Sunshine “Kaka” Guimary, nakikita ang sarili sa idolong si Rosanna Roces

PHOTOS: @sunshine_guimary & @therealrosannaroces on Instagram

PHOTOS: @sunshine_guimary & @therealrosannaroces on Instagram

During the virtual conference ng sexy-comedy film na Kaka, ang launching movie ng tinaguriang “Braless Goddless” na si Sunshine Guimary, nakumusta ang newbie actress tungkol sa mga naging karanasan niya sa set.

At ayon sa Cebuana actress, naging magaan daw ang lahat at walang nagparanas sa kanya ng horror story na karaniwang pinagdadaanan ng mga baguhan.

Magaan,” lahad ng Cebuana actress. “Everybody is good. Everybody is mabait. Okey ang lahat.

Na-single out din niya si Jerald Napoles, na gumaganap na best friend niya sa movie, na umano’y in-adjust-an niya nang husto.

“More on kami ni Je [palayaw ni Jerald] ang magkasama sa eksena,” dagdag niya. “Kami ‘yong mas mag-a-adjust nang bonggang-bongga dito. And habang tumatagal mas gumagaan ang lahat.

Oo naman ang naging sagot ni Sunshine sa tanong kung nakikita ba niya ang kanyang sarili sa seasoned actress na si Rosanna Roces, na nagkataong co-star niya sa pelikula. Once upon a time ay naging baguhan din naman ito gaya niya.

“Daring, walang takot,” paglalarawan n’ya kay Osang [nickname ni Rosanna]. “Nakikita ko ‘yong part [kung] gaano s’ya ka-open pag binigyan s’ya ng ganitong [eksena]. Ginagawa n’ya. 

“Those part, ‘yong part na gusto ko sa kanya, nakikita ko ang sarili ko sa part na ‘yon na kung ano ‘yong ibabato [na eksena] gagawin at gagawin ko.

Natanong din ang new Viva actress kung hanggang kelan ba s’ya magpapa-sexy sa pelikula.

Natatawang sagot n’ya, “Hanggang sa kailangan. Hanggang sa may gusto.” 

Pero s’yempre, gusto din daw n’ya mag-explore at subukan ang iba pang mga karakter.

“Kung meron man siguro, ‘yong kontrabida. ‘Yon, feel ko ‘yong kontrabida,” pagtatapos ni Sunshine.

Maliban kina Jerald Napoles at Rosanna Rocess, kasama din sa launching movie ni Sunshine sina Jackie Gonzaga, Debbie Garcia, Juliana Parizcova, Giselle Sanchez, Maui Taylor, Ms. Gina Pareno, at Ion Perez na isa sa kanyang dalawang leading men.

Mapapanood na ang Kaka simula May 28 exclusively sa Viva streaming app na Vivamax. 

Available online ang Vivamax sa web.vivamax.net o p’wede rin ma-download ang mobile app nito from Google Play Store or Apple App Store. You can also get Vivamax vouchers on Shopee and Lazada. P’wede nang manood one to sawa for only P149 for one month, P399 for three months, at P749 for six months.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Exclusive: Sunshine Guimary, hihingi daw ng basbas kina Vice Ganda at Kim Molina bago “ikama” sina Ion at Jerald

Pika's Pick: "Braless Goddess" Sunshine Guimary hits 600,000 subscribers on YouTube

Exclusive: Pambansang Braless Sunshine Guimary, gaano kaya ka-naughty?

New online sensation Sunshine Guimary is setting YouTube on fire with her “No Bra Challenge" videos

 

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.