Sunshine Guimary, natunton ng stalker dahil sa pagha-house tour sa vlog niya

Sexy vlogger si Sunshine Guimary bago siya na-discover ng Viva. And as a vlogger, nakapag-house tour content na rin daw siya at pinagsisihan niya ito ng labis dahil ito umano ang nagbigay-daan para matunton siya ng isang stalker niya.

Photos: Viva Films

Sexy vlogger si Sunshine Guimary bago siya na-discover ng Viva. And as a vlogger, nakapag-house tour content na rin daw siya at pinagsisihan niya ito ng labis dahil ito umano ang nagbigay-daan para matunton siya ng isang stalker niya.

Nakaka-relate si Sunshine Guimary sa latest movie niyang House Tour dahil hawig sa real-life niya ang karakter niya bilang si Gabby na isang vlogger at award-winning actress. Asawa niya dito si Rafa Siguion Reyna (bilang si Franco), na isa namang dating Olympian. Naninirahan sila sa mala-resort na bahay overlooking Taal volcano.

At bilang sikat na vlogger ay pinagbigyan ni Gabby ang hiling ng kanilang viewers na magpa-house tour. Sa house tour, na ipinalabas sa kanilang C-Zone Channel, ipinakita nila ang  bawat sulok ng kanilang napakaganda at napakalaking bahay, with matching detalyado pagkukuwento sa bawat parte o gamit sa bahay na nadadaanan ng camera.

Napag-aralan ngayon ng mga akyat-bahay gang ang pasikut-sikot ng kanilang bonggang bahay dahil panonood ng kanilang vlog.

At nang malaman ng mga ito—mula sa isang social media post ni Sunshine—mawawala sa bahay ang asawa ng isang linggo, ay agad umaksyon ang mga miyembro ng akyat-bahay gang sa pamumuno ni Markus (Mark Anthony Fernandez), kasama ang kapatid na si Raims (Diego Loyzaga), ang girlfriend ni Raims na si Ely (Cindy Miranda), at ang isa pang miyembro nila na si Buddy (Marco Gomez).

Nang mapasok na nila ang bahay ng mag-asawang vlogger, ay inangkin nilang parang bahay nila ito bago nakawan. Sa hindi inaasahang pangyayari ay biglaang umuwi ang mag-asawang may-ari kaya ang plano ng grupong maki- “feel at home” ay naging “kill at home.”

In real life, sexy vlogger si Sunshine Guimary sa Cebu at sa vlog nga niyang iyon siya na-discover ng Viva, na siyang nagbansag sa kanya bilang Braless Goddess, dahil yon ang branding niya sa kanyang sexy vlog.

Kadalasan ay sa bahay niya ang setting ng kanyang pagba-vlog dahil nataong kasagsagan ng lockdown 2020 ang pagbuo niya ng vlog. 

Pag-amin pa ng sexy vlogger-turned-actress during the House Tour press conference, na siya mismo ay nakapag-house tour content na.

“Bilang vlogger at YouTuber, darating talaga sa part na mauubusan kayo ng content at ’yung mga suki viewers [mo], number one talaga nilang nire-request ’yung house tour,” lahad ni Sunshine.

“So, nagawa ko nga at ni-regret ko talaga na ginawa ko na ma-detalye [bahay ko] na hindi ko dapat ginawa.

“Lahat nang nakatayo [na gamit] sa bahay nasabi ko, ganu’n ka-informative. Nag-regret ako kasi masyadong ma-detalye. Pati wardrobe kung saan ko inilalagay lahat ng gamit ko pag dating ko sa bahay.”

At pinagsisihan daw niya ang pagha-house tour dahil may naging masamang consequence ito.

“Nag-regret ako kasi later on may dumating sa bahay na stalker,” pagtatapat niya.

“Lumipad siya from ganitong place. Dumating siya sa subdivision tapos sabi niya po-protektahan daw niya ako something-something.

“Nagsiga-siga na [ang stalker] at si [subdivision] guard, sinamahan. Sabi ko, ‘Bakit n’yo tinunton sa bahay, p’wede naman sa admin office na lang?’ 

“E, kasi ako raw ang sadya ni tao. Si tao dumating ng 2 AM, sabi ko, paalisin n’yo (guard) po o mag- book na lang siya sa hotel o kung anuman diyan at mag-usap na lang kami kinabukasan.

“Kasi 2 AM nangyari. Tulog na ako at tumatawag ’yung guard.  Sabi ko hindi ko siya kakausapin kasi hindi tama ’yung oras.

“So, si mama (stalker) naghintay hanggang kinabukasan na 6AM, nandoon pa rin siya sa guardhouse at ayaw na ayaw niyang umalis.

“So, dinala ni guard sa bahay at alam niya ang location ko lahat at nandoon siya sa front gate.

“So, tinanong ko kung ano’ng sadya at sabi niya, mahal na mahal daw niya ako at po-protektahan niya ako kasi may a-attack daw sa akin.

“Tapos kami, 8AM, as in mainit na sa labas. Lahat kami pawis na pawis at kaming lahat gutom na kasi walang breakfast.

“So, it turned out na tumawag na lang kami ng pulis at sabi ko na kung nakapag-pamasahe (gumastos),  ‘Ako na po magpa-pamasahe sa inyo pabalik kung saan man kayo galing.’”

Na-trauma daw siya dahil doon. 

“As in two weeks na hindi ako lumabas,” patuloy ni Sunshine. “At hindi ako puwedeng walang kasama. as in ’yun ang lesson talaga na worst ang nangyari.

“Kaya gaya dito sa movie (House Tour), paano pala kung ganito nangyari, buhay pa kaya ako?” pag-a-analisa ni Sunshine.

“’Di ba? paano kung ganito nga ang mangyari sa akin dahil nga naibahagi ko sa lahat ang bawa’t detalye ng bahay ko? Kaya puwede namang magpa-house tour, ’wag lang ipapakita lahat.

 “Lesson learned sa akin ang nag-house tour ako sa bahay ko na hindi ko dapat ipinakita ng buong-buo mula sa pagpasok sa gate na dadaanan ang garahe, kung saan ako dumadaan o pupunta pag dating ng bahay at kung saan ko inilalagay ang mga gamit ko sa loob ng bahay.”

Samantala, kasama rin bilang suporta sa pelikula sina Chad Kinis, Abby Bautista, Juliana Parizcova Segovia, Jeffey Hidalgo, Jobelyn Manuel, Liz Alindogan, Raquel Monteza, Angie Castrence, at Jim Pebanco.

Abangan ang House Tour, produced by Viva Films and directed by Taya director Roman Perez, Jr., sa Oktubre 22 sa Vivamax.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store at App Store.

Bukod sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore (in Asia) at Middle East and Europe, magkakaroon na rin ng Vivamax sa Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, and New Zealand simula October 1, 2021.

 

FOLLOW US ONLINE: 

Facebook: facebook.com/pikapikashowbiz

Twitter: twitter.com/pikapikaph

Instagram: instagram.com/pikapikaph/

YouTube: youtube.com/pikapikashowbiz

TikTok: https://vt.tiktok.com/ZGJBapkV4/

and join our Viber Community: tinyurl.com/PikaViber

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.