Sylvia Sanchez, masayang nahanap ni Arjo Atayde ang gaya ni Maine Mendoza na game sa mga adventures nito

Masaya daw ang puso ni Sylvia Sanchez na nakatagpo ang anak niyang si Arjo Atayde ng gaya ni Maine Mendoza na kayang sakyan ang mga trip nito sa buhay. “Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy! Thank you, Maine [red heart emoji]. My heart is full! Love you both [face throwing a kiss emoji],” pahayag ng seasoned actress.

PHOTOS: @sylviasanchezph & @arjoataydeofficial on Facebook

Masaya daw ang puso ni Sylvia Sanchez na nakatagpo ang anak niyang si Arjo Atayde ng gaya ni Maine Mendoza na kayang sakyan ang mga trip nito sa buhay. “Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy! Thank you, Maine [red heart emoji]. My heart is full! Love you both [face throwing a kiss emoji],” pahayag ng seasoned actress.

Mukhang hindi napigilang maging senti ng aktres at celebrity mom na si Sylvia Sanchez sa short video na ng anak n’yang si Cong. Arjo Atayde at fiancee nitong si Maine Mendoza na kinunan habang nakasakay sila sa isang amusement ride sa Amerika. 

Ibinahagi ni Sylvia ang nasabing video sa kanyang social media kung saan niya sinabing ang video ay nagpabalik daw sa kanya ng memories nila ng panganay n’yang anak noong niyayaya s’ya nitong sumakay sa roller coaster noong bata pa ito.

"Watching this brings back so many memories! [grinning face with sweat emoji] Dati pag gusto mong mag-roller coaster, ayaw mong sumakay mag-isa, ako lagi ang niyayaya mo,” pagbabalik-tanaw ni Sylvia na waring kausap si Arjo.

Wala daw pinagbago kay Arjo dahil mula noon hanggang ngayon ay sumisigaw pa rin ito sa tuwing sumasakay ito sa roller coaster. Makikita nga sa video ang nakakatawang reaction nito habang relax na relax lang si Maine sa tabi n’ya. 

“Ganyan ka na bata palang. Wala pa ring pinagbago, sigaw at tawa ka pa rin hahaha,” saad pa ng Sylvia.

Masaya daw ang puso n’ya na nakatagpo si Arjo ng gaya ni Maine na kayang sakyan ang mga trip nito sa buhay. 

“Ngayon, masaya akong makita na may iba ka nang nakakasama at ligtas na ako sa pagyayaya mo,” pabiro pero heartwarming na sabi n’ya. 

Pag-a-address naman n’ya sa kanyang future daughter-in-law, “Ako yan dati, Maine. Ngayon, you’re Arjo’s constant adventure buddy! Thank you, Maine [red heart emoji]. My heart is full! Love you both [face throwing a kiss emoji].”

SCREENSHOT: @sylviasanchez_a on Instagram

Three red heart emojis naman ang naging response dito ni Maine sa comment section.

Umiral naman ang pagiging sweet ni Arjo sa kanyang ina. 

“[T]hank you ma!!! [hugging face emoji] I love you more [red heart emoji],” saad ng actor-turned-public servant.

Muli namang napa-throwback si Sylvia sa naging adventure nila ng anak n’ya sa Japan. 

“@arjoatayde love you too nak. Last ride natin last January sa japan ahahaha lala din noon hahaha sigaw tayo ng sigaw [grinning face with smilling eyes, grinning squinting face, and grinning face with big eyes emojis] Basta, super happy ako para sayo [red heart emoji],” pagtatapos n’ya. 

SCREENSHOT: @sylviasanchez_a on Instagram

Na-touch naman sa post ng aktres ang kanyang IG followers sa pagiging sweet mother niya sa kanyang anak and future manugang.

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Pika's Pick: Sylvia Sanchez shares about their family’s recent multiple celebration: Ria Atayde and Maine Mendoza’s birthdays and her and husband Art’s 19th wedding anniversary

Pika's Pick: Arjo Atayde introduces his fiancee Maine Mendoza to his mother’s side of the family; mom Sylvia Sanchez touched by the couple’s gesture

Sylvia Sanchez, hindi pa rin makapaniwalang kongresista na si Arjo Atayde; “Di ko akalain darating ang araw na ’to sa buhay natin.”

Sylvia Sanchez, proud na congressman na ang anak na si Arjo Atayde; pero sa bahay, “Gwapo Ogag” pa rin daw ang itatawag niya dito

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.