sa symbolism ng kanyang single. "In terms of pagiging relatable, I think lahat naman tayo may pivotal moments and itong song na ‘Alimuom’ is relatable sa moments na pabitaw ka na pero blessing in disguise pala siya.
“‘Yung kagustuhan ko po na mag-release ng ganitong genre ay nagsimula pa po noong The Clash days ko. Doon ko na-realize na maganda sigurong makakarinig tayo sa mainstream or sa radyo ng mga tunog at instrumentong sariling atin. Nu'ng pinarinig sa akin ‘yung demo ng song, na-feel ko ‘yung uniqueness ng kanta.”
Kung meron daw siyang gustong maka-collaborate sa isang song, choice niya si Julie Anne San Jose.
“Since nakatrabaho ko si Ms. Julie Anne San Jose sa Maria Clara At Ibarra, at sa The Clash days, na-aappreciate ko na siya as an artist pero ngayon mas na-appreciate ko pa siya nu'ng nakatrabaho ko siya ulit sa isang teleserye. Nakita ko 'yung puso niya bilang isang aktres. Habang nakikita ko si Ms. Julie sa pagganap niya ng Maria Clara, mas na-inspire ako. So, if given the opportunity, sana maka-collab ko siya balang-araw."
Ang The Clash Season 1 alumnus and singer-composer na si Psalms David naman ay nag-release ng kanyang single under GMA Music titled "Ride" na nag-debut at #5 sa iTunes PH's Top 100 Songs at napasama sa Spotify's Fresh Finds Philippines playlist.
“Thank you, GMA Music, for giving me the chance to show my artistry to everyone," ani Psalms. "Sobrang excited po akong marinig ninyo itong 'Ride' kasi paborito ko po itong kanta na ito and excited po akong malaman 'yung reviews ninyo or kung paano kayo naapektuhan nito.
"'Pag sinabi 'yung word na ride, road trip ang pumapasok sa isip ko. So, doon po talaga nagsimula 'yon. Gusto ko pong gumawa ng kanta na mapapa-feel ko na nasa road trip 'yung mga tao. During pandemic ko kasi ito nasulat at naka-lockdown po lahat.
"Personally, na-miss ko po 'yung feeling na nasa road trip at nakikinig ka lang ng music kasama 'yung important people sa buhay mo. Isinulat ko 'yung 'Ride' para maiparamdam ko po sa mga tao 'yung comfort and healing na naibibigay ng pag-roadtrip," sey pa ni Psalms.
Bilang isang budding songwriter, nag-share si Psalms kung paano siya makabuo ng isang song: “Gusto ko pong nauuna 'yung melody saka ko ipapasok 'yung lyrics pag gumagawa ng kanta. Pinaghuhugutan ko rin po 'yung aking personal experience and 'yung mga experience ng mga kaibigan ko. Sa akin po kasi nagku-kwento 'yung mga kaibigan ko dahil good listener po ako.
“Gusto ko po ulit magsulat ng mga bagong kanta. Asahan po ng mga Kapuso natin na magre-release po ulit ako ng mga bago kong kanta in the future.”
Available ang "Alimuom" ni Jeniffer at "Ride" ni Psalms on all digital streaming platforms worldwide.
FOLLOW US ONLINE:
Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz
Twitter: twitter.com/pikapikaph
Instagram: instagram.com/pikapikaph/
YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz
TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/
and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber