Sa pagkakatanda ni Direk Paul Basinillo, pang-pitong concert collaboration na nila ni Sarah Geronimo ang Tala: The Film Concert na mapapanood na via ktx.ph sa darating na March 27.
“Pero in terms of projects marami na,” pagbabalik-tanaw ng TV-movie-and-concert director na nakatsikahan ng pikapika.ph kamakailan. “Kasi mga commercials niya from the old days, ’yong mga dati niyang commercials na Cebuana [Lhuillier Pawnshop], ’yong mga una niyang music videos, ’yon ginagawa ko na ’yon nu’ng bata pa siya. I started working with her when she was I think 16 o 17 [years old].
Kaya naman kung meron man isang masasabing kilalang-kilala na si Popstar Royalty, si Direk Paul ’yon. And according to him, hindi daw nagbago si Sarah in terms of attitude. Never daw lumalaki ang ulo. Never nagpa-diva ever. Kung may nagbago man ay naging mas magaling pa ito kaysa dati.
“’Yong mga choices niya ng kanta definitely nagbabago, nagma-mature ’yong kanyang taste. Pero in terms of attitude, walang attitude si Sarah, e. Very ano siya, professional. She goes to the set, she does what she needs to do, she does what she’s asked by the director, she just executes...walang kaano-ano... maayos talaga, walang diva-diva na attitude. Never ko siyang nakitaan ng ganu’n.”
Pero sa tagal ng pinagsamahan nila, hindi pa rin completely ma-fathom ni Direk Paul kung saan nanggagaling ang so-called “sapi” ni Sarah. Darating daw kasi ito sa set na simpleng-simple at tatahimik lang sa isang sulok, pero kapag binigyan mo na ng microphone at tinapatan mo na ng camera ay humahalimaw na. May visible transformation ka talagang mawi-witness. Parang may dual personality, kumbaga.
“Alam mo ’yong pagkaka-describe sa akin d’yan— kasi matagal ko na siyang kasama, pati ’yong mga photo shoots na ginagawa niya—diniscribe siya ng isang photographer na si Jun de Leon dati...ang sinasabi ni Jun de Leon, pag kinukunan niya [ng photographs] si Sarah, para siyang chameleon. And it reflects sa lahat ng ginagawa niya. So, nag-a-adapt siya doon sa environment.
“Kung halimbawa sa pelikula, she will go there as an actress na alam ’yong script niya, alam ’yong dialogue, alam ’yong character niya. Pag dating niya sa isang concert, she’s gonna go there as a performer and then she will perform to 110th percent ng kanyang effort. Pag dating sa isang commercial, she will go there as a client and as partner of the business...parang ganu’n siya.
“So, nag-a-adapt siya. Kaya pag nakita mo siya ’yong kanyang features pag humarap sa camera, nagiging iba talaga. I mean, sa photography palang pag kinunan nag-i-iba na ’yong emote...makikita mo talaga ’yong resulta. So, it’s really her adapting to the environment.”
Muling mararanasan ng kanyang mga fans ang pagka-chameleon na ito ng Sarah Geronimo on March 27 via Tala: The Film Concert na isang taong pinaghandaan ni Sarah and the whole Viva Live team.
Ang Tala: The Film Concert ang way na rin niya ng pagse-celebrate ng kanyang 18th anniversary sa show business.
Tickets—which are prized at P3,000 for the VVIP section and P1,500 for the regular—are now on sale. Please visit ktx.ph to get yours.
At para naman sa iba pang detalye ng concert, panooring ang aming buong tsikahan with Direk Paul Basinillo, dito:
YOU MAY ALSO LIKE:
Jessa Zaragoza, boto kay Darren Espanto na maging boyfriend ng daughter niyang si Jayda