Teddy Corpus on JK Labajo’s “pagmumura”: “Passé na ’yong image ng rakistang gano’n.”

PHOTOS: Anna Pingol & @karloslabajo on Instagram

PHOTOS: Anna Pingol & @karloslabajo on Instagram

Bilang rakista, hindi nakaiwas si Teddy Corpus ng bandang Rocksteddy na mahingan ng reaksyon tungkol sa kontrobersiyang kinasangkutan recently ng kapwa niya rakistang mas nakababata sa kanya na si JK Labajo—na mas kilala na ngayon sa pangalang Karlos—ng bandang juan karlos.

Nakapagbitiw kasi ng malulutong na mura mula sa two-time platinum artist na si Karlos ang isang fan na itinili ang pangalang Darren matapos kumanta ang banda ni Karlos na juan karlos sa ginanap na “Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music Festival” sa Globe Circuit sa Makati last March 1. Sa nag-viral ang video ng kontrobersyal na pangyayari, makikita ang pagka-pikon ni JK sa heckler kaya’t isa isa niyang ipinakilala ang members ng banda niya, karugtong ang ilang malulutong na mura.

Matatandaang nagkaroon ng hidwaan between JK at Darren Espanto in October last year over a tweet that Karlos, then using JK as a name, supposedly posted. In the said post, Karlos allegedly insinuated Darren’s “gayness.” Inalmahan ito ni Darren habang dinenay naman ni JK na siya ang nag-post ng nasabing tweet.

Gaya ni Darren, sumikat din sa Karlos bilang contestant sa The Voice Kids Philippines back in 2014. Saglit niyang sinubok ang acting sa hit television series na A Love to Last kasama nina Julia Barretto, Bea Alonzo at Ian Veneracion among others. Itinatag ni Karlos ang juan karlos band na siyang nagpasikat sa kantang “Buwan” under Universal Music Philippines.

Ayon sa bida ng Papa Pogi, na incidentally ay ang first ever starring role niya as a comedian, may social responsibility din silang mga rakista sa mga taga-pakinig or audience nila.

Pero idinagdag niyang hindi siya sigurado kung “act” lang ba ni JK ang pagmumura nito o kung tunay na character niya ito bilang tao.

Hindi ko sure kung it’s an act to be a rakista kasi p’wede akong kumanta dito na parang lasing? Di ba may mga rock star na kung kumanta parang’yong lasing na kumanta?

To be fully understood, nag-demonstrate pa si Teddy ng pagkanta na tila lasing para i-highlight ang point niya na baka “act” lang ang lahat sa parte ni JK.

“Hindi ko alam kung act ba ’yon or it’s a persona na sine-send nila or attitude or it’s their own true self, e…para sa akin, kung ’yon ’yong tutoong lumabas sa bunganga ni JK, baka ’yon siya…I don’t mean to disrespect or to ano rin kay JK pero…Kasama ko lang siya sa isang gig e, parang two days ago, three days ago lang…pero hindi kami nakapag-usap pero gusto ko sana siyang kausapin, ‘Oist, ano ha, hinay-hinay lang sa ano, ha..especially sa pagmumura.’”

Baka raw kasi dala ng kabataan ay naiisip ni JK at ng iba pang mga mas nakababatang rakista na “cool” ang pagmumura during performances. Kaya’t kung magkakaroon daw ng chance ay sasabihan niya ito, as a senior rakista, na maghinay-hinay.

Kasi pag bata ka baka parang feeling mo minsan cool ’yong nagmumura ka o pag rakista ka, cool ’yong nag-aano ka…baka lang kailangan ng isang guidance ng isang rakista to rakista…so, kung siguro may time kaming mag-usap, p’wede ko siyang i-encourage na ‘Oist, steady lang sa ano, or kung ako sa’yo, tawanan mo lang or ‘Oy, thank you, ha.’ 

“May ibang paraan to do that naman din siguro para hindi disrespectful also kasi p’wedeng na-ano rin sa kanya ’yong sinabihan niya…’yon lang, ’yon lang din…parang hindi ko sure kung nagdo-joke lang siya [audience]…‘Oy, ano, I love you, Darren!’ Di ba? Hindi ko alam. 

