Sunshine Dizon, nag-level up as associate director sa bago niyang project

PHOTOS: @m_sunshinedizon on Instagram

PHOTOS: @m_sunshinedizon on Instagram

New year, new role ang peg ngayon ni Sunshine Dizon dahil may bago s’yang pinagkaka-abalahang project kung saan s’ya ang associate director. 

Ito ay para sa online series na B&B: The Battle Between Brody and Brandy under Sanggre Productions, Inc., ang film production company nila ng mga co-actors n’ya sa original Encantadia series (2005) na sina Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri, at ang direktor nilang si Mark Reyes. 

It could be recalled na taong 2018 nang mag-announce ng kanilang first project ang Sanggre Productions, Inc. at ito nga ang pelikulang Mystified na pinagbidahan ng apat na aktres noong 2019. Nanalo naman ito bilang Best Single Drama or Telemovie sa Asian TV Awards noong nakaraang taon. 

Matatandaan din na last July nang i-anunsyo ni Direk Mark na nagsimula na uli sila ng panibagong project sa Sanggre Productions, Inc. pero hindi muna s’ya nagbigay ng kung anumang detalye tungkol dito. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Last December 2020 naman nang ipakilala n’ya ang cast ng romantic comedy online series by posting a screenshot ng kanilang Zoom meeting/script reading. Kabilang sa cast sina Iza Calzado, Ian Veneracion, Lovely Abella, Ian Ignacio, Emmanuele Vera, at Ketchup Eusebio. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

At nito lang January 7 ay nag-post na naman sa Instagram si Direk Mark ng behind-the-scene collage photo kung saan makikitang nag-uusap sila ni Sunshine sa set. Dito n’ya rin sinabi na ang aktres ang kanyang associate director. 

“My associate director and co-producer for #bnbthebattleofbrodyandbrandy @m_sunshinedizon hard at work planning her shots for our Day 1 shoo tomorrow. @sanggreinc @wetvphilippines  #keepgrowing #keeplearning #levelup,” sey ng Encantadia director sa kanyang IG. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mark Reyes (@direkmark)

Maging si Sunshine ay nag-post din sa IG ng solo photo n’ya habang nakaupo sa director’s chair at sinabing, “This is it!” Naka-tag din sa kanyang post ang kanyang mga Encantadia sisters at si Direk Mark. 

“Second unit rolling,” dagdag pa ng multi-awarded actress sa kasunod nyang post.

Nagpahayag naman ng suporta kay Sunshine ang kanyang showbiz friends sa kanilang komento sa kanyang IG posts. Dumalaw din ang former co-star n’yang si Karylle sa set.

SCREENSHOT: @m_sunshinedizon on Instagram
SCREENSHOT: @m_sunshinedizon on Instagram

Nakatakdang mapanood ang B&B: The Battle Between Brody and Brandy sa WeTV app.

 

 

YOU MAY ALSO LIKE:

Iza Calzado and Ian Veneracion to lead WeTV original series "B&B: The Story of the Battle of Brody & Brandy"

Sunshine Dizon, Rosanna Roces, Wendell Ramos, Albie Casiño, couple Andrea Torres and Derek Ramsay, and other brave celebrities launch businesses amid the COVID-19 pandemic

Sunshine Dizon, Anne Curtis, Ria Atayde, Nikki Valdez at iba pang celebrities, naglabas ng mga hinaing at hiling sa gobyerno sa pamamagitan ng #ItoAngSONAko

Eddie Garcia Eulogy Series | Sunshine Dizon: “Mami-miss ko ang mga Manoy antics niya sa set.”

Welcome to pikapika.ph! We use cookies to ensure your best experience when browsing this site. Continuing to use pikapika.ph means you agree to our privacy policy and use of cookies.