Super Tekla, "magpapaka-lalaki" na in two years

Sa mga hindi pa gaanong kilala si Super Tekla, siya ay isang straight guy na nagpapanggap beki lang for economic purposes. Natutunan niya kasing gayahin ang boses nina Whitney Houston at Celine. Ito ang naging passport niya para makapag-host sa mga comedy bars sa Metro Manila (he’s originally from Cotabato). At para mas maging k’wela, nag-bihis babae at nag-astang beki na siya. Ito rin ang naging mabenta gimik niya kaya from being a contestant ay naging co-host siya ni Willie Revillame sa GMA-7 game show nitong Wowowin and the rest is history.

Photos: Melo Balingit & @superteklahlibrada

Sa mga hindi pa gaanong kilala si Super Tekla, siya ay isang straight guy na nagpapanggap beki lang for economic purposes. Natutunan niya kasing gayahin ang boses nina Whitney Houston at Celine. Ito ang naging passport niya para makapag-host sa mga comedy bars sa Metro Manila (he’s originally from Cotabato). At para mas maging k’wela, nag-bihis babae at nag-astang beki na siya. Ito rin ang naging mabenta gimik niya kaya from being a contestant ay naging co-host siya ni Willie Revillame sa GMA-7 game show nitong Wowowin and the rest is history.

Kahit sagad din naman ang promo ng GMA-7 para sa project ng little sister company nilang Backyard Productions, ang comedy na Kiko En Lala, ay gumawa raw ng sariling-sikap ang lead star nitong si Super Tekla—aka: Romeo Librada off-cam. After all, launching movie niya ito.

 

“Sobrang effort ko, sumusugod sa palengke—di alam manager ko—sinusuyod ko, may sarili akong palengke tour,” kwelang kwento ni Super Tekla sa movie press. “Sumasakay ako ng jeep, tricycle, bus, kinakamayan ko mga tao. Daig ko pa ang pulitiko....sa kanto pag may nagbaba-basketball, bigla susugod para magpa-video ng ‘Watch Kiko En Lala.’

 

“Para lang in my own little way, bugbog ko ang promotion,” pa-seryosong dagdag niya. “Tapos, lalagay ko sa wall ko sa FB [Facebook], tapos, papa-share ko sa mga kaibigan. Para lang ma-remind lang mga Kapuso natin na may movie ako ba?”

 

Comedy bar ang training ni Super Tekla sa comedy at ibang-iba daw ang atakan sa stage kesa sa pelikula kaya naman excited siyang mapanood ng mga taga-tangkilik niya ang tinatawag niyang “wholesome comedy” naman as opposed sa nagaganap sa mga comedy bars. Kahit nahirapan daw siyang mag-transition ay naitawid naman daw niya sa dual role niya as conjoined twins na sina Kiko En Lala (na spoof title ng pamosong Japanese Sanrio characters na sina Kiki and Lala).

 

“Mahirap kasi sa movie kasi may mga restrictions, may bawal, merong p’wede,” dagdag kwento ni Super Tekla tungkol sa movie-making experience niya.  “No’ng una nahihirapan ako kasi nasanay ako sa...kasi mostly nasanay ako no-holds barred na pagpapatawa, walang limit. Kumbaga, expect the unexpected...everything goes, anything under the sun masasabi mo lang.

 

“Dito sa movie, gigil na gigil ako bitawan [ang unscripted na linya], pero hindi siya akma. Nag-aano ako doon sa ano, image ko na, eto ’yong form ko of comedy ko na, hindi ako lalayo doon. Wholesome pero mabigat ang bitaw...p’wede namang magpatawang hindi bastos, e.”

 

Sa mga hindi pa gaanong kilala si Super Tekla, siya ay isang straight guy na nagpapanggap beki lang for economic purposes. Natutunan niya kasing gayahin ang boses nina Whitney Houston at Celine. Ito ang naging passport niya para makapag-host sa mga comedy bars sa Metro Manila (he’s originally from Cotabato). At para mas maging k’wela, nag-bihis babae at nag-astang beki na siya. Ito rin ang naging mabentang gimik niya kaya from being a contestant ay naging co-host siya ni Willie Revillame sa GMA-7 game show nitong Wowowin  and the rest is history.

 

But beneath the effective girly façade and gestures, machong-macho ang real life na siya na si Romeo. In fact, may dose anyos na siyang anak ngayon at may non-showbiz girl na pinopormahan sa kasalukuyan.

 

Sa ngayon, hangga’t hindi pa raw nagsasawa ang mga Kapuso followers niya sa image niya as Super Tekla ay pagkakakitaan muna niya. Pero aware daw siya na hindi habang-panahon ay bebenta ang image niya kaya naman nangangarap din daw siyang makapanatili sa showbiz bilang straight guy actor na si Romeo.

 

“Dito ako nakilala, e,” say niya sa Super Tekla screenname and persona na sampung tao na niyang ginagawa. “Pero s’yempre, kung darating din sa time na ano... s’yempre andar nang andar ’yong taon, ’yong panahon...kailangan mo ding mag-change ng ano ng ibang look...ng ibang character. Kasi s’yempre pag puro ganyan ka nalang, pananawaan ka. So, nag-iisip na ako na two years from now, ibang look naman.

 

“Nag-ano na ako nang...nag-serious acting [sa Magpakailanman], doon ko nakita...tinitingnan ko, ‘Oh my God, kaya ko pala.’”

 

Dinramatize kasi ng Magpakailanman  ang buhay niya noong 2016. And there, he portrayed himself—both as Tekla and as Romeo.

 

“Pero mahirap kasi ang serious na ano, e, lalaking character?” pag-a-analyze ni Romeo. “Hindi siya ano, (versatile). Pag ganito [as beki], ang dami kasing [raket]...p’wede kang kunin sa fiesta, sa corporate [shows], pag December [as Christmas party host]... bankable ka doon. Nandoon ’yong pera, e. So, pokus ako do’n.

 

“Oras ka lang naman susuutin [ang mga damit-babae at makeup]. [Pagkatapos ng show], talagang tinatanggal ko yan. Back to normal.”

 

And normal is Romeo, father of one.

 

Kiko en Lala—which also stars Kim Domingo, Derrick Monasterio, and comedian Tetay—is showing in cinemas starting today, September 25.

 

 

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.