Sylvia Sanchez, hinihingi si Baby Malia kay Pokwang

“Gumawa nalang kayo na iba!”—Sylvia to Pokwang

PHOTOS: Anna Pingol

“Gumawa nalang kayo na iba!”—Sylvia to Pokwang

Kahapon, October 4, ay nag-taping si Sylvia Sanchez sa ABS-CBN studio para sa isang special gag segment ng Banana Sundae kasama ang actor na si John Arcilla. Isa ang aktres sa mga napiling mag-guest sa gag show para sa kanilang 10th anniversary presentation.

 

After ng kanyang take ay hinanap ni Sylvia—nicknamed Ibyang—ang dressing room ni Pokwang, na isa sa mga mainstays ng Banana Sundae. Hindi naging magka-eksena ang dalawa sa gag pero gusto lang daw niyang personal na sabihin ditong fina-follow niya ang Instagram account ng sikat ng anak ng komedyante na si Malia O’Brian dahil cute na cute siya dito.

 

PHOTO: @itspokwang27 on Instagram

 

Si Malia, na eight-month-old na as of press time, ay anak ni Pokwang—nicknamed Pokie—sa American actor boyfriend niyang si Lee O’Brian na active na rin ngayon sa local acting scene. Na-appreciate naman ni Pokie ang gesture na iyon ni Ibyang at sinabi rin niya dito na siya naman ay fan ng pagiging magaling magluto ni Sylvia na pino-post din ng aktres sa social media paminsan-minsan. Pokie is particularly interested ba matikman ang native Butuan lechon na ginawa ni Ibyang minsan at pinost sa Instagram. Nangako si Ibyang na papadalhan niya nito si Pokie basta’t ipahiram lang sa kanya si Malia.

 

Nasaksihan ng pikapika.ph ang bahagi ng exchanges between Sylvia and Pokwang. Game naman daw si Pokwang na ipahiram ang anak. Pero hindi pa nagkasya doon si Sylvia at sinabing kung p’wede ay kanya na lamang daw si Malia at “gumawa nalang kayo ng iba!”

 

Naloka si Pokie kahit flattered na flattered siyang masabihang “maganda ang lahi” niya.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.