Super Tekla, nabunutan ng tinik dahil sa dami nang nag-abot ng tulong para sa operasyon ng bagong-silang na anak

PHOTOS: @SuperTeklaLibrada on Facebook

PHOTOS: @SuperTeklaLibrada on Facebook

Tila bahagyang nabunutan ng tinik ang Kapuso comedian na si Super Tekla matapos magpa-abot ng tulong para sa kanyang baby boy ang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz.

Last June 25 kasi, sa interview n'ya with Nelson Canlas sa news program na 24 Oras, napaiyak na lamang ang TV host-comedian matapos nitong ibahagi ang kanyang pinagdadaanang problema sa ngayon. 

Ipinanganak kasi ang kanyang bunso na si baby Angelo last June 22 na may rare medical condition na tinatawag na anorectal malformation o iyong isinilang na walang butas ang puwet. 

Kaya naman, ayon pa sa interview, pino-problema ng Boobay and Tekla Show co-shost kung saan kukuha ng ipangtutustos sa agarang operasyon ng sanggol. 

Mahina kasi ang raket ngayon sa showbiz. Nagsara na din ang iba pang comedy bars na pinagtatanghalan niya noon, at sapilitan ding nahinto ang TV and movie productions because of the coronavirus pandemic. 

Kaya naman sa post n'ya sa kanyang Facebook post kahapon, July 5, isang mapagpasalamat na Tekla ang bumungad sa kanyang mga followers. Tila nakahugot nang bagong pag-asa ang Kapuso comedian.

"Thank you Lord sa lahat ng support at mga nag darasal, nagbibigay,ng tulong financial, via Gcash,at Bdo account," panimula ni Tekla sa kanyang mahabang post. 

Pinasalamatan din ni Tekla ang mga boss n'ya sa GMA Network sa pagpayag ng mga ito na magsagawa sila ng benefit showpara sa kanyang baby.

At bukas, July 7, kasado na diumano ang nakatakdang pagsasanib-pwersa ang mga Kapuso stars para sa isang online benefit concert via GMA Network YouTube channel at Facebook pages para sa anak ni Tekla. 

Kabilang nga sa mga mangunguna sa nasabing online benefit concert ang mga komedyanteng sina Booby, Aiai Delas Alas, Boobsie at Kim Idol habang kabilang sa mga singers na magpeperform sina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Rita Daniela, Hannah Precillas, Jeniffer Maravilla at marami pang iba. 

Kabilang din sa pinasalamantan ni Tekla sina senators Bong Revilla at Bong Go, as well as Willie Revillame and Donita Nose na nakasama n'ya noon sa variety show na Wowowin. 

Katunayan, naging madamdamin si Tekla nang makabalik s'ya bilang guest sa programa last July 3 at muling makaharap Si Kuya Wil. Ilang buwan din kasi siyang naging bahagi ng programa bago s'ya nawala. 

Sa FB post, pinasalamatan din n'ya ang komedyana na si Lovely Abella na pagsasagawa nito ng auction para makalikom ng pera for his newly-born son at mga co-stars sa All Out Sunday sa kanilang financial and moral support.

"Salamat sa mga nag bid sa Auction ni ninang Lovely Abella kagabi para sa operation ni Baby Angelo AT sa AOS Family, sa mga kapwa ko comedians lalo na sa aking partner na si Boobay Norman Balbuena. 

"Sa patuloy nyong pagdarasal at tulong financial, malaking tulong sa aking little boy Angelo na mabigyan ng chance na masilayan ang mundo natin. 

Sey pa n'ya: "ALam ko ang busilak ang mga kalooban ng mga taong ito Panginoon, instrumento lng kaming Lahat. Pinapaubaya ko na po sa Inyo Ang buhay at kaligtasan ni Baby Angelo. BUONG PUSOT KALULUHA KO PONG IPINAGKAKATIWALA ANG BUHAY AT KALIGTASAN NI ANGELO SA DARATING NA MARTES." 

Nag-alay din ng panalangin ang komendyanteng nakilala sa pagbibihis babae na kahit s'ya ay ganap na lalaki dahil mas patok daw 'yon sa masa. 

"Panginoon, Patnubayan po ninyo at balutin mo ng iyong kapangyarihan maguide, maisagawa ng mga Doctor na mag opera sa kanya sanay patnubayan mo po na maging safe at matagumpay ang pinakamasilan, at delikadong operation ni Angelo. 

"NAK, FIGHT FIGHT LANG HA. ANG DAMING NAGMAMAHAL AT NAGDARASAL sayo Andito lang si Daddy. Be strong! Mahal na mahal ka namin ni Ate mo Airah," pagtatapos ni Tekla. 

 

Thank you Lord sa lahat ng support at mga nag darasal, nagbibigay,ng tulong financial, via Gcash,at Bdo account. Sa...

Posted by SuperTeklah Librada on Sunday, July 5, 2020

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.