“Kasi ako, kung sa akin gawin ’yon, kunwari meron akong gano’n? ‘Oy, thank you, gusto mo ba kumanta ako ng ganito or what?’”

Inalala pa ni Teddy ang minsang pagpe-perform ng kanilang banda sa UP [University of the Philippines] Fair, kung saan nakaranas din sila ng similar heckling.

Kinantiyawan daw silang kumanta ng theme song ng It’s Showtime, kung saan regular co-host din si Teddy. Pagkatapos daw noon ay pinakanta naman sila ng themse song ng Eat Bulaga!, ang kalabang program ng It’s Showtime. Imbes daw na mapikon ay pinagbigyan pa nila ang mga nangangatyaw at sinakyan ang biro ng mga ito. “Everybody happy” daw pag ganito ang diskarte.

“E, kung pinatulan namin, ‘Ano’ng Bulaga kayo diyan?’ Di ba? May proper way…proper ano to accept ano ’yong mga gano’ng klase. So, para sa akin, ‘Okey lang.’”

Muli niyang idiniin na hindi tama ang pagmumura kapag nagtatanghal. “Sa akin hindi siya cool. Kailangan may respeto pa rin sa’yo ’yong mga tao and you would not gain the respect of other people, especially your listeners, kung minumura mo sila or pinepeke mo lang sila.”

Ayon pa kay Teddy, out-dated na ang style o image na iyon ng mga rakistang nagmumura.

“Passé na ’yong image ng rakistang gano’n…wala ng gano’ng mga image ang mga rakista,” say ni Teddy.

However, nang tanungin kung sa tingin niya ay may adverse effect ang naging pagmumura ni JK na iyon sa career nito, ay wala raw.

Hindi, hindi…feeling ko sisikat pa lalo si JK,” paniniyak ni Teddy.

Wala raw siya sa posisyon kung tutuusin para magbigay ng advise kay JK lalo pa’t hindi naman niya personal na nasaksihan ang pangyayari at sa mga viral videos nalang din niya napanood gaya ng karamihan. Gayunpaman, bilang mas nakatatanda ay nais niya raw sabihan si JK na mag-hinay-hinay sa pagha-handle ng crowd.

“Wala akong ano’ng mag-ano kay JK kung ano ’yong gusto niya…” pagmumuni ni Teddy. “At saka kung ano…bakit niya nasabi ’yon….kasi p’wedeng galit siya, p’wedeng nagbibiro siya. Hindi ko alam ’yong context e. Kahit ’yong sa video, tumatawa ’yong crowd, e, di ba? Pero hindi ko alam kung okey ’yong nagbibiro ba siya o ano, gano’n lang siyang magbiro. Hindi ko alam yong context niya, e…

“Pero ang maa-advise ko lang…alagaan niya ’yong network niya, alagaan niyang ’yong fans niya, alagaan ’yong crowd niya, alagaan din niya kahit hindi niya crowd kasi ’yong hindi niya crowd, sooner or later, baka maging crowd din niya…baka maka-capture din niya ’yong puso ng hindi niya crowd kasi kami no’ng narinig nila ’yong mga songs namin… ‘Ted, gusto namin ’yong kanta n’yo na Magpakailanman, favorite ko ’yon…sweet new song, hindi siya ano…’ So, gano’n, parang…di ba?

Baka lang ’yong ibang mga rakista na bata ngayon, baka lang feeling nila, cool ’yong nagmumura, cool ’yong [quote-unquote] ‘nagda-drugs’…cool ’yong ganito- ganyan sa pagbabanda…

“Ano rin, siguro how you were brought up, kung sino ’yong kasama mo, ’yong crowd mo…ano lang, kung nagkamali siya, feeling niya nagkamali siya, si JK, just apologize… ‘Sorry po nadala lang ako…’

Sa puntong ito ay hindi pa nag-i-issue ng public apology si JK.

Nahingan ng mga kuro-kuro ng mga members of the press—kabilang ang pikapika.ph—si Teddy sa press conference kamakailan ng launching comedy movie nitong Papa Pogi ng Regals Films na magso-showing on March 20.

Heto ang isang bahagi ng reaksyon ni Teddy tungkol kay JK:

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.