Sylvia Sanchez, nadulas ba na may kasalan sa 2021?

Photos: @sylviasanchez_a

Photos: @sylviasanchez_a

Muling bibida ang real-life mag-ina na sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde sa pagbabalik-telebisyon ng longest-running drama anthology on TV, ang Maalaala Mo Kaya o MMK, which is celebrating its 29thth anniversary this year.

Huli silang nagsama as mag-nanay sa 2017 teleserye na Walang Hanggan and this time, mag-nanay pa rin ang role nila. Arjo is playing Doctor Israel Bactol, ang 34-year-old cardiologist from Nueva Ecija na namatay nito lang March 2020 matapos mahawa ng Covid-19 sa isang nagsinungaling na pasyenteng kanyang tiningnan during the early onset ng pandemic sa bansa.

Tinaguriang #Doctorfree si Doctor El Bactol dahil sa pagseserbisyo niya ng walang bayad sa mga mahihirap na taga-far-flung areas. Ang madamdaming istorya niya ang napili ng MMK na isadula para sa kanilang TV-comeback pilot na magsisimula na mamayang gabi, 9PM, sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN at sa A2Z Channel 11 (at 8:45PM).

Incidentally, naka-relate si Sylvia Sanchez sa istorya dahil siya mismo—kasabay ng asawa niyang si Art Atayde—ay na-Covid rin noong tail end ng March at nag-fifty-fifty rin umano ang kanyang buhay. Mapalad lang silang mag-asawa at naka-recover sila, unlike Dr. Bactol.

Kaya naman sa digital press conference ng MMK last week, natanong si Sylvia kung ano ang nilu-look forward niya come 2021, matapos ngang mapagdaanan ng pamilya nila ang Covid ordeal.

“Sa 2021? Honestly, gusto ko nang matapos lahat itong pandemyang ’to...Sana matapos na kasi ang dami-dami na nating pinagdadaanan—lahat tayo dito sa Pinas... hindi lang buong mundo...tapos itong huling baha...” ratsada ni Sylvia na kilalang ma-detalye magkwento.

“’Yon ’yong wini-wish ko...’yon ’yong looking forward ako na sana matapos na...na, ‘Lord, sana matapos na ’to, mawala na ’tong Covid [19]. Pero s’yempre, sasabihin ko pa rin, ‘In God’s time. Your will be done, Lord, e.’ Alam mo ’yon? Hanggang idadasal ko lang pero bahala na. Me rason ’to lahat, e. ’Yon ’yon.”

Patuloy niya: “Saka looking forward ako sa magiging...bukod sa ating lahat, looking forward ako na s’yempre maipagpapatuloy ko pa ’yong...alam mo ’yon, may mga bagong pamilya na dumadating...na mamahalin ’yong mga bagong pamilya... palalakihin pa lalo ’yong pamilya...alam mo ’yon?”

Medyo sandaling natameme ang press sa tinuran na iyon ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) at tila iisa ang iniisip—at yon ay kung si Maine Mendoza ba ang tinutukoy niyang bagong pamilyang mamahalin at dadagdag sa paglaki ng kanilang pamilya? 

ABS-CBN reporter MJ Felipe broke the ice by asking kung may nais ba siyang ipahiwatig na ang tinutumbok ay kung may kasalan bang magaganap sa 2021?

Tila nahimasmasan si Sylvia at na-realize na p’wede ngang mabigyan ng ibang pakahulugan ang tinuran niya.

“Ayan na nga ba, e,” natatawang sagot niya.

Pagkatapos ay nag-elaborate na siya kung ano ang ibig niyang sabihin.

“Hindi ’yon ang ibig kong sabihin...like ’yong kahapon, honestly...tingnan n’yo yong IG [Instagram] post ko...na after nine months or seven months ba? Nagkita ulit kami no’ng nurse na tumutok sa aming mag-asawa kahit may Covid ako...talagang inaalagaan kami...

“Dumalaw dito [sa bahay] kahapon na sabi ko nga sa post ko, bago kong kaibigan, bago kong pamilya na bagong mamahalin dahil eto ’yong nag-alaga sa amin na mag-asawa nong nagka-covid kami.”

Ang tinutukoy na IG post ni Sylvia ay ang laman ng Instagram niya noong November 25, kung saan binigyang tribute niya ang nurse nila ni Art na si Dianne Enco na dumalaw sa bahay nila para mangumusta.

Ani Sylvia, si Dianne ang tinuturing nila ngayong bagong kapamilya.

So, there, malinaw.

Samantala, mamayang gabi na, 9PM ang pilot episode ng MMK’s comeback. Mapapanood ang first of two parts ng Dr. Bactol story in the following: Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant TFC at 8:45 naman sa A2Z Channel 11.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Ella Cruz elated that K-pop idol Minzy mentioned her, says she’s looking forward to future collab

Sarah Geronimo, Ebe Dancel, December Avenue, and more assemble to cover Rico Blanco’s iconic hits for the “Rico Blanco Songbook”

Cristine Reyes, bad-ass ding manakot

Heart Evangelista advocates for normalizing conversations about mental health at the Global Town Hall 2020

Sunshine Cruz, nagtataka sa “no more hot words” na payo ni Lolit Solis sa kanila ni Cesar Montano: "My ex husband is none of my business."

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.